Chapter 9

7.9K 157 16
                                    

My decision is final Mr. Henrie!" sagot ko habang kausap siya sa cellphone.

"But you’re not yet done with the assignment,"mahinahong sabi niya.

"I can do it maybe next time!”
Hindi ko na kasi alam kung papayag pa akong makita ang pagmumukha niya matapos ang nangyari. Sinabihan ko siyang, ‘I love you’ at sigurado akong narinig niya ‘yon pero ang epic lang dahil tumawag ang babae niya.

“Basta gusto ko ng umalis dito," pinal na sabi ko. Nandito lang ako sa Far, Far, away at nagmumokmok nang mapagdesisyunan ko ng bumalik na sa trabaho. Trabaho mismo sa office na malayung-malayo  kay Zac na kahit magpahanggang ngayon, mahal ko pa rin. Nakakainis na damdamin.
Kahit huminto pa ang pag-ikot ng mundo, kahit huminto pa ang pagtibok ng puso ko, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

"But Mary, may usapan na kami ni Mr. Lopez na two weeks kang magbabakasyon diyan. Three days na lang din naman at babalik ka na dito. Why don't you enjoy yourself together with his family? In fact, he is your godbrother kaya pagbigyan mo na," dahilan niya pa.

Wala talagang alam ang lalaking ‘to at wala akong planong ipaalam sa kanya. Bakit ba mas marunong pa sa’kin ‘to?! Boss ko nga pala siya.

“Mr. Henrie, hindi n’yo naman po kasi naiintindihan. Basta! Aalis na ako dito,” sabay off ng cellphone. Bahala na kung magalit man ang boss ko sa ‘kin dahil sa kagaspangan ng ugali at desisyon ko.

Wala si Yzaack. nagpunta na siya ngayon sa U.K  kasi nga may emergency daw! Babalik daw siya agad, paalam niya sa’min nina Ninong! Hindi man lang sinabi kung ano talaga ang dahilan. Mukha nga 'atang tinatago niya ang karelasyon niya sa bansang ‘yon. Bahala siya! Ano ba’ng aasahan ko? BABAERO ‘yon! Sasamantalahin ko na lang ang pagkakataong 'to na umalis, tutal nakapagpaalam na ko kina Ninang kanina pa.

"Mary..." Narinig kong kumatok si Ninang.

Si Ninong, gabi na madalas nakakauwi dahil sa patuloy pa rin niyang pinapatakbo ang negosyo nila kaya madalas na si Ninang ang nakakasama ko.

"Pasok po." Agad namang pumasok si Ninang at umupo sa tabi ko.

"Sigurado ka na ba? Hindi mo na hihintayin si Zac?"

"Magkikita pa naman po kami eh. Hindi ko pa po kasi siya nai-interview."

"I see. Kapag tapos ka ng mag-ayos ng gamit sabihin mo lang at tatawag na lang ako ng masasakyan mo."

"Salamat po, Ninang."

“You’re welcome, anak.” Nginitian niya ako ng malawak. “Malakas ka ata sa'min. Ikaw pa ba?“simpleng biro niya para pagaanin ang loob ko.

"Ata lang?” pagsakay ko sa biro niya para maitago ang tunay na nararamdaman ko.

"Malakas ka talaga sa'min," natatawang sabi ni Ninang.

◊◊◊

"Ate Marrryyyy!" salubong nila Adan at Eva sa’kin pagkapasok ko ng gate. Nag-group hug kaming tatlo at natatabunan ako dahil ang tangkad ng kambal na ‘to. Buti pa ang growth hormones nila hindi madamot. Sandali kong ipinikit ang mata ko at taimtim na sinumpa, for how many times around, ang growth hormones ko.

“Mary, sweety. You look horribly exhausted,” komento ni Mama sa’kin bago ako halikan sa pisngi at pinaupo.

“Something bad happened?” tanong ni Papa matapos gawaran ng halik ang kabilang pisngi ko. Umupo ako sa mahabang sofa. Napagigitnaan ako ni Mama’t Papa na hawak-hawak rin ang magkabila kong kamay.

"Akala ko ba two weeks anak?" tanong ni Mama. Naki-interrupt naman si Adan na naka-indian seat sa harapan naming tatlo kasama si Eva.

"Yeah! And based on my calculation, you still have 71 and a half more hours regardless the second to spend your time in that vacation,” sabi ni Adan na nakatingin pa sa kisame habang nire-recheck ang mental calculation niya.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon