Chapter 1

762 71 4
                                    

Cole's POV

12:15 kumakain na kami ng lunch. Of course, hindi yun madali kasi kailangan mo pa siyang sundan. Makikipaghabulan pa kasi siya sayo.

3pm. Natulog siya ulit. Tinabihan ko siya, tinapik tapik at hinele. Nagising ako mga bandang 6pm. Nagulat ako nang makitang wala na si Coleen sa tabi ko. Asan na yun?.

Hinanap ko siya sa buong bahay. Umabot na nga ako sa garden nila pero wala parin. Patay. Hindi naman siguro siya kinidnap o ano? Wag naman sana please.

First day ko palang tapos palpak na agad ako.

"Coleen!. Baby! Baby Coleen!. Asan ka na? Magpakita ka naman please!. Coleen!."

Napatigil ako nang maramdaman kong may kumagat sakin sa paa. Ba't ang daming langgam rito?. Tinapak tapakan ko para umalis. Nang lumayo sila nakita ko na may x mark sa grass, nagulat nalang ako nang biglang bumigay ang lupa at nahulog ako sa isang makitid at malalim na butas. Sht.

Narinig ko ang palapit na tawa ni Coleen.

"Coleen, are you there? Can you please help Ate Cole here? Please baby--" pakiusap ko.

Lumapit siya sa butas at tiningnan ako.

"Wait, what's that?."

"Sulplise hahaha." Nagulat ako nang bigla nya akong binuhusan ng isang baldeng earthworms. Para nakong kinukuryente sa sobrang diri. Tawang tawa naman siya.

Kaya pinilit ko nang makalabas dito. Demonyitang bata yun ah. Bago pako tuluyang makalabas nakatakbo na siya palayo.

Cole, kalma lang. Di nya alam ang ginagawa niya. Inhale exhale.

Naglalakad nako papasok nang biglang dumating ang mommy ni Coleen.

"Haaayst not again. Napakapilyo talaga ng batang yun. Did she did this to you?." Nag-aalalang tanong ni Attorney.

"O-opo. Pero okay lang naman po ako ma'am."

"Halika, magpalit ka muna." Sabi niya. Naligo ako at pinasuot niya sakin yung mga damit ni Coleen na medyo malaki at kasya sakin.

"Pasensya na ma'am, naabala pa kayo."

"Sus, wala yun. Asan na nga ba yung batang yun?."

"I'm hooooome!."

"Dadddyyyy!."

Andyan na ata Daddy niya.

Bumaba kami.

"Who's this?." Tanong ng Daddy ni Coleen. Ako ang tinutukoy niya. Doctor pala siya.

"Siya si Cole, ang bagong mag-aalaga kay Coleen."

"Nice to meet you po sir." Shakehands ko sa kanya.

"Uhm have we met before?." Tanong niya tila bothered.

"No, I don't think so sir."

"Anyway, time na ng out mo. Bukas ah, be here at exactly 7am."

"O-opo ma'am."

"Ah ito nga pala, para may pambili ng ulam."

"Thank you po."

"Sige, you can go na. Ingat ka." Dala ko naman ang bike ko kaya magbabike nalang ako pauwi.

Kaya ayun, umalis nako.

..

Mrs. Trinidad's POV

KINABUKASAN

Kumakain kaming tatlo ng breakfast, at sinusubuan ko ngayon si Coco.

"I told you, that girl's familiar."

"I mean why would she apply for a job and accept my offer if she's so damn rich?. That doesn't make any sense. Baka naman magkamukha lang sila."

"Hindi sila magkamukha, siya mismo yun. She's a Somera. And she's basically a minor, abogado ka paman din. This is child abuse."

"Hindi naman ganun kabigat yung trabaho diba? And I think this time, makakasundo na siya ni Coco. Diba baby?."

"Nah nah." She said, disagreeing my statement.

"Well, bago palang siya. You'll change your mind pa baby. And besides, she seems nice naman eh. You just need to give her a chance."

"Ate Cole wash Coleen fifi hahaha." Sabi ni Coleen while clapping her hands na ikinagulat namin. Nabulunan nalang ang asawa ko. Nagmadali naman akong abutan siya ng tubig.

Ding dong

"I think that's her na." Tayo ko at pinagbuksan na si Cole.

..

Cole's POV

"Iha, breakfast." Offer ni Dr. Trinidad.

"Ah hindi na po. Tapos na po ako sa bahay. Ma'am ako na po dyan."

"Sige, I really have to go narin eh."

"Hon, sabay na tayo." Ligpit ni Dr. Trinidad sa mga pinagkainan nila at dinala sa sink.

"Basta Cole iha, ikaw nang bahala kay Baby Coco ah. Bye baby." Kiss sa kanya ng mommy niya. Namiss ko tuloy si mommy. Haaayst.

"Bye!." Sabi nila at umalis na.

"So, it's just you and me baby. Again."

"Ate Cole wash fi--"

"No, you'll do it yourself na. Big girl ka na."

"No! Ate Cole, do it!."

"No, I'll help you do it."

At yun na nga ang ginawa ko. Nagdala talaga ako ng extra clothes and underwear para dito. Umupo ako sa likod ni Coleen, I held her hand to guide it to wash that fifi with her own hand.

"See? Ganyan lang. Easy diba? And don't you dare na magwiwi. Dirty ang wiwi. Ew. You want ba ligo wiwi mo?."

"No."

"Then don't wiwi in the bathtub. Basta tell Ate Cole if gusto wiwi ni Baby Coleen ah." Ang hirap pala magbaby talk tsk. Pero laban lang para sa ekonomiya. Haaayst.

After niyang maligo, pinunasan ko na siya at binihisan.

"Mmm ang bango bango na ng baby namin ah. Pero ano yung--"

"Ate Cole, Coleen poopoo hahaha." What the heck?. Kaya hinubad ko agad ang shorts niya, nakapoopoo nga. Ano ba namang buhay to oh?.

So kailangan ko siyang e wash ulit, kadiri. Pati kasi yung may poopoo na underwear at shorts niya ako pa ang maglalaba. Naglalaro na ngayon siya ng legos.

"Again, tell Ate Cole if you want to wiwi and poopoo."

"Okay." Madali naman palang kausap.

Hinayaan ko na muna siyang maglaro sa kwarto niya. Bumaba na muna ako para maglinis at magluto para sa lunch namin.

Kumain kami mga bandang 11 at ganun parin, napakalikot niya at kailangan ko pa siyang habulhabulin. After nun nanood kami ng Disney movie. Kitang kita ko na natutuwa naman siya habang nanonood nito.

Then sabi niya inaantok na daw siya at gusto niyang magpabuhat sakin habang hinehele ko siya. Andito parin kami sa sala.

"Baby Coleen, hindi nga kaya ni Ate Cole. Ang bigat mo kaya."

"Ate Cole upo nalang." Kaya umupo ako sa sofa. Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa lap ko na nakaharap sakin at niyakap ako sa leeg. Okay, that's a great sleeping position. Pero how long are we gonna stay like this?.

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now