Kabanata IV - I'm a Journalist

3.9K 116 12
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  

Kabanata IV

Hindi ako sumabay sa agahan, maaga akong pumasok sa opisina. Tatlong oras lang ang tulog ko, wala pa sa ayos 'yon dahil binabagabag ako ng nakaka-distract na diwa ni Yzaack Kevin Lopez. Sumasakit na nga ang ulo ko, nagkabuhol-buhol na ang ugat ko sa utak. Nakakabaliw!

Dahil sa sobrang aga ko sa opisina, payapa kong nagawa ang trabaho ko. Sa kagustuhang isubsob ang sarili sa trabaho at set-aside ang sakit na nararamdaman ko para kay Zac ay nakagawa na ko ng time table para sa gagawin ko buong week. Sinunod ko na ang ilan sa mga to-do-list ko dahil mabilis kong natapos ang mga iba ko pang takdang gawain. Ganito talaga siguro ang epekto kapag may pino-problema at gustong makalimot. Nagpapakalunod sa trabaho o sa kahit anong mga bagay sa ngalan lang na hindi mapasok sa isip ko si Zac.

Ah, peste. Naiisip ko pa rin siya. Zac. Zac. Zac. Paysti talaga.

Lumipas ang oras ay nagsidatingan na ang mga katrabaho ko. Pabiro pa nila akong pinuna dahil sa pagiging maaga ko. Nginitian ko sila nang matamis ngunit hindi nagsalita. Dumating na rin si Sir Henrie, nanghihingi ng pasalubong para sa buong firm dahil galing nga naman daw kami sa (napakaikling) bakasyon ng fiancé ko. Kinatwiran ko na lang na naiwan ko sa bahay. Totoo naman 'yon, okupadong-okupado lang talaga ang isip ko. Nang mapansing wala ako sa mood makipagbiruan ay sumuko na lang ang boss ko at dumiretso na ng opisina niya.

After lunch ay lumabas na ako ng building para kitain ang i-interviehin ko sa Recto. Ang nakatakda kong interviewhin ay isang Fixer. Ito ang tawag sa mga tao na gumagawa ng illegal o pekeng dokumento. Nagpasya ako na mag-bus na lamang dahil traffic naman, mahihirapan pa kong maghanap ng parkehan para sa kotse ko.

Bumaba ako sa Padre Campa Street sa may KFC at naglakad na papuntang Recto. Pagdating sa lugar na pakay ay sumalubong na sa'kin ang mga libro na binibenta sa napakababang halaga. Napaka-ironic pa nga dahil katapat nito ay ang isang prominenteng bookstore sa bansa. Dumiretso ako ng lakad hangga't sa nakaabot na ko banda sa may Isetann.

"Narito na po ba si Mang Danilo?" tanong ko sa isang ale na nagbabantay ng kanilang tindahan. Print shop iyon ng mga kalendaryo, nagpapa-photocopy at nagpapa-hardbound ng mga theses.

"Ahh. Nandoon." Sinundan ko ang itinuro niyang direksyon. "Nakatambay sa single motor na 'yon. Nagtatawag ng customer." Matapos magpasalamat ay tinungo ko agad si Mang Danilo sa kinatatayuan nito.

"Magandang tanghali po," Bati ko at inilahad ang aking kamay na tinanggap naman niya.

"Thesis? I.D? Diploma?"

"Ahh hindi po, hindi po. Si Mary Christmas po, 'yong mag–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa. Tumawa nang malakas

"Ahh oo, iyong nakiusap sa'kin noong nakaraang linggo na interviewhin ako?"

"Opo, ako nga," blanko kong tugon. Ako na may unique na pangalan.

"Saan ba? Tsaka 'yong usapan na'tin, ah?" Kininditan niya ako.

Napag-usapan kasi namin na kailangan ko siyang bayaran. Base pa 'yon sa tagal ng pakikipanayam ko sa kanya. Nilabas ko ang aking recorder at binuksan 'yon.

"Dito na po para dama," banggit ko at nginitian siya nang matamis.

"Ayos lang ba? Baka mainitan ka, maganda pa naman kutis mo."

"Hindi na po, sanay naman po ako dito. Pwede ko na po bang simulan?" Tumango siya bilang pagsagot.

Itinanggi niya na ilagay ang totoong pangalan kung kaya't itinago ko na lang siya sa pangalang Jose. Labinlimang taong gulang siya nang simulan niya ang pagiging fixer, impluwensiya raw ito ng mga taong nakapaligid sa kanya, ang kaibigan at ang mga kamag-anak. Hindi na nito tinapos ang pag-aaral dahil buo ang paniniwala niya na mabubuhay na siya sa ganitong klaseng trabaho kahit sabihin pa na ito'y illegal.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon