Chapter 13

34.9K 1K 686
                                    

Chapter 13

Answer It

"Ate, paano kung hindi pala seryoso sa'yo si Kuya Zoren?"

"Kuya mo?" tanong ko habang nakatingin sa mga glass wall na nadadaanan. Magaan na nakalapat ang straw ng milk tea ko.

"Siguro sa future, kung kayo talaga. Pero paano nga kung hindi seryoso sa'yo si Zoren?" She then gave emphasis on the last word.

"Oh, e 'di, ouch?"

Pumasok ako sa isang jewelry shop nang may makitang magandang necklace. I was a bit annoyed now.

"Akala ko ba mahal na mahal mo siya? Bakit parang hindi ka rin seryoso sa pagsagot?" siko niya sa akin nang makapasok na kami sa isang jewelry shop.

"Ibili mo naman ako neto, Kenzie. Libre mo ako...." sabi ko sabay turo sa necklace na may pendant ng bola ng volleyball.

Ang ganda. Bagay na bagay sa akin. Hindi rin gano'n kamahal kaya gustong-gusto ko. I'm not really into prices, I'm more on the visual. Pagsasawaan ko rin ito panigurado dahil ganoon naman madalas.

"Sagutin mo muna ako —"

"Kasalanan ko pa ba kung hindi siya seryoso? O hindi siya magseseryoso? At syempre, masasaktan ako nang sobra, Kenzie. What do you think of me? A robot with a heart of steel?"

Ayaw ko ang usapan na ito kaya nga iniiwasan ko. Masakit nga kapag iniisip ko, paano pa kaya kapag mangyari, 'di ba? Ayaw ko sanang bigyan siya ng sagot, pero alam kong hindi siya titigil sa pangungulit hangga't hindi nabibigyan ng kasagutan.

Mabagal siyang tumango habang umiinom ng kulay green niyang milk tea. Kadiri. It's like a shit.

"Miss, we'll get this one po," maarte niyang sabi sa sales lady na agad siyang sinunod.

I chuckled and bumped her shoulder with mine. "Englisher ka na pala?"

Tumawa kaming dalawa dahil may nakarinig. Hindi naman nakakahiya? Bigla naman akong napatingin sa isang medyo matandang lalaki na bumibili ng necklace. I smiled when I saw the pendant. Its shape was heart with wings.

Naglakad-lakad kami matapos bumili ng mga kailangan namin. Pauwi na sana kami nang magpaalam si Kenzie na bibili lang sa second floor, e, nandito na kami sa parking lot!

"Babalik din ako, Ate! Saglit lang talaga. Una ka na lang sa kotse, alam ko naman kung saan ang kotse mo!"

Umirap ako at tumalikod na nang walang sinasabi. Ang dami kong bitbit dahil na-scam ako ng mga punyetang sale na karatula!

Malakas ang hangin dito sa rooftop pero buti na lang ay may black sunglasses ako. Nililipad ang buhok ko habang naka tingin ako sa gilid, kung saan nakikita ang mga matatayog na buildings sa paligid.

Soon, I'll work in one of those as a private secretary. Easy life.

"Aray!" daing mula sa pamilyar na boses ng babae.

I slowly rotated my head and saw Dimples in front of me with her mother and... Zoren? Nag-iwas kaagad siya ng tingin, para bang kilala ako sa ilalim ng glasses ko. Of course, he would know. Dahil kung hindi, bakit ganyan ang reaksyon niya, hindi ba?

What the fuck is he doing with this girl and her mother? He's not talking to me because he's having fun with them, huh? Gagohan?

And her Mom... I have never seen her in person, but her face is on the news and social media. She's a known businesswoman, and she does many interviews for those planning to start a business. She's pretty popular.

"Mag-ingat ka naman, miss! Nakaka-abala ka, e!" maarteng sigaw ni Dimples sa akin na kung hindi lang kasama ang Mommy niya ay kanina ko pa sana sinapak.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon