Chapter 7

595 63 11
                                    

Coleen's POV

KINABUKASAN

Kakatapos ko lang maligo, andito narin si Cole.

"So, what do you want to do today ha baby?." Sabi niya. Malamang good mood siya ngayon because of that--I don't wanna talk about it. Ang awkward lang kasi. Saka di ko rin inexpect yun from her.

Iniimagine ko nalang yung wash fifi time. Gosh. Hinayaan ko siyang hawakan ako down there, tapos malalaman ko ngayon na posibleng inenjoy niya yun dahil yun naman ang gawain niya. Don't be ridiculous Coleen. Baka naman wala lang talaga yun sa kanya, masyado ka lang malisyosa. Tama, malisyosa lang siguro ako.

Inhale exhale. Inhale exhale. Wala lang yun, okay?. You're just overthinking. Wait, sino ba talaga yung babaeng yun? Siya din ba si ZFOBM? anong ibig sabihin nun?.

"Baby, wuy--okay ka lang?." Nag-aalalang tanong niya sakin.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Napatingin ako sa gilid at nakita ang alphabet blocks sa isang box.

"Wetters." Turo ko. Napalingon naman siya.

"Ah letters. Ano, you want me to teach you?."

"Mm mm." Tango ko.

"Sige." Kuha niya ng box at inilapag sa harap ko. Inayos nya ang letters in order, from A to Z.

Iniisip ko parin kung anong ibig sabihin ng ZFOBM.

"Sige, let's start. This is letter A. Repeat after me, A." Turo niya.

"A." Sabi ko naman, kasi nga diba? kunwari wala akong alam tsk.

"Very good. Ang galing naman ni baby Cocooo." Kurot niya sa pisngi ki tila nanggigigil. Sana naman naghugas to ng kamay.

"Next is letter B. Sabihin mo nga baby B-ba-b. B."

"Bwi."

"Again. B."

"B."

"Ang galing galing naman ng baby namin. Next is.."

At hanggang sa naging tuloy tuloy na. Nasa letter X na kami nang biglang,

"Wait lang baby ah, wiwi lang si Ate Cole." Kaya ayun, pumunta muna siya ng CR.

Now I'm left here with the letters. ZFOBM. Think Coleen, think. Based on Cole's arrangement of the letters, tinry kong magform ng patterns from
those letters pero wala eh, it makes no sense. Kaya naisip ko na what if kunin ko yung katabing letters nung Z, F, O, B, M. Walang katabi sa right ang Z so it must mean that I should take the letters in its left side.  So instead of ZFOBM, magiging YENAL. What the heck is YENAL? Yun ba ang pangalan nung girl na kasama niya o yung nagtext sakanya about that dispatya issue?.

Baka naman mali ako. Sino ba kasi talaga yung ZFOBM?.

"I'm baaack. So, where were we?. Hmm okay, balik tayo sa letter Y. Say Y."

"Y."

"Wow, ang galing galing mo na talaga. Alam mo, pag nalaman to nina mommy mo they'll be happy."

"Weally?."

"Oo naman. Ba't naman hindi?. Sige ah, proceed na tayo baby. Last is letter Z."

Wait a minute, so last is letter Z. Ibig sabihin yung Y mapupunta sa huli so ZFOBM and YENAL is actually LANEY. That's it. Si Laney. Pero sino nga ba talaga ang taong to?. Yun din ba yung babaeng kasama ni Cole na--hmm posible.

..

Cole's POV

Parang medyo nagulat ako nang makitang mukhang seryoso ang mukha ni Coco, like a normal adult. Na para bang nag-iisip siya. And I think nakuha nya na ang sagot sa kung ano mang iniisip niya. 

There's no way na nag-iisip siya ngayon ng something serious haha. Malamang madalas lang tong nag-oobserve sa parents niya at ginagaya nya lang ang expressions and actions nila.

"Baby, I said letter Z." Nakuha ko ang attention niya pagsabi ko nun.

Nagsmile naman siya.

"Ulit ah. Z. Say Z."

"C."

"No baby, not C. Z."

"Chi."

"Z baby. Z as in Zipper. Z as in Zebra."

"Zebwa?."

"Yeah, you're getting it."

"Ate Cole meron Zebwa?."

"Ay haha no baby. I mean--uh nevermind."

"Coco wants to see Ate Cole's Zebwa." Ang cute nya talaga gosh, ang sarap kurot kurotin ang pisngi niya, nakakagigil.

"Walang Zebra si Ate Cole baby. Example lang yun. Saka it's not Zebwa, it's  Zebra. Zee--"

"Zee--"

"Bra." Dugtong ko.

"Bwa."

"No. Not bwa. It's bra. B-rrr-ra."

"B--www--a."

"B--"

"B--" Gaya naman niya.

"Rrrr--"

"rrrr--" Geez tumatalsik na yung laway niya sa mukha ko. Pinunasan ko to ng shirt ko.

"Again. Brrrra."

"Bla."

"Baby, gayahin mo si Ate Cole ah. Rrrra. Bra. Ganito oh, bra." Taas ko ng shirt ko sa harap to show her my bra. Wala namang malisya kasi para din naman siyang baby na walang kamuwang muwang.

..

Coleen's POV

Oh no. Did she seriously just show me--sht. Pakiramdam ko ay nasisilaw ako ngayon, the search is over. Andito na ang treasure. No, Coleen stop. What are you thinking? Chill. Inhale, exhale. Mamaya nyan magduda na siya.

Binaba nya na ang shirt nya.

"See baby? Yun. Yun yung bra. Again, zee--"

"Bra." Dugtong ko.

"Haha yun lang pala kailangan eh. Anyway--"

"Coco dede." Bakit parin ako nakatitig sa dibdib niya? Coleen, ano bang nangyayari sayo?.

"What?." Gulat nyang tanong. Wait, did I just--

"Uh uhm uhm Coco dede. Milk."

"Oh, you mean ipagtitimpla kita?."

"Mm mm." Tango ko.

"Of course. Pewh, kinabahan ako ng slight baby ah haha. Sige, dito ka lang ah. Make lang dede Ate Cole."
Sabi niya at lumabas na.

Napahiga nalang ako. Gosh, what's wrong with me? Parang unti unti na ata akong natutuluyan.

Ang tanga tanga Coleen ah, anong sabi mo? Coco dede? Tsk, ano yun? Iniisip mo na ngayong dedede ka sa kanya?. Yuck. Erase erase.

Magfocus ka na nga lang sa mission, kailangan mong malaman kung sino ba talaga yung Laney na yun. Maaaring kasabwat din yun ng mga Somera.

9pm. Tulog na si Mommy.

Ang daming results about sa pangalang Laney. Imposibleng makahanap ako ng information about her just by knowing her name. So I stalked Cole's social media accounts and searched the name Laney pero walang lumalabas.

Well, I think it's time for my hacking skills. It's time to hack Cole's account.

Unang bukas ko palang ay dumiretso nako sa inbox niya. Pinakauna dun ay ang pangalang Lorelaine Sañosa.

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now