Chapter 25

32.1K 822 476
                                    

Chapter 25

Wish

We dine in a coffee shop since most of my chosen restaurants are already closed. It's already quarter to twelve, and malls are already completed as well. We had no choice but to stay here. Maganda naman dito at walang tao kaya ayos na.

I ate heavy food since we're going to take alcohol tonight. Gusto ko sanang dumiretso na roon kaso ayaw pumayag ni Zoren.

"Okay na! Tapos na akong kumain, Zoren."

Madilim ang mga mata niya. "There were so many food in your party yet you did not eat anything..." aniya habang naglalabas ng bills sa kanyang wallet.

"How can I eat? Ang daming nagpapa-picture kanina at nakikipagkwentuhan,"

Tumayo na kami at naglakad palabas. Medyo iritado siya dahil nga hindi ako kumain at pinipilit ko pa na dumiretso na kami. He hates it whenever I'm stubborn.

Kanina pa ako mi-ne-message ng mga kakilala ko dahil kanina pa sila naroon! Nakakahiya naman at nauna pa sila. I reserved couches so I don't think there's more problems.

"Don't drink too much..."

"Yeah! Kanina mo pa sinasabi 'yan..."

Pagdating namin sa club, natural ay maraming tao. Zoren's hand on my waist was so firm. May mga ibang kakilala kaya minsan ay nahihinto sa paglalakad.

Nagulat ako nang may pa surprise pa sila! My cousins and my friends were singing a birthday song! Ka kuntsaba nila ang ilang staffs. Three couches ang ni reserve ko at magkakatabi iyon ngayon at lahat okupado na. They're singing so loud! May golden balloon pa na eighteen!

Nagbukas pa ng wine at parang fountain 'yon na lumabas.

"Thank you!" I laughed, and some of them hugged me. "Thank you so much!" pa ulit ulit kong sabi.

Maingay na at ang ilan ay nasa dance floor na rin. Zoren is still with me. May ibang table ang mga pinsan niya at plano namin na pumunta roon mamaya.

"You can go to your cousins now, Zoren. Mamaya na lang ako..."

Nag-aaya na kasi sina Alyssa sa dance floor. Magsasayaw lang naman saglit. Kung bibilangin kung ilang beses na akong sumayaw sa club... siguro ay pangatlo na ito.

Nung una ay hindi pa siya pumayag pero tinawag na rin siya ng pinsan niya. Dumiretso kami sa dance floor ng mga kaklase ko.

My cocktail dress jumped with me, and I laughed while dancing. May kasayaw si Alyssa na lalaki at galing ibang school iyon. He's actually looking at me frequently, so it was awkward. Parang gusto ako.

"Laura has a sister. Grade twelve," sigaw ni Cena sa aking tainga habang gumigiling kami.

I smirked. "Pakialam ko?" I asked.

"'Di ba kwento mo may kausap si Elton? Siya iyon..."

I laughed harder. "Woah!" Humalakhak ako. "Grabe naman! Transferees sila, 'di ba? Dito nag-aaral?"

"Hindi! Sa eskwelahan nina Mooze..."

Tumango tango ako dahil wala naman talaga akong pakialam. I'm actually happy for Elton for he has found a new girl now. Tagal niya nang bakante, e.

I felt someone dancing behind me. Akala ko si Zoren pero nang lingunin ko ay galing ibang school pala. I think volleyball player ng The Eagles ito. Lumalayo ako dahil alam kong nakamasid si Zoren pero mas lalo lang siyang lumalapit.

"Please, if you don't want to get punched..." I said to him, and he chuckled.

"Hindi pa naman kayo..."

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon