Kabanata VII - Bitch

3.5K 104 22
                                    

"Marry Me, Mary" book 2 of "My Mary Christmas"

Ikinuyom ko ang aking kamao, sa sobrang higpit ay agad na namutla ang kamay ko. Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito? Ang aga-aga, sinisira ang araw ko.

Bumababa ang tingin ko sa nilalang na kasama niya. Agad na lumambot ang aking expression nang masilayan ko ang bata. Nagsagi ang tingin namin. Nagbukas ang kalangitan at nagsiawitan ang mga anghel sa langit. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sa wakas nakita ko na rin ang green-eyed earthling na 'to in person.

Itinuro niya ko sabay bumungisngis, mukhang natutuwa siyang masilayan ako. Hindi ko napigilang mapangiti. Gusto ko siyang kuhain sa stroller niya, buhatin at tadtarin ng halik, too sad nga lang dahil alam kong mapipilitan ang ina nito na ipabuhat siya sa'kin.

"My lady!" tuwang-tuwang tawag ni Zac at tinapik ang tabi niya, senyales na umupo ako doon at makisama sa kanila.

Pinukulan ko muna ng tingin ang bisita niya bago mabigat ang paang lumakad papunta sa direksyon nila at tumabi kay Zac.

"How are you?" Ginawaran ako ng halik ni Zac sa labi matapos niyang magtanong.

Huling-huli ko ang pagsama ng ekspresyon ni Honey ngunit sandali lang dahil agad niyang ibinaling sa bata ang kanyang atensyon at kunwa-kunwaring nakipaglaro rito.

Hindi ko pa man siya gaanong nakikilala pero nakakamangha dahil alam ko na ang middle initial niya, Letter P. Samantalang ang surname niya Bitch.

Honey P. Bitch.

Her name really fits to her, Honey Pretentious Bitch.

"Good. I slept very well." Ako naman ang humalik sa kanya. Hinayaan ko pang magkadikit ang labi namin ng ilang segundo para asarin si Hpeebi (Honey Pretentious Bitch) silent 'H' 'yan para mapilit lang ang name na 'Phoebe' huwag na kayong kumontra pa dahil ako ang bida dito. Kung hindi niyo pa alam pwes basahin niyo ang title ng kwentong 'to.

Tagumpay naman ako dahil klinaro ng bisita ang kanyang lalamunan na para bang may nagbarang mga slimy earthworms dito. "Oh, I'm sorry Hpeebi," hinging paumanhin ko.

"Honey," pagtatama niya at matamis akong nginitian, pilit na tinatago ang pagkadisgusto sa'kin. Alam ko, dahil babae rin ako at ayoko rin sa kanya. Good thing nga dahil the feeling is obviously mutual.

Bigla akong natawa sa ideyang hindi niya alam na may kahulugan ang Hpeebi (Silent 'H') na 'yon.

"What's funny?" tanong ni Zac, nag-aalalang nakatitig sa'kin. Great! Akala tuloy ngayong ng fiancé ko ay nababaliw na ko.

"Nothing," inosente kong sabi sabay tutop ng aking bibig.

Ipinakilala na ako ni Zac ng pormal kay Honey gayon din sa anghel na katabi niya. Too bad his mom's the opposite. Hindi ko pa naman kilala si Honey para husgahan siya ng ganoon pero hindi ko talaga maiwasan.

Ang sama, sama talaga ng vibes ko sa kanya.

Selos lang 'yan. Bulong ng isip ko. Tama lang ang ginagawa mo! Sigaw naman ng puso ko. Sinunod ko ang sumigaw sa'kin.

"Wait–! What is his name?" pigil ko kay Zac nang binanggit niya ang pangalan ng bata.

"Kellan Kyle," simpleng sagot ni Zac.

"Kellan Kyle...you mean, 'yong fictional character ni S.C. Stephens? Vocalist ng Douchebags sa Thoughtless series?" Base sa ekspresyon ni Zac ay hindi siya naka-relate kaya si Honey na ang sumagot para sa kanya.

"Yeah. I name my child after him." Nakakawili pakinggan ang accent ng babaeng 'to. Kahit naiinis ako sa kanya, aminado ako na maganda ang boses niya. At hindi rin naman ako bulag, hindi ko maikakaila ang ganda niya. Nakaka-insecure sa totoo lang.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon