Chapter 10 - Ang Katapusan

8.6K 182 25
                                    

A.N.: So, I have published the completed version of book 1. ♥

****

"PERFECT!" Pumalakpak si Eva. "Hopefully our calculations will not be mistaken! Mr. Henrie will surely like you...a hundred percent." She exclaimed in appreciation.

"It's one-hundred and one percent, Eva," pagtatama ni Adan.

Kumontra si Eva at pinagtanggol ang calculation niya hanggang sa nagka-kontrahan na silang dalawa in a mathematical annoying way.

"Tama na!" Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. "Ang hilig n'yo sa calculations!" naalibadbaran kong reklamo sa kanila. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa full-length mirror."Okay ba talaga?" nako-conscious kong sabi.

Ang totoo niyan, ito ang magiging first date ko. Pumapayag akong magpaligaw pero never pa akong pumayag na makipag-date dahil hinihintay ko si Zac na siya mismo ang magyaya sa 'kin sa mga ganitong bagay. Naging pangarap ko 'yon pero malabo ng mangyari 'yon ngayon.

"Oo nga, ate. Sobrang ganda mo kaya!" sabay pa silang sumang-ayon.

Nakadagdag pa kasi sa pagka-conscious ko ang itsura ko ngayon dahil ako lang ang nag-ayos sa sarili ko. Kinakabahan ako dahilbaka hindi magustuhan ni Henrie ang ayos ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag may first date. Pero bakit ko nga ba 'to pinoproblema? Kung hindi niya nagustuhan eh di...KDOT!

May bumusina sa labas ng sunud-sunod. Kumunot ang noo ko. Para siyang si Isaak Kebin. Siraulo. Pero sa pagkakaalala ko hindi naman sira-ulo si Henrie. Mahilig lang talaga siyang mang-asar. Kahit kailan hindi niya rin hinamak ang kapandakan ko, ang napaka-unique ng pangalan ko lang talaga.

Nag-unahan na si Adan at Eva na bumaba ng hagdan. May narinig pa 'kong bumagsak. Binata't dalaga na sila, ang isip-bata pa rin. Walang humpay pa rin ang busina. Sumasakit na ang ulo ko. Para talaga siyang si Zac. Siraulo. Sinipat kong muli ang salamin. Okay na 'to. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng gate. Sinipat ko ang relong pambisig ko, pagkatingin ko sa oras 6:30pm pa lang. Ang aga namanata ni Henrie?

Naabutan kong binuksan ni Eva ang maliit na pinto ng gate. Napatalon si Eva bigla.

"KUYA YZAACK!" Bulalas niya at tumalon ng yakap sa kuya niya. Halata ang pagkatuwa niya dahil sa wakas nakita na rin nila ang pinakapaborito nilang kuya sa buong mundo.

"Where's Mary?"Biglang pumitik ang puso ko dahil sa baritonong boses na 'yon. Humakbang na ako patalikod para magtago ngunit agad na nakalingon ang kambal sa 'kin.Sinenyasan ko silang 'wag ipapasok ang siraulo nilang kuya.

Hindi pa ko handang makita siya. Hindi pa ngayon.

Kaya pala naiisip ko si Zac sa mga sunud-sunod na busina, eh siya naman pala talaga 'yon. Ayts. Nagsagi ang tingin namin ni Zac. Mas lalo akong kinabahan. Ano ba'ng pakay niya at nandito siya't hinahanap ako? Ayoko siyang makita kaya mabilis akong tumakbo papuntang kwarto at agad na ni-lock 'yon. Sumandal ako sa pinto at madrama na namang nag-walling pababa. Pheew!

Napahawak ako sa sentido ko at hinimas 'yon. Si Henrie dadating pa! Patay! Binuksan ko ang bintana at tinanaw ang kaganapan sa ibaba.

"Kuya, 'yong kontrata!" pangungulit ni Eva habang hinihila-hila ang polo niya. Kahit sa malayo ang gwapo pa rin niya. Ipinatong ko ang siko ko sa bukana ng bintana at nangalumbaba habang nakikinig sa kanila.

"The question?" Kinamot niya ang ulo niya. Cute."Ano nga ulit 'yon?" tanong niya. Bumagsak ang balikat ng dalawa. Makakalimutin ang loko. Napangiti ako.

"Why you're always teasing Ate Mary, Kuya Zac?" remind ni Eva sa nakalimutan niyang tanong.

"That's exactly the question." sabi naman ni Adan, halatang excited sa magiging sagot ni Zac. Maski ako hindi ko maikakaila ang excitement na nararamdaman ko. Excitement nga ba 'to o sadyang kinakabahan lang talaga ko?

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon