Chapter 34

34.7K 994 1K
                                    

Chapter 34

Feelings

Busy ako para sa finals at malapit na akong mabaliw. Mas mauuna pa yata akong makapasa sa mental institute. Kinuha ko ang chocolate chips sa tabi ng aking iPad bago ko tinapon ang sarili ko sa mattress.

I never imagined myself crying over a subject! Ilang araw na akong nag-re-review. I never joined in my friends' nighouts. Puro aral lang at bantay sa kapatid.

Hindi ko nagalaw ang chips ko at dinala na ng antok. Paggising ko, review ka agad para maisaulo iyong coverage ng exam. Gusto ko talaga na mataas ang makuha para may mapatunayan. I also want to make my father proud so he would never think he made a wrong decision staying with us.

Nakausap ko sina Seth sa cellphone habang naglalakad ako sa field. Hindi raw sila makakpunta sa graduation ko pero ayos lang naman sa akin.

Pinasok ko ang cellphone ko sa tote bag ko at tumakbo para sana makasilong muna sa masabong na puno kaso agad akong prumeno nang makita ang pamilyar na bulto ng tao.

Hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakita si Zoren dahil naging busy rin ako sa pag-aaral, kaya nang makita siya ngayon, parang gusto ko munang mag evaporate.

I was about to turn my back when our eyes connected. His hawk eyes did not leave mine. Nakatayo siya habang suplado ang itsura at nakikinig sa babaeng nasa harap niya. Hanggang ngayon kasi marami pa ring nangungulit sa kaniya.

Nasa gitna ako nang field. I looked away and tried to turn right, pero hindi pa ako nakakahakbang ng tatlo, naaninag ko na sina Maddizon na naglalakad. Bumalik ako sa pwesto ko at bumaling kay Zoren. He was still staring and my knees were wobbling already!

Bakit ba kasi siya tumititig? He's talking to someone, he should at least pay attention to it.

Lumunok ako, natataranta. I sighed and bit my lip. He's still serious staring at me. Bakit kasi palagi na lang sa campus namin siya naghahanap ng kalandian? What? He's still not over me yet? Gusto niya ba akong palaging makita?

I groaned and just decided to turn my back. Ang layo-layo na nang nilakad ko, tapos babalik na naman ako! Ang init-init... I really hate being hit by the sun. Kung si Zoren lang iyang araw, kahit araw araw pa, wala akong pakialam.

Pawis na pawis na ako, nag-iinit na rin ang mukha ko dahil sa init nang may bumusina sa likod ko. Halos tumalon ang puso ko nang makita ang sports car ni Zoren sa aking likuran! Binilisan ko ang paglalakad pero natapatan pa rin ako.

"Kesian, hindi ako si Zoren, chill!" humalakhak si Ashi sa nakababang bintana ng sasakyan ni Zoren.

I stopped running. Bumuntong hininga ako habang nakasimangot.

"Ano?!" I asked harshly. Nakakainis kasi... Akala ko talaga.

Tumawa siya. "Hatid na kita. Saan ka ba?"

Tinignan ko ang sasakyan. Kotse talaga 'to ni Zoren, bakit gamit niya?

"Hindi na..." Pumikit ako nang mariin dahil sa hapdi ng balat ko.

"Sige na! Yari ako neto," binulong niya ang huling sinabi kaya pumasok na ako.

Pagpasok ko sa loob, umaliwalas ka agad ang pakiramdam ko. The coldness of the air inside made me more comfortable. Ang bango bango pa sa loob. Amoy... Zoren.

"Anong yari? Dahil siguro sa kapatid ko, ano? Sinabi niya sigurong alagaan mo rin ako," halakhak ko.

"Hindi mo alam," he chuckled and did not talk anymore.

Hinatid niya ako sa labas ng gate.

"Ingat! Babalik ko pa itong sasakyan..."

"Bakit?" natanong ko pa nang makapara na ng taxi.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon