Chapter 36

37.1K 1K 509
                                    

Chapter 36

Late

"You're easily accepted?!" gulantang na tanong ng pinsan ko. We were video-chatting.

Nagtitimpla ako ng kape rito sa island counter malapit sa mga cubicles. Malapit lang naman sa department namin at walang gaanong tao kaya hindi naman hassle.

"Yup!"

"Mataas naman ang sahod mo?" Ngumisi si Seth, parang alam na ang sagot.

I shrugged while faltering my smile. Nakasandal kasi ang cellphone ko sa isang container.

"Kamusta naman? Okay naman kayo?" si Terry.

I widened my eyes and shook my head slowly. Hindi ako sigurado.

"Hindi ko alam kung okay, pero parang hindi."

I-kwe-kwento ko sana iyong tungkol sa Kylie kaso napasadahan ng mga mata ko ang isang grupo ng kalalakihan. I saw Zoren with them and I think they're from the top level management. Pinatay ko ang call kahit malayo naman sila. Nakita ako ni Zoren at kumunot ang kanyang noo.

Hindi naman sila dadaan dito pero kinakabahan ako. Nasa pinaka gilid sila, sobrang layo sa akin... Dahil doon, nabawasan ang kabang dumadaloy sa kaibuturan ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang matapos na, wala na rin sila sa kinatatayuan nila kanina. Nakita ko pa nga ang ama ni Dimples kasama nila...

Pagbalik ko sa office namin, inatupag ko na kaagad ang nakalaan na trabaho ko. We're not busy all the time, but there were days that our schedules were hectic. Ngayon, hindi naman gaano.

"Ms. Gonzaga, tawag ka sa taas..." bungad ng head namin pagkapasok sa opisina. Dumiretso siya kaagad sa kanyang lamesa.

"Taas?" I asked Vane who's eating a peanut butter sandwich. Hindi ko kasi alam kung saan 'yon.

"Ah, sa office ni Mr. Gray..." wala sa sariling sagot ni Vane.

My jaw opened a bit. And why am I being called sa taas? Did I do something wrong? Ginagawa ko naman nang maayos ang mga trabaho ko...

"Saan ka pupunta?" si Maanne paglabas ko. Galing siyang ibang department.

"Sa taas lang," sagot ko.

Her mouth formed round, and she winked at me.

"Galingan mo!" she said before closing our office door. I shook my head and headed straight to where I should be.

Kumatok ako nang tatlong beses. Dahil hindi naman yata siya mahilig mag-respond, pumasok na ako. He was there, his fingers formed a temple above his neat table. Noong unang punta ko rito, grabe ang kaba ko. Ngayon, hindi naman na gaano, pero mayroon pa rin.

"Good morning, sir," I said politely. Pero iyong tono ko, may halong pang-aasar. I don't know why! I tried to talk to him naturally, but I couldn't.

"Here," he pushed the folders near me. "Mom wants you to handle this..."

Ngumuso ako at umupo. I opened one folder, and these are financial transactions dated two years ago. Kumunot ang noo ko. The entries were already closed.

"She wants you to analyze it again. She believes something is wrong."

Seryoso siyang nakatingin sa akin. He looks more stoic today. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at hindi pa rin iyon nagbabago. I was like sent back to the good old days.

"Bakit hindi pinaulit noon?" I asked.

Gusto ko sanang bawiin kaso gusto ko ring malaman kung bakit. I think I don't have the right to question their orders but I can't help it...

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon