Chapter 3

9.4K 185 36
                                    

Habang kumakain ng Kettle Corn, tahimik lang kaming nanunood. Inabot ko ang pitsel at baso para makainom ng juice.

“PENGE.”Nakalahad ang kamay niya at nag-puppy eyes sa’kin. Inirapan ko lang siya.

“Ayoko nga.” Nagsalin na ‘ko ng juice sa baso at ibinalik ang pitsel sa kinalalagyan nito. “Kumuha ka ng baso mo.”

“Ayoko ng bumaba!” reklamo niya. “Share na lang tayo,” suggestion niya.

“Ayoko nga, may laway na ‘to eh,” tanggi ko ngunit hinablot na niya ang baso ko at uminom na! Hala! Eh di parang nag-kiss na kami! Alam n’yo ‘yon?

Indirect kiss.

“Problema mo? Okay lang ‘yan kinakapatid naman kita eh,” natatawang sabi niya.

Napayuko ako. Oo nga naman, kinakapatid ko siya at kinakapatid lang ang tingin niya sa’kin. HEP! HEP! Bakit? Ano ba ang dapat kong pagtingin sa kanya? Kinakapatid lang din naman diba? Hindi ko naman siya gusto! Paano ba ako magkakagusto sa lalaking na laging sinisira ang araw, tanghali at gabi ko? Buti nga sa madaling araw may exemption dahil kapwa kami tulog. Haytss, ano ba ‘tong pinag-iisip ko?! Tsaka may crush na ako ‘no!

“Sabi mo nga eh.” I agreed wearing an uncertain smile. I slowly shook my head and swayed the thoughts to be gone. I simply grabbed the remote and surf for a new channel.

“Bakit mo nilipat?!” reklamo niya at tinangkang hablutin ang remote sa ’kin pero agad ko namang inilayo.

“TV mo ‘to?” tanong ko sa naghahamong tono.“At saka napanood ko na ang series na 'yon ‘no! Paulit-ulit lang naman eh!” paliwanag ko pa at patuloy na nilipat ang channel.

“Eh hindi ko pa napapanood ‘yon eh!” paliwanag niya.

“Eh di do’n ka sa kwarto mo,” nakakunot-noo at nakangusong tugon ko.

“Ayoko nga! Gusto ko pang mag-stay dito.” Napalunok ako. Gusto pa niyang mag-stay dito? Para ba mas makasama pa niya ako nang matagal? Hindi mali! Para mas maasar pa niya ko nang matagal. Iyon talaga ‘yon.

“Eh di manahimik ka diyan,” sabi ko na lang.

Nailipat ko na ‘ata sa lahat ng channel pero wala naman akong nagustuhang palabas. Anobanamanyan?! Ibinaba ko na ang remote control tanda ng pagsuko sa paggalugad ng magandang channel na pwedeng pagtambayan. Narinig ko ang pag-beep ng cellphone ko binuksan ko ang drawer at kinuha ‘yon. Sinamantala naman ni Zac ang pagkakataon at kinuha ang remote control. Eh di iyung-iyo na ‘yan! Binuksan ko ang message at lahat ng ka-badtripan ko ngayong araw ay biglang naglaho.

“Nag-text si crush!” Impit na tilli ko at ipinadyak-padyak ang paa sa ere. Awtomatiko siyang napalingon sa’kin, nakakunot ang noo. “What?” Nagtatakang tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Ibinalik niya lang ang tingin niya sa TV at tahimik na nanood ng isang action movie na showing sa isa sa mga cable channels.
Nagkibit na lang ako. Bahala ka diyan! Buti na lang nag-text si crush! Savior ka talaga! Hinalikan ko ang cellphone ko. Akala ko tuluyan na akong maiinis sa buong gabi na ‘to.Ni-reply-an ko siya ng, “hello” kasi nag-hi siya sa sa ’kin.

 Crush ko: musta Mary? :)

Ayan ang reply niya, dali naman akong nag-beep back.

Ako: okay lang naman, inis nga lang ako sa kasama ko ngayon >.<

Parang nagsusumbong ako sa reply ko pero ayos lang dahil mas mabuti pang naise-share mo ang inis na nararamdaman mo kaysa naman sa ikimkim mo.

Crush ko: Sino ba ‘yan? If you like kakausapin ko siya for you ^_^

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon