Kabanata XI - Evanescence Lindsay & Matt Adrian

2.3K 103 15
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"  

Kinabukasan...

Mabuti na lang Sunday at wala akong pasok. Tinatamad ako sa lahat ng bagay. Ultimo paggalaw tinatamad ako. Pero syempre dahil nasa mundo ako ng realidad ay pilit akong bumangon at hinarap ang inihandang kaganapan para sa'kin ng Diyos ngayong araw. Maga-alas-onse na pala ng tanghali. Masiyado ng late.

Dumiretso ako ng kusina para sana makapaghain ng brunch ngunit bago pa man ako makapasok ay napahinto ako sa masinsinang usapan nina Mama't Papa.

"I'm just worried. Malapit na ang birthday ko but still hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa, even kami ng Mama ni Zac. Kahit naman ganito ang nangyayari, gusto ko kumpleto pa rin tayo gaya ng nakasanayan." Nakatayo lamang si Papa, nakaalalay sa kanya habang hinimas-himas ang likod ng asawa niya.

"Don't worry. One of them will find a way. Magkakaayos din ang dalawa." Palihim akong natawa sa sinabi ni Papa.

Wala ng maghahanap sa'min ng paraan para magkaayos kaming dalawa. Tinapos ko na kagabi at wala ng balak ang EX-fiancee ko para ayusin 'yon. Sa wakas, may makakaramay na si Adan sa pagiging malamig niya sa konteksto ng pag-ibig. Walang Forever.

"But when? Tignan mo nga kung ano'ng nangyayari sa anak na'tin? Laging wala sa sarili. Nag-aalala na 'ko. Mabuti nga't kinakausap na tayo unlike noong mga nakaraang araw."

Napakapit ako sa laylayan ng loose t-shirt ko. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, the fact na maski ang pamilya naming dalawa ni Zac ay naapektuhan sa sira ng relasyon namin. Pero wala na kong magagawa, The End na ang lovestory namin.

Gusto kong ipaalam sa kanila ngayong araw na wala na kami but I think this is not the perfect time to spit the reality. Ayokong makadagdag sa burden ni Mama lalo pa't malapit na ang birthday niya. Para mahinto na ang usapan nila ay pumasok na ko ng kusina habang nagkukunwaring nag-uunat at humihikab.

"Hey, good morning!" Isa-isa ko silang ginawaran ng halik sa pisngi "O, 'Ma? Ba't nakasimangot?" tanong ko, nagkukunwaring walang alam sa pinag-uusapan nila. Agad na napalitan ng maliwanag na ngiti ang nakasimangot niyang ekspresyon kanina.

"Wala, late ka kasi nagising, nalipasan ka na ng gutom." Hinimas ko ang tiyan ko, nagkukunwaring gutom – ang totoo niyan wala talaga akong ganang kumain.

"Opo nga, eh. Ano po bang ulam?"

"Syempre, ang paborito mo."

❥❥❥❥❥

Dala-dala ang platong may lamang pagkain at ang isang baso ng orange juice ay pumunta akong bakuran upang doon kumain. Muntikan pa 'kong matalisod nang makita ko ang mag-kambal na nasa round table at seryosong tumitipa sa fancy modern scientific calculator nila.

"Pwede ba for once pagpahingain niyo 'yang sci-cal at ang utak niyo," komento ko pagkaupo sa harapan nilang dalawa.

"Ate, mas interesting ang math kapag ginagamitan mo ng practical approach. Kaya 'yong iba ayaw ng math kasi masiyadong technical at academic ang ginagamit nila. Masiyado nilang ginagawang complex ang buhay nila. Nano-nosebleed tuloy sila." paliwanag ni Adan, hindi man lang ako binalingan ng tingin kahit sandali man lang.

"Truly," pagsang-ayon ni Eva matapos pindutin ang equal sign at ilagay sa papel ang resulta ng computation niya. Pinagpatuloy ko ang pagkain habang pinagmamasdan silang dalawa. Dito ko lamang napansin na may fancy band-aid sa fancy calculator ni Eva.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon