Kabanata XIX - Stay. Forget.

2K 80 11
                                    

A.N.: Hello, guys! Sorry for the late update talaga. Another thing, I hope you’ll join us in our Event tomorrow hosted by Psicom Publishing Inc. entitled “Dreaming of a White Christmas” bukod sa book signing ng mga Psicom Authors ay discounted din ang mga book dito. Marami ring mga programs na inihanda ang Psicom para sa inyo ^_^ 10am-7pm ang event na ‘to sa SM Megamall Building B Function Rooms A & B. Para sa karagdagang impormasyon po, bisitahin niyo po ang page ng Psicom Publishing Inc. Iyon lamang! KITAKITS PO TAYO BUKAS ^_^

---------

“Yzaack kevin!” malakas kong sigaw nang tuluyang mapagtanto na nasa lugar nga ako nang mapagsamantala kong fiancé.

Oo, mapagsamantala. Dinala niya ako rito nang wala ko man lang pahintulot! Isa pa, kailan at paano ako nakatulog sa bus? Hindi ko matandaaan! Ano ba talagang nangyari! At ‘diba malinaw ko namang sinabi sa kanya na ayokong pumunta dito dahil…dahil…

Dahil dito nagsimulang magkanda letse letse ang lahat.

“Yes, my lady – aww!” agad ko siyang hinagisan ng mga unan, sunod-sunod at lahat ‘yon sa mukha niya nag-landing.

“My lady mo ‘yang mukha mo! Paano ako napunta rito?” singhal ko sa kanya.

“Binuhat kita, kinikilig nga sila sa baba, eh,” pagmamalaki niya, hindi maitago ang ngiti sa mga labi sama mo na ang mga mata.

“You’re crazy,” bulong ko, “Paano ako nakatulog sa bus?” tanong ko na may bahid ng paghihinala.

“Pumikit ka,” mabilis akong lumapit sa kanya at tinuhuran ang kaligayahan niya dahil sa pamimilosopo niya. “Nakakailan ka na, ah!” reklamo niya habang namimilipit, “pinatulog talaga kita sa bus, naaala mo no’ng nakaupo ka na sa tabi ko tas pinaamoy ko yung panyo ko sa’yo. Uto-uto ka namang sumunod dahil namiss mo ng amoyin ang pabango ko – ouch!”

“How could you?!” hindi makapaniwala kong bangit.

“You know, silly things you’ll do for love,” seryoso niyang banggit sabay kindat sa’kin. Napahawak na lamang ako sa sentido bago dumiretso sa banyo niya. “Bumaba ka na lang pagtapos mo diyan, ah. Nagluto ako para sa’yo,” tuwang-tuwa at excited niyang pahabol bago bumaba – na para bang ang tagal na naming hindi nagagawa ang ganoong bagay.

Oo, matagal na nga. Sumasakit na naman ang dibdib ko. Napupuno na naman ng iba’t-ibang emosyon.

*****

“Mary?” pukaw ni Zac sa atensyon ko, nakatitig lang kasi ako sa plato habang kumakain. “You want to say something; it’s on the tip of your tongue.” he really knows me that much, eh.

“Zac?” tawag ko rin sa kanya. “Just shut up would you?”

“This deafening silence is freaking me out,” banggit niya na may blankong ekspresyon.

“I just need you to shut up, iniisip ko pa nga kung paano ko sasabihin sa’yo, eh!”

“What that you still love me – no, that you never stop loving me? That’s cheesy my lady but I knew it already.”

“Vainglorious bitch,” bulong ko na lamang ang dire-diretsong sumubo ng pagkain.

“Sabihin mo na kasi!” pagpupumilit niya.

“Bakit ba ang kulit mo?!”

“Para matapos ka na sa kinakain mo! Isang oras na kaya kong natatapos kumain tapos ikaw nandiyan pa rin?!” saglit akong napatingin sa wall clock niya, writswatch ko, wristwatch niya, plato niyang malinis at sa kinakain ko.

“Talaga? Isang oras na ang lumilipas?” tumango siya bilang sagot, bagot na bagot.

“Tungkol saan ba kasi ‘yon?” naiinip niyang tanong.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon