DGH 19

4K 196 12
                                    

Chapter 19

*********************************************

James P.O.V.

Sobrang saya nila tignan, di ko alam na marunong pala magluto si Mathius, ni minsan kasi di niya pa ako naipagluto.

Kagagaling ko lang sa trabaho at naabutan ko silang naghahanda ng pagkain at mukang magpipicnic sila.

"Oh James nakauwi kana pala" Sabi ni Jade habang nakangiti.

Ewan ko pero ang plastik niya sa paningin ko.

"Ah oo kakarating ko lang. San kayo pupunta, mukang aalis kayo ah." Saad ko naman sa kanya

"We'll go sa favorite place naming dalawa. Would you like to come?" Tanong naman nito sa akin

"Babe!" Pagpipigil sa kanya ni Mathius.

"Sure" Ewan ko kong bakit ako pumayag, eh halata ngang ayaw ni Mathius na sumama ako.

"Wag kang mag alala Mathius di ko naman kayo guguluhin." Sabi ko sa kanya

"No, that's not what I mean." Saad naman nito

"Pasensya kana yun kasi ang pagkakaintindi ko." Sagit ko naman

"Sige magbibihis na muna ako" Sabi ko naman sa kanila

"Sige bilisan mo para makaalis na tayo" Sabi ng babaeng plastik.

Pagbaba ko ay nakaupo na si Plastik sa sasakyan, nakaupo sya sa sana upoan ko. Ang kapal talaga di naman sya ang asawa.

"Are you okay?" Tanong ni Mathius sakin ng ipinagbukas niya ako para makapasok sa sasakyan.

"Bakit kung di ba ok may gagawin ka? Di ba wala rin naman, dahil kahit umiiyak na ako sa harapan mo ay iisipin mo paring ok ako. Sobrang insensitive mo kasi pagdating sakin o mas maiging sabihin na wala kang paki alam sakin. Oh wait bakit ka nga pala mag aalala sakin, eh di mo naman ako mahal." Sabi ko sa kanya, bago paman sya makapagsalita ay pumasok na ako sa sasakyan baka kong ano pa ang sabihin niya, masasaktan na naman ulit ako.

Grabe sobrang saya ng naging biyahe namin, sa sobrang saya ay halos mapanis na ang laway ko dahil simula ng sumakay ako sa sasakyan ay di ko na nagamit ang laway ko. At kung makahalik naman ang babaeng plastik sa asawa ko ay parang walang tao sa likod nila. Siguro kaya niya ako niyayang sumama ay para ipakita sakin na sa kanya si Mathius.

Minsan ay nagkakatinginan kami ni Mathius sa salamin, pero wala akong ibang magawa kundi iwasan ang mga mata niya dahil ang tanging nakikita ko lang sa mata niya ay awa. Di ko namalayan na nakidlip pala ako, at ng nagising ako ay wala na sila sa sasakyan.

Lumabas ako at nagising ang diwa sa ganda ng view, nagmimistulang series lights ang mga ilaw na nanggagaling sa mga bahay. Di ko alam kong saang lugar to pero sobrang taas ng kinalalagyan namin ngayon at kita mo mula dito kung gaano kalapad ang Manila.

Habang naglalakad ako ay nakita ko sila, si Jade ay nakaupo at Mathius naman ay nakahiga sa lap niya.

Ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon, ako sana ang nakangiti habang hinihila ang mga hibla ng buhok ni Mathius.

At dahil sobrang tahimik ng lugar ay rinig na rinig ko ang kanilang usapan.

"Naalala mo ba? Dito mo ako sinagot, dito kita unang kiniss, dito nagsimula ang pinakamasayang araw ko." Sabi ni Mathius.

"Oo, I can still remember how we kissed under the moonlight, I can still remember how you promised to love me forever." Sabi naman ni Jade

Di kona kinaya ang mga nirinig ko kaya naglakad na lang ako sa kabilang side ng cliff baka kasi marinig nila pag umiyak ako.

Kaya pala, kaya pala di niya man lang ako magawang mahalin ay dahil sobrang mahal niya talaga si Jade. Magawa ko pa kayang manatili kong sobrang obvious na wala lang ako sa kanya? Saan na naman kaya ako kukuha ng lakas ng loob para ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. O baka gabi gabi ko nalang iiyakan ang katotohanang nasa aking harapan. Andami ko pa namang pangarap gawin kasama sya, pero mukhang imposible na dahil sa babaeng biglang sumulpot sa buhay naming mag asawa.

At sobrang lamig na dito at wala naman akong kayakap ay bumalik na lang ulit ako sa sasakyan para matulog.

Im glad na napuntahan ko na rin ang favorite place ng asawa ko.

********************************************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now