Chapter 17

550 49 8
                                    

Coleen's POV

Hindi parin namin makita si Cole. Asan na kaya yun?. Nagulat nalang kami nang bigla kaming makarinig ng putok ng baril. Biglang nagpanic ang mga tao pero tumakbo parin kami ni Ate Abby papunta dun. Si Cole :'( Wag naman sana. Nagulat kami nang makita naming nakahandusay na yung lalaking sumusunod samin. Sinong may gawa nito? Nagsilapit narin ang mga tao. Nabaril ang lalaki sa mismong dibdib nito, sa puso.

"Tabi! Police ako--" Sabi ni Ate Abby at nagmadaling chineck ang vital signs.

"He's dead." Malungkot na sabi ni Ate Abby.

"May nakakita po ba sa inyo rito kung sinong may gawa nito?." Sabi pa nya.

"Ako ho. Nakita ko po pero di ko namukhaan."

"Anong ibig mong sabihin?."

"Nakasuot po kasi sya ng puting maskara." Lapit ng isang bata na nagtitinda ng gulay. Hmm puting maskara. That totally reminds me of Alex Dee. Yan yung pagkakakilanlan nya.

"Sigurado ka ba dyan boy?." Tanong ni Ate Abby.

"Opo." May dumating nang mga police. Kilala si Abby ng isa sa officers kaya dun na nga sya nagpaliwanag. Oo nga pala, si Cole. Since busy si Ate Abby, ako na ang naghanap kay Cole. Baka kung ano nang nangyari dun.

..

Cole's POV

"..ma, ako to. Si Cole. Anak mo. Di mo na ba ako naaalala?." Halos maiyak nako. She looks clueless and different. Mom used to look like a professional dahil her profession was a doctor but this woman looks like a common housewife. Simple lang ang damit nya. May dala pa itong basket na may lamang gulay. Pero I swear, she looks exactly like my mom.

"Sorry neng ah. Baka nagkakamali ka lang."

"But you look just like her. Ma, ikaw yan diba?."

"Excuse me, anong nangyayari dito?." May lalaking biglang
lumapit at inakbayan si Mommy. Simple lang din ang suot niya. Saka balbasarado sya.

"Sino ka ba?. Bakit mo ginugulo ang asawa ko?." Sabi pa nung lalaki.

"A-asawa?."

"Oo. Asawa ko to. Ano bang kailangan mo ha?." Nakakatakot naman ang lalaking to.

"Mahal, kalma lang. Natatakot yung bata. Neng, pasensya ka na talaga. Hindi kasi talaga kita kilala eh. Sige ah. Kailangan na rin kasi naming umalis, walang kasama sa bahay yung mga bata. Sya nga pala Veronica ang pangalan ko. Kung san man yang nanay mo ngayon sana mahanap mo na siya." Sabi nito at sumakay na dun sa tricycle nila. Driver pala yung asawa nya. Pano kaya nangyari yun?. Pero I'm pretty sure that it's her.

Imposibleng magkamali ako, or maybe that's the reason kung bakit di na sya bumalik when she left. At posibleng may kinalaman si Daddy kung bakit di nako maalala ni mommy. Tsk.

..

Coleen's POV

Bigla akong kinilabutan nang makita ang taong yun kasama si Cole. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Well, older pero still looks the same. Tsk. Nang makaalis na sila ay lumapit nako kay Cole.

"Ate Cole." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman ito sakin. I can see by the looks of her eyes that she's about to cry and this time hindi na nga sya nakapagpigil. Niyakap nya lang ako.

"Ate Cole, what's wrong? Why are you crying?." I said while rubbing her back.

..

Rob's (Mr. Somera) POV

Andito ako ngayon sa opisina ko nang ibalita sakin ng kaibigan kong police na si Arturo na pinatay yung private bodyguard na hinire ko para bantayan si Cole.

Ano?!. S-sigurado ka ba dyan?.

Nagulat nga rin ako eh. Patay na siya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari o kung sinong may gawa nito. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Pano ba kasi umabot sa ganung situation?.

Well, huli nyang report sakin ay parang may nakita daw si Cole sa may palengke at bigla nalang itong bumaba sa sinasakyan nyang kotse kaya ayun sinundan nya. Hindi ko na alam ang kung anong nangyari pagkatapos nun dahil binaba nya ang tawag. At yun na nga, nalaman nalang namin syang walang buhay.

..

Coleen's POV

9pm.

Tulog na si Cole sa hotel room na kinuha namin. Lumabas muna kami ni Ate Abby para makapag-usap ng mas private. Pumunta kami sa may terrace.

"So, anong nangyari dun sa stalker?. May nalaman ka ba na pwedeng makatulong sa--"

"He's not a stalker." Sagot ni Ate Abby.

"What?."

"He's a bodyguard hired by Mr. Somera para bantayan si Cole. Police siya Coleen."

"Now everything starts to make sense."

"What do you mean?."

"I saw Alex Dee."

"What?. S-seryoso?. Why didn't you call me?."

"You were busy."

"Do you think he's also responsible for the bodyguard's death?."

"Affirmative. And I hate to say na tama ang hinala ko that this has something to do with the Someras. Saka.."

KINABUKASAN

We're back on track. Wala parin sa sarili si Cole. Nakatunganga lang sya habang nakatingin sa labas ng bintana.

I'm sure she's still bothered about what happened yesterday. I can see na sobra nya talagang namiss ang mommy niya. And just like her I miss Mommy too. Kamusta na kaya sya?. Don't worry mommy, we're coming. Sana naman hindi nila sya sinasaktan dun.

..

Mrs. Trinidad's POV

Andito parin ako sa parang solitary room kung san nila ako pinasok. Bumukas na ang maliit na opening sa pinto.

"Oh ayan kumain ka." Sabi nung parang guard na nagbabantay sakin. Isa din sya sa mga terorista.

Hmm gulay?.

Ngayon pako naka engkwentro ng kinidnap na pinapakain ng steamed na gulay. What are they up to?.

Habang kumakain ay sumilip ako sa maliit na bintana sa itaas na bahagi ng pinto. May mga grupo ng mga lalaking dumating. Wari koy mga terorista din sila pero puro naka civilian, which is nakakatakot dahil di natin alam kung kailan sila aatake. Hindi natin alam that they're just one of us.

"..sabi ni Boss maghanda kayo ng tatlumpong bomba, pasasabugin natin ang dalwang mall ng San Isidro." Ano?!.

Sumunod naman agad ang mga tao.

"Sir, may namatay po tayong mga kasama. At papalapit rin daw po rito ang mahigit isang daang sundalo. Hinahanap parin nila itong si Attorney. Diba dapat po dispatyahin na siya?."

"Hangal!. Hindi natin sya pwedeng dispatyahin hangga't hindi sinasabi ni Boss. Kailangan natin sya bilang pain. Sa tulong nya ay mapapapunta natin dito ang hinahanap na hacker ni Boss. Pag dumating na siya dito para isurender ang mga ebidensya laban sa katiwalian ng grupo, saka na natin sila papatayin. Tsk. Sige na, tulungan mo na yung iba dun, kailangan ko pang ihanda ang mga armas na gagamitin natin sa pag-atake sa City Hall."

Sino ba kasi yung hacker na sinasabi nila? Tsk. Pano ako napasok sa situation na to?.

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now