Kabanata XII - He's In Love

2K 96 12
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  

Sa tatlong salita ni Henrie ay napatigil ang lahat. Maski nga 'ata ang paghinga ng mga tao rito ay nahinto rin.

Kasal? Kanino?

"Your wedding?" pag-ulit ko. Hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Tumango siya bilang sagot.

"I am personally inviting you to my engagement party." Wala akong maapuhap na salita, napaupo na lamang ako sa sofa at napailing nang dahan-dahan. Si Mama ay nakuhang gumalaw at agad na kumuha ng isang pitsel ng juice at baso. Binigyan niya si Henrie at ganoon din ako. "Breathe, Mary."

"Yeah, sure." Inubos ko muna ang isang basong juice bago nakapag-komento sa sinabi niya. "Parang kahapon single ka lang ah?" natawa siya sa sinabi ko,

"Ayan dati ang linya ko sayo, ah?" Sandali siyang huminto at malisyoso akong kinindatan. "Selos ka?"

"Gago. Ano na naman ang nagawa mo at magpapatali ka sa kasal?" bago pa sumagot si Henrie ay tumabi sa'kin si Eva, nagsalin ng juice at uminom din. Matapos maubos ng isang lagok ang naturang inumin ay agad siyang nagtanong.

"Hindi naman si ate Mary ang pakakasalan mo, 'diba? Kasi hindi ako boto sa loveteam niyo. I mean, team nga wala na kayo love pa kaya – ouch!" Tinadyakan ko si Eva sa tuhod at pinandilatan siya. "Sorry."

"Relax, Eva. Hindi naman ang ate mo ang pakakasalan ko." Binaling ni Henrie ang atensyon niya kaila Mama't Papa. "I already invited Zac and he agreed to come over. In fact, he told me na susunduin niya po si Mary dito. Ayos lang po ba?"

"Pero hindi–" Mariing hinawakan ni Eva ang braso ko kung kaya't napatigil ako. Speechless na naman ako once again. Alanganang ireklamo ko na bawal na ang gustong mangyari ni Henrie dahil wala ng commitment sa'kin ang ex-fiancé ko. Like, hello? EX na nga 'diba? Ano ba 'tong pinag-iisip ni Henrie?

"Well, that's very good!" My mother beams. "Medyo matagal na rin namin siyang hindi nakikita," dagdag pa niya sa napaka-excited na tono.

"Ohgosh! This would be very exciting," bulong ni Eva sa sarili kaya palihim 'ko siyang tinadyakan sa tuhod. "What?" patay-malisyang tanong niya.

"Whatever." Tumayo ako at blankong pinukulan ng tingin si Henrie. "We need to talk. Outside. Privately." Marahas kong nilingon si Eva. "Walang susunod," mariin kong sabi.

"That's actually the plan." Tumayo na rin siya at magalang na nag-excuse kanila Mama at Papa.

Dumiretso ako sa garden at umupo sa pinakadulo ng bench at nag-dekwatro, nang makaupo na siya sa tabi ko ay ginawaran ko siya nang nag-iinit na kutos sa bunbunan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Kutos. "Tingin mo natutuwa ako?" Kutos. "Ha?" Kutos.

"Aray ko naman! May pasa na nga ko sa mukha ko dadagdagan mo pa sa bunbunan ko." hinimas niya ang ulo niya. "Pambihira. Halikan mo 'to."

"Gago talaga 'to! Ikakasal ka ba o ano?" Humalukipkip ako at tinulak siya palayo sa'kin.

"Oo, ikakasal ako. Pinapangiti ka lang, eh." Biglang sumeryoso ang mukha niya ngunit sa isang segundo lang ay dahil bigla siyang natawa.

"Seriously? Is that your way of saying that you're inlove?"

"I don't know?" Sagot niya sa may tonong pagtatanong na sinabayan pa niya ng pagkibit-balikat.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon