Prologue

93.9K 2K 1.6K
                                    

Prologue

Past time


Mataas akong tumalon para sa set ni Alyssa. I gave my all energy to spike it hard. It was a fast and deep attack, so our opponents didn't even get a chance to touch the ball.

Ngumisi ako at narinig ang malakas na pito. I wiped the sides of my forehead and breathe in relief. Naki high five ako sa mga kasamahan ko habang tumatawa dahil sa tuwa.

"E 'di ikaw na!" Sigaw ni Covy sa akin habang nanunuod sa gilid. She's my cousin. Varsity din pero grade 10 pa lang kaya second six muna.

"Bwisit, pabida!" sigaw ni Tina. Isa sa mga spiker ng Raven Claws. She's a bit bitchy, so I like her a little. Very little, you wouldn't imagine.

"Your name suits you well." tumawa ako at nilingon siya sa kabilang net. "TINAtalo lang," tawa ko ulit saka nag flip hair bago tumakbo palabas ng court. Hinayaan ko na ang trash talking 101 niya. Cheap.

Practice match lang 'yon at panalo kami. Panalo kami sa first set at second kaya tapos na ang laro. Napagod ako pero hindi kagaya sa laban namin sa Glazing Fires.

Dalawa ang nakalaro namin ngayon. Ang Glazing Fires, at school nila 'to kung nasaan kami ngayon, at iyong Raven Claws na katatapos lang naming talunin. This day happens once in a blue moon. We don't really get a chance to play with other schools and visit other schools to play a practice match.

Umupo ako sa tabi ni Covy at inabutan niya naman ako ng towel. Pangisi-ngisi ito sa akin.

"Oh, may masama ka na namang balita?" natawa ako matapos niyang tumango.

Tumayo ako at nakipag-high five muna sa kadaraan na si Tasha. Tinuro niya ako kaya mas lalo akong natawa. Tasha is from another campus. Naging kaibigan ko dahil ako lang ang nakaka-receive sa services niya. Queen of service ace 'yan, e.

"Oo, pupunta kami!" sigaw ko dahil medyo nakalayo na siya.

May party kasi sa bahay nila mamaya. Inimbitahan niya ako at ang mga kaibigan ko. Not the whole team, tho.

"Punta na kami, Kelly. Pagabi na rin," si Carmen, ang libero ng team ko. Tinanguan ko lang sila at bumalik na kay Covy.

Hindi kami kaagad nakapag-usap dahil nagpaalam pa ang coach namin sa akin. Nang umalis na ay saka ko lang nabigyan ng atensyon ang pinsan ko.

"So..." si Covy nang hinarap ko na.

"Meron na naman sumubok?" tanong ko at inayos ang high ponytail ko. Pinasadahan ko pa ang nakataling buhok ko hanggang bewang.

Tumango si Covy habang tumatawa. Nakita ko ang halos perpekto niyang mga ngipin. Bahagya pang nagulo ang medyo mahaba niya ng bangs na tumatagilid sa magkabilaan niyang tenga

"Oo. Nandoon sila sa gilid ng canteen, nakatambay. Ang daming kumakausap kay Zoren." Inayos niya ang bangs niya. Nagsimula na rin siyang mag-ayos ng gamit.

Kumunot agad ang noo ko dahil sa inis. Ang dami pa ring hindi natututo. Ang sabi ko ay sa akin si Zoren. Ginagalit talaga ako, e.

Marami naman nang nakakaalam, pero rito sa teritoryo nila ay halos lahat sila ay hindi naniniwala. Siyempre, nakikita nila na libreng libre iyong lalake na 'yon. Dito kasi siya nag-aaral.

"Una na kayo, kung gano'n. Hintayin niyo na lang ako sa parking lot."

Nagpunas pa ako ng isang beses bago sinuot ang duffel bag ko sa balikat na damit lang at tumbler ang laman.

"Sige. Nando'n na si Seth sa parking lot, e." Kumindat sa akin si Covy 'tsaka nauna nang lumabas ng gym.

Ang daming lumapit sa akin para magpa-picture. Ganito madalas kapag nakikidayo kami. Gandang ganda sila sa'kin samantalang si Zoren ay tinuturing akong hangin madalas. Gago talaga 'yon. Tsk.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon