Chapter 17

32.9K 1K 222
                                    

Chapter 17

I Missed You

Her sister was matured at her age. Nagkausap kami kagabi through messaging and I could say that she likes me. Magaan siyang kausap at hindi ko mapigilang ikumpara siya sa akin noon. To be honest, when I was still at her age, medyo jejemon pa rin ako. Samantalang siya...

Siguro gano'n talaga kapag alagang ibang bansa, ano?

Binalikan ko ang convo namin habang on going ang call ko kay Zoren. They're now in LA and this is how we reconnect with each other. Minsan pa ay ayaw niyang pinapatay ko. He's becoming clingy actually and I am liking it.

Alanis Gray Montevinski: I stalked you. You're beautiful.

Napangisi ako. I didn't expect what she sent me.

Ako: Hi! Thank you. Ikaw rin, ang ganda mo.

Iniwasan ko kasi ang tanong niya. Ayaw ko naman sabihin na kaibigan lang ako ni Zoren. Hindi lang naman kasi kami magkaibigan lang. Hindi ko kasi alam ang tamang term na gagamitin. Ang jejemon naman kapag MU.

Alanis Gray Montevinski: Thank you.

Alanis Gray Montevinski: I'm sorry to bother you. I'm a bit bored so...

Ako: Okay lang! You can always talk to me.

Pamilya ito ni Zoren! Ito ang unang beses kong makapag-interact sa primary family niya at grabe pala ang sarap sa pakiramdam!

Alanis Gray Montevinski: Boring kasi rito. I wanna race, but my older cousins won't allow it. They told me I could race if Zoren is here.

Natawa ako. He doesn't call Zoren Kuya?! I don't know why I find it funny.

Ako: Malapit naman nang pumunta diyan sina Kuya mo. You can do what you want by then.

Alanis Gray Montevinski: Yeah, right.

Alanis Gray Montevinski: I have to go now! I still want to talk to you, but I still have classes. See you soon!

Napangiti ako. Hindi naman mahaba ang usapan namin noong gabing iyon pero nadagdagan sa mga sumunod na araw. Pakiramdam ko nga ay gusto niya akong kausap. Minsan hindi ko siya na-re-replyan kaagad dahil madalas akong makipaglaro kina Erios dahil umuwi sila rito.

Sabi nga ni Zoren, hindi naman daw siya iyong tipo na mahilig makipag-usap sa ibang tao kaya wala siyang ideya kung bakit ako kinakausap ng kapatid niya. Wala siyang magagawa kung gusto ako ng kapatid niya! Ang saya-saya kaya.

"May laro kayo ulit mamaya sa court ng subdivision niyo, 'di ba?" malamig na tanong ni zoren habang naka video chat kami.

Sinasabi ko sa kanya ng lakad ko at mga gagawin dahil iyon ang demand niya. Hindi naman ako nasasakal. Sa katunayan nga ay nasisiyahan pa ako dahil feeling ko territorial siya.

"Hm! Mamaya pa naman. Bakit?"

Narito ako sa kitchen counter top habang nagsusulat ng mga bibilhin namin para sa holidays. Ang iPad ko ay nasa stand nito at nasa harap ko. Si Zoren naman ay nasa higaan niya na at handa na yatang matulog. Pero mamaya pa 'yan. Mahilig na siyang magpuyat ngayon.

"I'm still sleeping at that time."

Kumunot ang noo ko at huminto sa ginagawa. Tinitigan ko ang gwapo kong future husband.

"So... What do you suggest? 'Wag na lang ba muna akong pumunta?"

His finger scratched the side of his eyes. He's obviously sleepy now.

"Your choice. Anong oras ka uuwi?"

I chuckled. "Maaga. Six or seven. Malapit lang naman sa bahay."

Nagyayaya kasi sina Abraham na maglaro ng volleyball dahil minsan lang naman sila nakakapaglaro kapag umuuwi rito.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon