Zac's POV: Days without my life, my love, my lady. [Ikalawang Bahagi]

2K 94 30
                                    

Zac's POV: Days Without Her. [Ikalawang bahagi]

I frantically rummage Honey's things the moment I enter her hotel room. Looking for something – anything that will highly confirm what Dr. Nicolas told me that she's highly capable of killing herself and my fiancée.

I don't want to believe so easily that ROCD can lead into some suicidal tendencies and shits, even if it came from a professional one. Honey, she's still my friend, she needs my help and Kellan. God, the poor kid should be out of this issue, he is too young and innocent for this.

I look under her covers, fumble through her disarray drawer, shoe racks but there's nothing suspicious I can found. I was about to walk towards the comfort room when my phone vibrates and rings. I automatically fish it in my pocket only to find out that my mother is calling.

"What?" I snapped.

"Tuktukan kita diyan, makita mo," she sternly warned.

"I'm sorry – I'm just busy right now."

"I know you're dealing with a lot of things but I want to remind you about Emily's upcoming birthday, I and your Papa don't want to miss the important day in her life. Not in an awkward situation. Do something with Mary!" Singhal niya sa kabilang linya.

"Fine, fine, fine." I let out a heavy sigh before adding, "Is that all?"

"Uh-hmm. Mag-iingat, anak." Iyon lamang at tinapos na niya ang tawag.

Pinagpatuloy ko na ang naudlot na paghakbang ko papunta sa banyo. Wala namang kakaiba sa loob sa unang sulyap. Oo, sa unang sulyap. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko, ang pamilyar na kabang nararamdaman ko ay umusbong na naman sa'king buong sistema. Parang may sumisigaw sa gilid ng isip ko na narito na ang hinahanap kong sagot. Kailangan ko na lamang kumilos.

Akma na kong hahakbang nang ihinto ko ang sarili. Handa na ba ko kung makumpirma ko ang sinasabi ng butihing doktor? Oo, hindi? Ugh! Gulong-gulo na ko. My brain is seriously scattered right now.

Pinikit ko ng mariin ang aking mata. Have some balls, Yzaack! You fucked up royally to Mary! Huwag mo nang hipan ang siga ng uling kung kita mong umaapoy na! I need to do something; I need to help my friend, that's the only way I can do to save Mary from what Honey can potentially do to harm her.

Oo, handa na ko. Handa na kong yakapin ang malalaman ko sa puntong 'to.

Natatakpan ng shower curtain ang bathtub kung kaya't hinawi ko pa 'yon. Dito ako tuluyang nanlumo, mabagal na napakurap, dahan-dahang tinignan ang mga litratong nakapaskil sa kabuuan ng dingding. Litrato ni Mary na may galos ng pinadaang kutsilyo, may marka ng pulang ekis, mantsa ng dugo na halatang isinaboy dito. May mga ilan ding larawan na agad kong nakilala, kahawak-kamay ko siya sa ilang larawan at kaakbay ngunit wala ako roon. Lahat ay punit.

Dumako ang tingin ko sa gilid ng bathtub, may pulang box doon na agad kong binuksan. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko nang makita ang printed schedule ko at ni Mary, mga stolen shots ko at ni Mary bago pa magkanda-leche-leche ang relasyon namin. May malaking papel sa pinakailalim, binuklat ko 'yon at napagtanto na isa 'yong blueprint. Napigil ko ang aking paghinga, nanginig ang kamay pati na ng tuhod kung kaya't napahawak ako sa dingding bilang suporta. Paulit-ulit kong pinunasan ang luha sa'king pisngi.

Ang model at ang kulay ng kotse, ang plate number...ang may-ari.

Hindi. Hindi ko kailangang makadama ng takot ngayon. Hindi pwede kahit hawak ko pa ang blueprint na naglalarawan mga hakbang kung paano niya sisirain ang preno ng sasakyan ni Mary. Detalyado ang lahat, kung ano at kung saang lugar mangyayari at higit sa lahat kung ano'ng araw magaganap ang pinaplanong aksidente.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon