DGH 26

5.3K 312 98
                                    

Chapter 26

******************************

James P.O.V.

Matapos ang pag-uusap namin ni Doc Leo ay pinayagan na niya din akong lumabas. Pero bago yon ay may mga hinabilin pa siya sa akin.

Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ngayon ni Lithium.

"Lithium sa Montenegro Company tayo dederitso" Sabi ko dito

"Bakit?" Tanong naman nito

"Basta doon mo nalang ako ihatid" Sagot ko naman

"James, diba pweding magpahinga  ka muna?" Ang sabi naman nito sa akin

"Lithium, magpapahinga naman ako pagkatapos nito"

"Okay basta kapag di muna na kaya, wag mong kalimutan na nandito lang ako para sayo, at para mahalin ka" Sabi nito pero di ko na narinig ang huli niyang sinabi

Pagkarating namin dito sa Montenegro Company ay agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan para lumabas na pero napatigil ako dahil may humila sa kamay ko.

"James are you sure that you're going to tell him that problem to your jerk husband? Baka saktan ka lang non" Sabi nito sa akin

"Lithium, oo sure ako dahil obligasyon niya ito at isa pa siya ang ama ng batang dinadala ko" Sagot ko naman

"Hindi sa pinipigilan kita James ah, pero look ayaw ko lang na masaktan ka ulit lalong-lalo na, na may malubhang sakit kapa" Sabi naman nito

"Thank you talaga Lithium sa concern mo ah, I do really appreciate your concern to me, pero wag kang mag-alala kaya ko pa naman dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya at alam ko naman na kahit anong mangyari ngayon ay alam kong nandyan ka para tulungan ako" Ang nakangiting sabi ko rito

"Yes I will James, I will" Sabi naman nito at niyakap ako ng mahigpit syaka hinalikan sa noo

"Oh sige na una na ako salamat sa paghatid" Paalam ko sa kanya

"No, hihintayin kita dito" Sabi naman nito

"Lithium wag na, ang dami ko nang atraso sayo at baka may lakad kapa" Sabi ko naman sa kanya

"Wala naman akong importanting lakad ngayon at syaka mas importante ka kaysa sa ano mang bagay na maaaring lakarin ko ngayon" Sabi naman nito

"Ikaw talaga Lithium" Ang naiilang kong tugon dito

"Sige na pumasok kana doon at maghihintay lang ako sayo dito" Sabi naman niya

Kaya agad akong pumasok sa loob ng company ng asawa ko. At dahil kilala naman ako ng ibang mga trabahante dito ay agad naman nila akong tinulungan at itinuro kung saan ang office ni Mathius.

Sumakay na ako ng elevator patungo sa 30th floor ng building na ito.

Habang dala-dala ko ang mga resulta ng medical test ko kanina ay di ko maiwasang mapangiti.

Ano kaya ang iisipin ni Mathius pag sinabi ko sa kanyang buntis ako. Magiging masaya ba sya o magagalit. Ay basta ang tangi lang dapat nyang malaman ay buntis ako.

*Ting*

Tunog ng elevator sayaka ito bumukas.

Agad namang bumungad sa akin ang office of the CEO at sa gilid nito ay ang office ng kanyang sekretarya.

Agad naman akong pumasok sa opisina ni Mathius at doon nakita ko syang may binabasang mga papeles.

"Mathius!" Tawag ko sa kanya

"Oh James anong ginagawa mo dito!" Ang gulat at pagalit niyang sabi

Nalungkot naman ako dahil kahit ba naman dito ay mukhang hindi parin niya tanggap ang presensya ko.

"Bakit? Masama bang nagpunta ako rito?" Tanong ko naman

"Look James! Wag mo sanang dagdagan pa ang galit ko sayo! You see hindi na ako naka attend ng meeting kanina dahil itinakbo ko sa hospital si Jade at dahil yon sayo!" Galit nitong sabi

"Bakit ako? Totoo naman ang sinasabi ko ah na nagpapanggap lang si Jade na may sakit" Sagot ko naman

"Ano ba James ayaw mo talagang tantanan si Jade ah! Nakita mo namang nasa hospital na yong tao tapos sasabihin mong nagpapanggap! Ganyan kanaba ka desperado na lahat nalang gagawan mo ng rason para mahalin kita! Paano kita mamahalin kung ang taong mahal ko ay pinapatay mo!" Galit na sigaw nito sa akin

Agad namang tumulo ang mga luha  ko sa aking mga mata.

"Naospital din naman ako ah, pero di ka man lang nagpakita at mas nag-alala ka pa sa kay Jade keysa sa akin!" Ang umiiyak kong sabi

"Cut that crop James! Gumagawa ka na naman ng kwento mo eh para maawa ako sayo!" Sabi naman nito

"Totoo naman ang sinasabi ko sayo Mathius eh, pero kong ayaw mong maniwala edi wag!" Tugon ko naman

"Tsk! Ano bang kailangan mo at bakit ka naparito!"

"May sasabihin lang ako sayo" Ang mahinahon kong sabi syaka pinahiran ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.

Ibinigay ko naman sa kanya yong resulta ng ultrasound ko kanina. Napangiti naman ako ng tinignan niya ito. Pero kumunot namang ang noo nito habang binabasa ang resulta ng ultrasound ko

"Ano na naman ito James!" Galit na sabi nito

"Mathius ano kasi , buntis ako at ikaw ang ama" Ang nakangiti kong sabi sa kanya

Pero nagulat nalang ako ng makita kong hindi na maipinta ang mukha nito dahil mukang galit na galit na.

"Nagpapatawa kaba James! At gumamit kapa talaga ng props para lukuhin ako!" Galit nitong sabi

"Mathius totoo ang sinasabi ko please maniwala ka naman"

"Paano ako maniwala sayo James eh mismong resulta ng ultrasound na ito ay sa mga babae lang! Wag ka ngang mangarap na may matris ka!"

"Pero Mathius iyon ang totoo!"

"Eh gago ka pala eh! Ikaw na mismo ang nagbigay sakin ng ideya kong bakit dapat ko nang madaliin ang pagkuha ng annulment nating dalawa!"

"Mathius please nagmamakaawa ako please kahit ngayon naman maniwala ka sa akin"

"James para sabihin ko sayo malabong magkaroon ka nang bata dyan sa sinapupunan mo dahil lalaki ka at oo aaminin kong merong nangyari sa atin pero kahit pagbali-baliktarin pa man natin ang mundo walang mabubuong bata dyan sa tyan mo! Wag kang assuming!"

"Pero Mathius yon ang totoo?"

*PAAAAK*

Natigil naman ako dahil sa isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Sana matauhan ka sa pag-iilusyon mo!" Galit na sabi sa akin ni Mathius

"At syaka kung meron mang mabubuo dyan sa sinapupunan mo, baka hindi sa akin yan! Baka sa engkanto!"

Napahagulgul naman ako sa iyak dahil sa mga sinasabi niya. Mukhang mali pa ata ang desisyon kong sabihin sa kanya ang dinadala ko ngayon.

Kaya tahimik nalang akong lumabas sa kanyang opisina at napahagulgul na sa iyak.

"Baby mukhang ayaw naman sa atin ng daddy mo" Ang malungkot kong sabi habang hinihimas ang tyan ko.

***********************

God Bless!

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now