Chapter 29

29.8K 768 236
                                    

Chapter 29

Hit

The inter-high started like usual. Maaga kaming dumating at naka-abang na ka si Zoren para salubungin ako sa bus. We strolled around together since the main event was still ongoing. I felt lighter with Zoren all the time. If only I could stay with him anytime I want. Forever, if I could.

Napaka-dreamy.

Naghiwalay rin kami ka agad dahil nga maraming priorities at busy din. Mas busy kasi kami ngayong inter-high kumpara noong nakaraan. Mas marami kasing ganap ngayon, at ang killjoy naming teacher ay nag pa-performance task pa. Kailangan namin ng documentation for this year's inter-high.

"It's okay if you won't watch, Kenzie. Hindi ko naman kailangan ng family support," sabi ko sa aking kapatid.

She's torn between watching me play or go out to bond with Laura since their leave is already fast approaching. Hindi ko alam kung bakit sila aalis, ang sabi lang ni Kenzie sa akin ay biglaan daw. Pero uuwi rin daw naman sila, iyon nga lang ay aabutin ng ilang taon.

"But I want to watch you, too..." aniya na parang bata.

"Hindi na. Ako, marami pa akong susunod na mga laro, ang bonding niyo ni Laura baka hindi na masundan," nagmamadali kong sabi dahil tinatawag na ako ni coach.

"Kainis ka, Ate! Sige, ipa-video ko na lang kay Ashi. Bye! Galingan mo na lang, okay?"

I made a face and nodded before she turned her back on me. Naglakad na ako papunta sa team ko dahil may laro ka agad kami ngayong first day. Kalaban namin ngayon ang Glazing Fires, at kapag nanalo ay sa last day na ulit.

Zoren was seated on their bleachers, and he was watching me intently. I smiled at him before focusing on my coach, who talked too much. Pa ulit-ulit na lang kasi ang kanyang sinasabi.

The game started smoothly.

Nakakapagtaka rin na walang Dimples na nang ta-trash talk ngayon. I saw her earlier and she stared at me like a kitten. Nag-iwas pa nga ng tingin na para bang nahihiya o kaya ay naaawa.

The fuck was that?

I spiked deep, and no one from the other team touched it. I smirked as a loud cheer followed suit. I looked at Zoren, and he looked proud and cocky. Yes, baby, this is your girl.

Mas lalo akong ginanahan sa paglalaro. Seth was playing seriously so it was easier for me. Hindi na lang ako ang nagbubuhat. Covy isn't playing anymore.

We won against Glazing Fires, and it was a sporty game. Para bang walang nangyari na away nung nakaraan na laro. They even commended me for my unwavering skills. I was laughing the whole time because I was flattered.

"Congrats, Kelly!"

"Congrats, Ate Kelly! Ang galing mo pa rin."

"Halimaw ka pa rin, Kelly!"

Kinuha ako ni Zoren pagkatapos. Wala pa siyang game kaya kumain na lang muna kami. Maraming tao kaya sa sasakyan kami tumambay. Tirik na tirik din ang araw kaya masakit sa balat. Mas maganda talaga sa sasakyan na lang para pribado rin.

"What if you lose this year?" he asked while eating a burger.

I glared at him. "Wala kang tiwala sa akin? Sa tingin mo papayag ako na matalo ngayong may deal tayo?" I laughed when he smirked.

"You really want it to happen, huh?"

"Tagal na," I declared and continued eating.

Hindi naman talaga ako nagmamadali noon na maging girlfriend niya, pero ngayong medyo matagal naman na kaming nagkakamabutihan, parang ang sarap nang isipin na maging pagmamay-ari niya.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon