Chapter 1

54.4K 1.4K 711
                                    

Chapter 1

Match

"Mine!" sigaw ko sa ilalim ng araw at asul na kalangitan, halos mapapikit pa ako dahil sa sinag ng araw. The ball instantly landed on my forearms and it went up near our setter. "Alyssa, set!"

Tinanguan niya ako at ginawa ang gusto ko. I jumped higher and slammed the ball down below the net. I got two boys blockers, but the ball still passed through their manmade wall.

Kill.

Walang nakakuha ng spike ko. Tinawanan ko ang team nina Elton. Sila ang boy's team ng school namin. Practice match lang ang ginagawa namin ngayon.

"It's just a luck." Umismid pa si Elton at kinuha ang bola. Tinapon niya 'yon sa akin ng marahan. "Ayusin mo talon mo. Kung tinaasan ko pa ang talon ko, balik sa kampo niyo ang bola mo," aniya.

Umirap ako. "Oh, come on, Elton! Accept your defeat!" Patawa tawa pa ako kasama ang mga kasamahan ko.

"I am accepting so you accept advice, too," supladong aniya, umirap pa!

"Not that our opponents are tall as you are! Babae naman ang kalaban namin!"

Umatras ako dahil ako na ang mag se-serve. I was playing with the ball when Fritz butt in.

"Andro is quite tall, Kelly."

Iyon 'yong nakalaban nila Tasha last year pero nanalo pa rin sila. She's tall, I know, pero hindi gano'n kagaling. Aanhin mo ang tangkad mo kung hindi ka strategic? Ako, well, I have both.

"Andromeda?" I asked before hitting the ball for a float serve.

"Yup!" Sagot ni Fritz at humanda na para sa mag-spike pabalik. Babawi ang animal.

Nagpatuloy ang laro. I jumped higher as I could to block his kill. Napamura siya nang ma-block namin ni Arvhie ang palo niya. Natawa kami ng team ko at ilang kagrupo niya.

"Tama na!" sigaw ni Covy. "Pagod na ako!" hingal na hingal siya habang naglalakad papunta sa bakal na upuan sa gilid.

Kasama niya si Terry, Seth at si Ays. Mga kaklase niya slash best friends. Lumapit ako sa kanila habang busy sila sa mga phones nila. Ganyan lang naman ang madalas nilang ginagawa at hindi nanonood.

Nandito kami sa court ng subdivision nina Elton. Dito ang naging usapan namin. Wala kasi kaming magawa kaya nag chat kami sa group chat. Game na game naman sila kaya nandito kami at iniinda ang sapak ng araw sa amin. Sapak dahil grabe ang atake sa aming mga balat.

"Tara kain sa labas?" yaya ni Elton sa amin habang nagpupunas ng pawis. He's the captain.

"Libre mo?" si Seth.

"Ang dami niyo!"

"Oh, edi 'wag na! Ang dami mong alam." Umirap si Seth at nag cellphone na ulit.

Mga mukha silang libre. May mga pera naman sila.

Napalingon ako sa labas ng chain link fence kung saan may mga pumarada na sasakyan. So flashy. Namukhaan ko ka agad ang Aston Martin at halos tumalon na ang puso ko palabas ng ribs ko.

"Sino ang mga 'to? Makikipaglaroy ata, ah?" si Daren nang magsilabasan na ang mga lalaki at ilang babae sa iba't ibang magagarang kotse.

"Kotse ni Zoren ang isa riyan," sabi ko at tinalikuran sila.

Kinakabahan ako. Nandito siya? Nakita ko sa IG niya kanina na nasa Seven Eleven lang sila, a? Bakit biglang nandito?

Pansin ko ang titig ni Covy sa akin kaya tinapatan ko 'yon. Papatalo ba ako?

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon