Kabanata XXIII - The Mother's Plea

1.6K 70 4
                                    


"I love you, Mary." Bigla akong napatigil. Literal na napatigil sa paghinga. Literal na napatigil sa pagsubo ng graham ko. "Well, if Henrie's professing his love for Baya, I might as well do the same - even if you are fully aware of my feelings." Pagka-klaro niya.

Lihim kong inirolyo ang aking mga mata. Parang hindi naman ako fully aware sa nararamdaman niya. Pinalagpas ko na lamang ang sinabi niya at binago ang usapan.

"It's getting late," simula ko. "Pagod ka na siguro sa pag-aalaga kay Kellan." Nagkibit-balikat lamang siya, nagkomento ng hindi naman at tinitigan ako. Umiwas ako sa mga mata at muling nagmasid sa mga kaganapan sa loob.

Kasalukuyang sumasayaw ng chacha sila Mama't Papa habang ang mag-kambal ay parang binubully ni Henrie na samahan silang sumayaw base sa pagtulak nito sa kanila papunta sa dance floor. Si Eva ay nagreklamo, kung titignan ang pagbuka ng bibig niya ay marami siyang katwirang binanggit kung bakit hindi pwede ang sinasabi niya.

Napangiti ako at mas lalong napangiti nang hawakan ni Adan ang kamay ni Baya upang yayain siya sa pagsayaw. Akma na sanang kokontra ang nagseselos na si Henrie nang pinandilatan siya ng kanyang fiancée. Para mabantayan ang bawat paggalaw ng babaeng minamahal niya ay wala siyang magawa kundi yayain na ring sumayaw si Eva. Kitang-kita ko ang pagdabog ng kapatid ko ngunit tumalima rin naman agad.

"They're being ridiculous," natatawa kong komento. "Aren't they?" tanong ko kay Zac habang nakamasid pa rin sa kanila. Maraming segundo ang lumipas at napansin kong hindi pa rin siya umiimik. Gumuhit ang labi ko sa pagngiti nang lumingon ako sa kanya. Ang loko, tinulugan ako.

"I love you, too," bulong ko. Hinawakan ko ang malambot niyang pisngi, munti akong napasinghap nang bigla niya kong hinawakan. "Oh." Nahihiya kong bulong nang iminulat na niya ang kanyang mga mata.

"Gotcha," pilyo niyang sambit, pilit kong hinablot ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak, bumungisngis siya at pinakawalan naman ako.

"Honey and I had an interesting chat."

"You do?" tumango ako, matamang tinignan ang mga mata niya.

"She needs help," deklara ko. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.

"Yeah, she does," pagsang-ayon niya.

"And I like her." Dito mas lalong nagulat si Zac ngunit napalitan naman agad ng saya.

"I know you will like her." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"She threaten to kill me though," sambit ko habang nakatitig sa kawalan, na para bang hindi big deal sa'kin 'yon. Alam kong may sasabihin si Zac kaya inunahan ko na siya. "She wouldn't do it. We have created a cease-fire or of some sort - hindi ko nga lang alam exactly kung ano. What I ony know for sure is that she needs help." Lumingon ako sa kanya. "She needs help, Zac. You don't have to hide it anymore."

And for the first time nang magsimula ang lahat ng 'to, nakita ko ang halong emosyong matagal na niyang tinatago. I think my heart shattered literally. The pain, the desperate and tired look in his eyes, the longing...it was just too much.

"Go on," I murmured softly. "I'm here," and there like a child lost in a park, Zac cry silently in my arms. "You don't have to say anything," alo ko sa kanya. "I know, I know," I gently tap his back and held him closer to me. "I understand you now."

Sa maraming minuto na mag-isa ako kanina ay marami akong napagtanto. Sa linya ng trabaho ko. Hindi mahirap pagtagpi-tagpiin ang mga nangyari.

"But I need to say something, my lady," iniangat niya ang mga namumugtong mata sa'kin.

"Oh, Zac," hinawakan ko ang ilalim ng mga mata niya upang punusan ang bumubuhos niyang luha. "I'm sorry, I'm sorry that you've been alone facing this battle but you don't have to, you don't have to and you know that."

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon