Chapter 5

629 61 11
                                    

Coleen's POV

"K-kasi baby, bawal ang bata dun." Sabi niya.

"Diba sabi naman Ate Cole big girl na Coco?."

"Oo ngaaa, big girl. Pero kasi baby delikado dun. May monsters."

"Monsters?." Sabi ko kunwari takot.

"Oo baby. Maraming monsters dun na nangangain ng bata. Gusto mo ba yun?. Kain ka ng monsters?."

"No no. Pero protect naman ate Cole Coco. Ate Cole  Coco's hewow, right?. A-away nya monstwers." Geez, palala nako nang palala. Baka susunod nito di na talaga ako marunong magsalita.

"Bad yung nang-aaway baby."

"So, ano gawa Ate Cole sa monstwers?."

"Nothing. Ate Cole will only keep baby Coco away from them. Kasi pag kinain ng monsters si Coco iiyak sina mommy at daddy."

"A-ala na baby Coco? Dead na?."

"Of course Ate Cole won't let that happen." She smiled as she fixed my hair.

"Ayan. Finished. Tara bihis ka na." Sabi niya sabay balot sa katawan ko ng towel. Honestly, this is 1000% awkward pero I have to act like this is completely nothing dahil dapat parang bata lang ako na walang pakialam sa mundo maliban lang sa kumain, maglaro at matulog.

FLASHBACK

"Ay naku baby, stop it. Nababasa nako." She said in a nice way pero pinilit kong tumawa nalang nang tumawa, hanggang sa may naisip ako.

"Yaya wash fifi." Sabi ko.

"What?."

"Yaya wash fifi." Hila ko sa kamay nya at nilagay sa ano ko. Yeah, I know. Pathetic. Babae naman siya kaya walang malisya to.

"Wash fifi haha." Tawa ko pa habang nirarub sa area na yun ang kamay niya. Kasi nakikiliti ako. I know she's panicking na sa kaloob looban nya. Hindi nya magugustuhan ang ganitong trabaho for sure kaya I'm expecting na dito palang she'll give up na.

EOFB

Pero hindi tumalab ang mga plano ko sa kanya sa araw na yun, bumalik parin kasi siya kinabukasan.

Habang nilalabhan niya sa CR ang mga damit ko ay kinuha ko naman ang opportunity na yun para kabitan ng GPS ang ilalim ng upuan ng bike niya to trace her address. Para makakuha pako ng iba pang clue ukol sa kaso ng daddy niya.

10pm. Tulog na sina mommy at andito ngayon ako sa lab to trace Cole's location. She lives in a vulcanizing shop?. Hmm. Pwede, pero pwede din namang may nangyari sa bike nya kaya andun yun. Tsk. Epic fail naman oh. Basta kung bukas dun parin tumigil yung bike, baka nga dun talaga siya nakatira.

Pero sa dalawang magkasunod na araw, feel ko I'm on the right track na. She stopped on the same place. Kung hindi ako nagkakamali, she lives in a small apartment. Maaaring mag-isa lang siya dun. Pero ang tanong bakit dun siya nakatira?.
Baka naman may pinagtataguan siya.

Isang umaga, andito ulit si Cole sa bahay para bantayan ako. Habang kumakain kami ng tanghalian ay nilagyan ko ng sleeping pills ang juice niya para matapos ko ang mini-drone na may camera. Its design ay para lang die but four times larger. It has a wheel and propeller that are of course retractable. I call it DC1.

Natapos ko na, pero tulog parin si Cole. 30 minutes palang naman ang nakakalipas.

Buzz buzz

It must be her phone. I wore gloves bago ito kinuha. Mahirap nang mag-iwan ng evidence.

[1] New message received

I bet dinelete niya na ang previous conversation nila.

From: ZFOBM

Nadispatya ko na lahat. Don't worry, nalinis ko na ang buong lugar. Even the police and detectives won't see a single spot of blood.

Sht. Tama nga ang hinala ko. Katulad din siya ng ama niya. Malala pa nga ata, at itong ZFOBM nato kung sino man siya, malamang ay kasabwat niya ito sa mga krimeng nagawa niya. Pero hindi ako dapat maging padalos dalos, kailangan ko pang maghanap ng iba pang ebidensya na ang mga Somera nga ay may kinalaman sa kung ano mang krimeng nagaganap ngayon kagaya ng illegal drug transactions at mga pagpatay.

FLASHBACK

Kausap ko si Ate Alice via video chat, girlfriend siya ng pinsan kong si Kuya Monty at tanging siya lang ang pinagkakatiwalaan kong makaalam ng sekreto ko.

Isa syang police at sa kanya naatas ang kaso ukol sa mga Somera.

Maliban sa international drug transactions nila ay posibleng sangkot din sila sa nababalitang kaso ngayon ng pagkidnap at pagpatay sa mga minorde edad para kunin ang mga lamang loob nila at ibenta ito sa ibang bansa lalo na sa mga bansang malalakas ang currency gaya ng Kuwait at Bahrain.

Pero diba wala pa po tayong evidence ukol dyan?.

About that, I did some investigation. At napag-alaman ko na may tauhan si Mr. Somera na nagtetrade ng Bahrain at Kuwaiti dinar to pesos, twice a month and the amount of money na dinadala niya is tremendous.

Baka naman profit nya lang yun dun sa binibenta niyang real estates.

Yun din ang inisip ko nung una pero ayon sa report, wala naman siyang properties sa mga lugar na yun. Ibig lang sabihin ay may iba siyang negosyo na hindi pa lingid sa kaalaman ng publiko. Hindi naman siguro siya babalik balik dun ng walang dahilan.

EOFB

Sinauli ko na sa bulsa ni Cole ang phone nya. Isip Coleen, mag-isip ka. Posibleng may kinalaman din si Cole sa negosyong ito ni Mr. Somera at katulong siya nito. Kaya lang hindi ko parin alam kung bakit nakabukod si Cole, anong plano nila?.

6pm. Umuwi na si Cole. Kumakain kami ngayon ng parents ko ng dinner habang nanonood sila ng news,

..hindi na mabilang at malaman kung sino sino itong mga natagpuang bangkay na nakita ng isang residente na umaanod at bumara na sa filtration net ng nasabing ilog. Pinagtataga ang mga mukha nito ng palakol at tinanggal ang ibang parte ng katawan, gaya ng mata, puso, utak, baga, pancreas at marami pang iba. Wala parin pong lead ang mga police kung sino o sino sino man ang mga may kagagawan nito.

Pinatay na agad na ni Mommy ang TV dahil sa sobrang takot at diri sa mga pangyayari.

"Grabe no? Habang tumatagal palala na nang palala ang mga pagpatay. Haaayst, panibagong kaso na namang dapat lutasin." Sabi ni Mommy.

"Sya nga pala hon, siguro ito na yung perfect time para sabihin ko sayo."

"Ano yun?."

"Isa pala ako sa napili dun sa--mga ipapadala sa kampo ng mga militar."

"T-teka lang, hon. Delikado yun."

"Pero hon, naalala mo dati? Eto talaga yung pangarap ko eh. Saka hindi naman kami ang sasabak sa giyera, magliligtas lang kami ng buhay."

"Ayoko."

Pero 2 days later umalis parin si Daddy, nag-iwan lang siya ng letter para samin.

BABYSITTING A GENIUSKde žijí příběhy. Začni objevovat