Chapter 10

41.9K 1.5K 766
                                    

Chapter 10

Jealous

Hanggang sa araw ng interhigh ay hindi ko pinatulan ang mga mensahe ni Zoren. I never replied to him since that day I saw him with some random girl again.

I was so disappointed. I trusted he'd be serious already since he seemed good to me. Hindi naman na bago na may mga kasama siyang babae, pero inasahan ko na titigil na siya dahil nga sa akin. I hoped too high that I fell so hard and shattered.

Naka ilang bisita siya sa school at sa bahay pero lahat ng iyon ay nagawan ko ng paraan. I wanted to face him but I had no strength to do it. At ngayon ay halata niya nang iniiwasan ko siya. He sent me a message again. Gusting gusto niyang makipagkita sa akin.

For: ZorenGray

What is this again? Why the fuck are you ignoring me again?

Nasundan pa ng dalawa.

Fr: ZorenGray

Stop playing with me.

Fr: ZorenGray

Oh, come on! Face me so we'd know what to do.

Malalim ang hininga ko at tinapon ang cellphone ko sa duffel bag. Hawak ko na rin ang maleta ko habang hinihintay namin ang bus ng school papunta sa school nila. Hindi kami pinayagang magdala ng kotse.

Bumuntong hininga ako. Malungkot ako dahil gusto ko talaga siyang makausap, pero kailangan kong pigilan ang sarili dahil sinagad ko na ang pagiging tanga.

"Napakabilis naman ng masasayang araw mo, Kelly!" sundot sa akin ni Seth na tumatawa. Katabi ko siya habang nagsusuklay.

Madaling araw pa lang at narito kami sa field para maghintay ng masasakyan papunta sa campus nina Zoren. Mahamog at nagsisitaasan ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng haplos ng hangin sa balat ko.

"Shut up, Seth," malamig ang boses ko.

"Bakit kasi hindi mo kinausap? Malay mo naman may eksplinasyon pala siya!"

I smirked and heard my phone ringing. Nang lingunin ko ay kumalabog ang puso ko. Tumatawag si Zoren. Hindi pa siya tinatawag simula noon. Puro text messages lang.

"Magsisinungaling lang 'yon..." malamig kong sabi.

"Wow!" pumalakpak siya. "Napaka advance mo namang mag-isip, mare!" tawa niya at dumating na si Covy dala rin ang bagahe niya.

"Pasensya na, na-traffic ako!" aniya at hinawi ang buhok. Nilingon niya ang cellphone ko at ngumisi nang makahulugan. Hindi ko pinansin.

"Talkshit ka! Parating na ang bus. Hindi na tuloy tayo makakakain muna sa Mcdo!" si Seth.

Hindi ko sinagot ang tawag. I want to consider Seth's opinion, but I'm afraid to be lied on. Kasi alam kong bibilhin ko kahit ano pa ang idahilan niya sa akin. So be it a lie or a fact.

Nag-usap sina Covy sa gilid ko. Hindi ako nakisabay. Nakita kong dumating na ang grupo nina Elton at ang ingay nila.

"Hoy, ang ingay niyo naman! Para kayong mga palaka sa gabi!" At saka ginaya ni Seth ang tunog na tinutukoy niya.

Puno ng sarkasmo ang boses niya ngunit tinawanan lang ng lahat. Kabilang na ako roon. She's really funny. Sana ay makahanap ito ng seryoso at cold na boyfriend para tumino-tino naman.

"Sup?" si Elton at tumabi sa akin. Hindi ako umimik. Wala naman akong sasabihin. Wala rin talaga ako sa mood.

"Boss, i-park ko lang kotse mo," si Darren kay Elton. Tumango lang ang katabi ko at nilingon ako ulit.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon