Chapter 6

44.7K 1.7K 1.1K
                                    

Chapter 6

Lost

Fr: Elton

Bakit hindi ka pumunta? We thought you'll come kaya pumunta kami!

I snorted and placed my phone back inside my pocket. Nandito ako sa court ngayon ng subdivision, nakikipaglaro sa mga kapitbahay. Dumating kasi ang mga pinsan ni Erisse, childhood friend ko rito. Sa iba nag-aaral kaya hindi ko madalas makasama.

"Kailangan ka ba sa intramurals nila?" si Erisse habang naglalakad papunta sa labas ng service line.

Umiling ako.

Stressed ako kagabi. Nag story si Zoren na may bago na namang kasamang babae! And she looks really matured and snaky. May lahi pa yatang Amerikana.

Hindi ko na siya maintindihan. Ang lakas ng loob niyang mag paiba-iba ng babae samantalang hindi niya ako mabigyan ng pagkakataon. And he has the guts to accuse me I'm only all for play?

"Mine!" sigaw ko at pinalo ang bola na nasa ere. Pumasok 'yon pero na-receive ni Erios, ang lalake niyang pinsan. Ngumisi ito sa akin at ganoon din ako.

Bumalik sa amin ang bola. Si-net ulit sa akin at sa ikalawang pagkakataon ay hindi na ito nakuha ng kalaban.

"Aggressive mo ngayon," si Erios ulit na mayabang na tumatawa sa inaasta ko. He knows about Zoren. Alam nilang lahat. Lahat ng kalaro ko ngayon, alam nilang lahat

Si Erisse ang tumapos ng laro. Service ace.

"Tara ice cream? Tangina, ang init!" inakbayan ako ni Erios kaya sinapak ko. "What the fuck? Wala namang meaning, ah! Friendly gesture—"

"Tanga, pawis ka kaya! So sticky!" maarte kong bulyaw saka hinila ang towel ko sa duffel bag na nakapatong sa bakal na upuan dito sa gilid ng court.

"Arte mo naman."

Hindi ko na 'yon pinatulan. Maarte talaga ako. Kaysa naman sa dugyot, 'di ba? Kita na nga kasing pawis na pawis siya, ang lakas pa ng loob na dumikit sa akin. Kung hindi ba naman kasi tanga.

"Init kasi ng ulo mo masyado! Hindi naman sila naghalikan, ah?" si Abraham habang naka-upo at nagpupunas ng pawis.

"True! Napaka-OA mo lang talaga," si Erisse.

"Sinayawan niya lang naman si Zoren mo! Hindi naman sila nagsex!" singit pa ni Haze at nasundan pa ng iba't ibang reaksyon.

Tinutukoy niya iyong IG story ng amerikana ni Zoren. Sinayawan niya si Zoren! Nasa isang pool party yata sila.

Zoren looked bored, though. Parang nilagay lang sa IG story niya para inisin ako.

I was mouthing back their words the whole time. They know I'm pissed and still want it to make it more enormous! Pinapainit nila lalo ang ulo ko. Kaya nga hindi ako dumalo ngayon sa intramurals nila para makapag unwind.

"Sana hindi na lang ako sumama rito," sabi ko at padabog kong binalik ang towel ko sa duffel bag at dinakma ang phone ko.

Argh! Ang daming messages. In-on ko pa ang data ko at ang daming nag pop out na chead heads. Nairita ako kaya marahas kong binalik ulit sa bag. Bahala sila! Hindi ko naman na kailangang panoorin ang game nila. I'm confident we'll win this year's interhigh.

"Tara na ice cream? Libre ko na!"

Nakabihis na ng bagong damit si Erios nang akbayan ulit ako. Wala naman talagang meaning 'to. We're friends since we're little so... it has really no meaning. Mas matanda rin siya sa akin ng dalawang taon. That makes it even more impossible for me to have something romantic for him. I hate older boys.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon