Kabanata XX: Banta

1.2K 77 16
                                    


Kabanata XX: Banta

"Jesus, is he alright?" nag-aalalang tanong ni Eva.

"Wait, who's Kellan?" tanong naman ni Adan.

"I'm sorry, we need to go."

***

"Zac, are you alright?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho. Simula ng sinabi niyang nasa Ospital si Kellan ay hindi na siya nagsalita pa. Bakas ang pagkabalisa sa mata niya, sa bahagyang panginginig ng kamay niyang nakahawak sa manibela na alam kong kinokontrol niya. "Stop the car and let me drive." Pero parang wala lang siyang narinig, hinawakan ko ang binti at marahan iyong pinisil dito lamang siya napatingin sa'kin.

"I'm sorry," bulong niya sabay ng pagtulo ng luha niya.

"Tell me what's bothering you," pakiusap ko.

"I'm worried. Just worried," usal niya na para bang para iyon sa sarili niya at hindi sagot sa sinabi ko. "Just worried," ulit niya.

Yes, this situation really makes me worried.

Nang makarating sa Ospital ay agad naman naming nahanap ang kwarto na inilaan para kay Kellan, hindi pa man kami agad nakakalapit sa pinto ay nakita naming si Honey na lumabas kasama ng Doktor at nurse.

"Honey!" tawag ng fiance ko.

"Zac!" Madramang tawag ni Honey na sinabayan niya ng madramang pagyakap rito. Napahawak na lamang ako sa'king sentido.

"What happened?" agad niyang tanong, nakadirekta ang tingin sa Doktor.

"Kellan has a mild fever, on his age ay kaya naman niyang labanan. I think the weather overwhelms the body of the child, just let him take those medicine I prescribe and a sound sleep as well and rest assured he'll be okay."

"Thank you, doc," tugon ni Kellan. Sa gulat ko'y hinawakan niya ang kamay ko at binuksan ang kwarto. Pinisil ko ang kamay niya, lihim na mensahe na hindi ko siya iiwan.

Natagpuan naming ang bata na natutulog, mas lalo siyang nagmukhang maliit sa malaking kamang kinalalagyan niya ngayon. Sa unang tingin ay parang wala namang dinaramdam ang bata. Hinawakan ni Zac ang noo ng bata at hinalikan ito.

"Don't worry, it's alright now. I'm here," bulong niya.

Lumiit ang mata ko at bahagyang napailing dahil sa inusal niya. Don't worry? It's alright now? I'm here? Nasa panganib ba ang batang 'to para sabihin niya ang mga salitang 'yon? At bakit ang pag-aalala ni Zac sa bata ay magkatumbas sa pag-aalala niya sa'kin?

"Zac..." mahina kong tawag sa kanya. "I'll just wait outside." Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na.

Kataka-taka na hindi kami sinundan ni Honey sa loob, sa pagkakaalala ko ay kung nasaan si Zac ay dapat naroon din si Honey, eh diba nga siya ang umaaktong may karapatan kay Zac kumpara sa'kin? Psh.

"Now, where is she?" tanong ko sa sarili.

Dahil kung naghahanap man ako ng pakakataon para mabuo ang misteryo na gumugulo sa isip ko – kung bakit ang weird, weird ng fiancé ko, kung bakit laging may takot sa mga mata niya, kung bakit siya balisa, kung bakit lubos ang pag-aalala niya sa kaligtasan ni Kellan at sa'kin...tingin ko ngayon na ang magandang pagkakataon para simulang hanapin ang mga pira-piraso.

Kung hindi kayang sagutin ni Zac ang mga katanungan ko – si Honey ang alternatibong makapagbibigay nito.

Tahimik akong naglakad at nagmasid hanggang sa nakita ko si Honey na may kausap na Doctor – hindi iyon ang doctor na siyang umasikaso kay Kellan, ang kausap niya ay isang elegante at may kantandaan ng babaeng doctor. Kapansin-pansin ang ekspresyon ni Honey, parang hindi sumasang-ayon kung ano man ang ina-advise sa kanya ng ginang.

Sa bandang huli ay puno nang pang-unawang hinawakan ng doktora ang kanyang bisig at tuluyan na siyang iniwan, bahagya pa 'kong napatulan nang mahuli niya akong nakatitig sa kanilang dalawa. Nakatalikod si Honey sa direksyon ko kung kaya't hindi niya ako nakita – salamat din at hindi na siya nag-abalang magbigay ng reaksyon nang makita niya ako. Tuluyan na niyang iniwan si Honey at naglakad...patungo sa direksyon ko. Agad akong yumuko, akala mo bata na may malaking kasalanang nagawa.

Well, wala naman akong narinig sa usapan nila. Pero masamang tumitig at alam ko 'yon. Ayts. May mga bagay talaga na nagagawa natin kahit fully aware nama tayong hindi maganda. Tahimik akong nagpasalamat nang nilagpasan lamang ako ng Doktora ngunit pagkaangat ko nang tingin ay wala na si Honey sa lugar. Agad akong humakbang, lingon sa kanan at kaliwa, iniisip ang mga posibleng direksyon na pinuntahan niya. Hagdanan o elevator. Imposibleng elevator dahil hindi ko pa naman naririnig ang pagtunog nito. Hagdanan – oo, posible! Pero bumaba ba siya o tumaas? Ugh! Hindi pa naman siguro siya nakakalayo. Tumakbo ako sa gitna ng daan at tumingin sa baba, inaaninag ang suot ni Honey ngunit wala.

Dito ko na sinimulang humakbang pataas.

***

Sa rooftop. Dito ako nadala nang tahimik kong pagsunod kay Honey, agad ko siyang nakita sa ikasampung hakbang ko paakyat. Mula sa malayo ay inobserbahan ko siya, nakaupo sa pinakagitna at tinatanggap ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

Maya maya'y may inilabas siyang papel mula sa kanyang bulsa. Matagal niya itong tinitigan, ang kamay niyang simple lamang na nakahawak rito ay unti-unting humigpit. Lumipat ang tingin ko sa bibig niya, may ibinibigkas siya, ngunit sa distansyang namamagitan sa'ming dalawa ay hindi ko marinig ang winiwika niya. Ang bilis ng pagbuka ng kanyang mga bibig. Ang papel na mahigpit niyang hawak kanina ay unti-unti na niyang pinupunit ngayon. Unti-unti. Unti-unti na para bang takot siyang matapos ang ginagawa niya. Humakbang ako...isa...dalawa...tatlo...sa bawat hakbang ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko, puno ng kuryosidad at takot para sa mga susunod na mangyayari, para sa mga maari kong malaman.

Ang malakas na hangin ngayo'y pumawi na. Ang mga labi niyang nanginginig ay gumuhit sa isang malawak na pagngiti, patuloy pa rin ang mga salita na lumalabas sa bibig niya. Ang papel na pinupunit niya ay nangangalahati na.

At sa puntonng ito ay malinaw ko ng naririnig ang mga sinasabi niya. Sanhi ng paghinto ko sa'king mga hakbang. Sanhi ng pag-apak ko sa isang nagkalat na bote. Agad akong napahinto nang lumingon ang babaeng itinuturing ni Zac na kaibigan. Hindi ako makahinga – literal na hindi makahinga. Isa, dalawa, tatlong napakahabang segundong nakatingin si Honey sa direksyon ko.

Patuloy...patuloy pa rin siya sa pagbanggit ng mga salitang iyon.

"Die, Mary...die," paulit-ulit niyang sambit.

Hindi niya ko nakita. Hindi niya ko naaninag. Sa dilim na bumabalot sa kinatatayuan ko ay hindi niya napansin na may kasama siya sa napakalawak na rooftop na ito. Narinig ko ang pagbungisngis niya.

"Soon, you'll die." Tumayo na siya at hinayaan ang kalahating litrato na ipaanod sa mabining simoy ng hangin, at para bang naglalaro ang tadhana dahil sa mismong palad ko iyon naglapat.

Nanatili lamang ako sa'king kinatatayuan hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis ng lugar. Dito lamang ako nakahinga nang maayos.

"Jesus Christ," sambit ko nang makita kung sino ang nasa larawan.

Those wonderful guys in the room. Zac and Kellan.

Why ripped this picture apart? Why chanting that I should die...soon? Who's the doctor she's been talking with? Why she's acting like...crazy? It seems like the questions are flowing and flowing, I don't even know if I can sleep tonight.

***

Pagkababa ay nadatnan ko si Honey na nakaupo't nakatitig sa kwarto ni Kellan. Walang emosyon. Kapansin-pansin ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa suot-suot niyang maong na pantalon.

"Honey," lakas-loob kong tawag sa kanya nang makaupo sa tabi niya. Hindi siya nag-abalang lingunin ako, nakatingin lamang siya sa kawalan. "Are you okay?" tanong ko.

Munti siyang napatalon sa kinauupuan niya't napatingin sa'kin.

"Get out," sambit niya sa malamig na tinig, may himig ng pagbabanta.


To be continued....

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon