Chapter 4

6.9K 164 10
                                    

Kalahating oras lang ang lumipas. Kanina pa kami nakauwi. Nakapagbihis na ako ng pambahay, ganon din sila. Nagtaka naman ako dahil pagkababa ko wala ang lahat sa salas kaya naglakad ako palabas para tingnan kung naroon ba sila. Hindi naman ako nagkamali dahil naroon nga sila. I stilled, by the look of their faces masyado atang seryoso ang usapan nila. Ang dalawa kong kapatid medyo malapit lang sa kanila pero as usual naglalaro lang, naglalaro kasama ang mga fancy calculators nila. Kasama sa panel ng serious talk ay si Zac. Si Isaak? Seryoso? Luh! Di bagay!

Tahimik akong lumapit sa kanila. "Sweety,finally you’re here," bungad ni Mama.

"Come. Take a seat." Umupo naman ako sa may bakanteng upuan katabi si Zac.

"Mary..." simula ni Ninang.Basesa tono ng boses niya ngayon ay bigla akong kinabahan. Ano bang meron? "We're happy na nakasama ka rin namin ng matagal dito.” Nginitian niya ako ng sinsero. “Pasensya ka na sa kalokohang dinulot nitong si Yzaack ah? Buti nakakaya mo." Sinabayan pa ‘yon ni Ninang ng pagngiti ngunit bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Bakit parang kung makapagsalita naman si Ninang parang pang-farewell na? Ano bang meron?

"Ahhh okay lang po." Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong isagot. Naramdaman ko naman na tinabig ni Zac ang hita ko. Dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya ng puno ng pagtatanong. Pero nakita ko lang siyang bumuntong-hininga. Bakit ang lungkot niya? At bakit parang nahawaan naman ako bigla?

"Magpapaalam na sana kami sa’yo, 'nak." Hinawakan ni Ninong ang mga munti kong kamay kung saan hinawakan lang ni Zac kanina. Ramdam ko pa rin ang lambot ng kamay ni Zac. Parang naiwan na nga ang sensasyong 'yon sa kamay ko. Siya kaya? Ano kayang naramdaman niya nang hinawakan ang kamay ko?

"Po?" naguguluhang tanong ko sa tinuran ni Ninong. Magpapaalam?

"Tapos na kasi ang bahay sa Tagaytay kaya aalis na kami," paliwanag ni Ninong.

Hindi agad ako nakasagot. Tuluyan na talaga kong nalungkot. Weh?Di nga? Sa anim na buwan kong kasama sila dito, ako malulungkot? Hindi ba dapat maging masaya na ako dahil wala ng kupal na mang-aasar sa’kin araw-araw? Pero bakit ganito? Isipin ko pa lang na wala ng Yzaack Kevin Lopez na mang-aasar sa’kin ay lubha na akong nalulungkot. Ideyang ‘yon pa lang ay nami-miss ko na siya agad.
Sabay kaming napalingon ni Yzaack sa isa't-isa. Hindi talaga maikakaila ang lungkot sa kayumanggi niyang mga mata.

"O! Kayo talagang dalawa!” Pumitik si Mama sa ere. “Don’t bother. Pwede naman tayong bumisita kapag bakasyon, hindi ba?" sabi ni Mama kina Ninang at Ninong.

"Of course. You may come over anytime you want,"Nakangiting pagbibigay-alam ni Ninang.

"See? You can smile now, both,” My mother said in a comforting voice but it didn’t ease our mood up. It didn’t help.

Magkakalayo pa rin kaming dalawa.

"Better help Zac to pack his things, Mary."

Wala naman akong sa mood kumontra sautos ni Papa. Mabuti na rin ito para makausap ko ang lalaking 'to. Nauna ng tumayo si Zac.

"Tara na. Huwag pabagal-bagal," iritableng sabi niya. Tahimik akong sumunod sa kanya. Loko 'to ah! Aalis na nga lang sisigaw-sigawan pa ako. Nang makapasok sa kwarto niya agad siyang kumuha ng damit sa walk-in closet. "O, tupiin mo ng maayos ‘yan ah," sabay tambak sa ‘kin ng damit niya.

"Hoy! Di mo ako katulong!"angal ko.

"Sabi ni Ninong tulungan mo akong mag-ayos ng gamit diba?"

"Oo nga! But justify the word tulungan! It is an act where in both people assisting each other in a certain responsibility! So I am not compelled to do these things alone!"

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon