Chapter 10

624 44 4
                                    

Coleen's POV

I locked the door. Andito nako sa secret laboratory ko. Haaayst. Buti naman, nakatakas din.

Hindi naman siguro nagdududa yun?.

Nagvibrate ang isang phone ko sa desk ko. It's Ate Alice calling.

Hello Ate.

I've been trying to call you.

Sorry, you know naman yung situation diba. Hindi ako makatakas sa Somera nato.

Oo nga pala. How is she?.

Well, she's fine naman.

Not that. I mean how is she behaving?.

I don't know. I just think that she has nothing to do with it. Actually, hindi sila magkasundo ngayon ng daddy niya. She's living in a small apartment with her girlfriend.

Girlfriend?.

I know right. Nagulat nga rin ako. Kaya nga parang labas na siya sa kaso. Pinoproblema ko lang ngayon is pakiramdam nakakahalata na siya.

Na ano?.

Na hindi ako gaya ng inaakala niya.

Do you trust her?.

No.

Then gawin mo lahat ng makakaya mo to push away her doubts about you.

As if naman ganun kadali yun no. Alam mo Ate, pakiramdam ko konti nalang talaga matutuluyan nako.
Wait--parang may tao ata sa labas.

Nakita ko kasi sa secret CCTV monitor ko na may tao na nagdodoorbell. Nakita kong lumabas si Cole para tingnan kung sino to. Oh no. It's my cousin Ate Abby. Why is she here?. Tsk.

Ate Abby's here.

What?. Anong ginagawa nya dyan?.

Hindi ko nga rin alam Ate eh.

Pinapasok siya ni Cole.

Dapat mapaalis mo na siya agad bago pa mabulilyaso ang plano.

Sa lahat ng kilala ko kasi siya yung pinakasumbongera.

FLASHBACK

During our family reunion. The day after Chad dumped me. 9pm. Nasa poolside kami habang busy sa pag-uusap ang fam sa loob.

"Oo, tama ka. Ako ang nagsabi kay Chad na gusto mo siya. Kaya ka nya kinaibigan. Alam nya na ikaw lang ang makakatulong sa kanya para makapasa. Maliban dun wala na syang kailangan sayo. Wala syang paki sayo. He just acted that he cares kasi yun yung pinakamadaling paraan para utuin ka. At hindi nga ako nagkamali, hanggang ngayon uto uto ka parin--"

"Walang hiya ka--" hindi nako nakapagpigil at sinabunutan ko siya. Gumanti siya hanggang sa nahulog na kami sa pool. Halos ilunod na nga namin ang isa't isa pero dumating sina Daddy para awatin kami.

..

Sa hospital.  Inexplain na ng doctor ang fake findings ng condition ko. Umalis na sina mommy at nagpaiwan si Ate Abby.

"Tsk. You actually think na maniniwala ako dyan sa arte mo?. Mukha kang engot. Minsan galingan mo naman yang acting mo, masyado kang obvious. Tingnan lang natin kung anong magiging reaction nilang lahat once na isumbong kita." Sabi ni Ate Abby na para bang nagbabanta at lumabas na.

EOFB

Lumabas nako agad at dumaan sa back door. Naabutan kong ipinaghahanda ni Cole si Ate Abby ng miryenda.

"Why hello there my dear cousin. We've been looking for you." Sabi ni Ate Abby. Napakaplastic niya talaga kahit kailan tsk.

"Come. Di mo man lang ba ako ibebeso?." Sabi nya pa. Kaya kahit labag sa loob ko ay lumapit ako sa kanya pero imbes na ibeso siya ay kinagat ko ng pagkadiin diin ang pisngi nya na napasigaw nalang sya sa sakit sabay tulak sakin.

"Are you insane?!." Galit na sabi ni Ate Abby as she wiped her face with a paper towel.

"Baby, ba't mo naman yun ginawa sa kanya?. Bad baby!. Say sorry to Ate." Sabi ni Cole tila hindi natutuwa sa inasal ko. Well, dapat lang naman talaga sa kanya yun.

"No!." Dabog ko at magwowalk out pa sana pero pinigilan ako ni Cole. Hawak hawak nya ngayon ang braso ko.

"You're not going anywhere unless you say sorry to her."

"Noooo." Sabi ko still acting like a kid and trying to escape from her grip.

"Coco isa!."

"I would never say sorry to her, she's a monster!." Sabi ko at nagmadaling tumakbo paakyat sa kwarto ko and locked the door.

..

Cole's POV

Susundan ko sana siya pero pinigilan ako nung bisita. Sabi nya pinsan nya si Coleen. Her name is Abby.

"Hayaan mo na. Nag-iinarte lang yun." Sabi niya.

"You're bleeding--"

"Don't worry, konting galos lang to." Sabi niya habang nilalagyan ng band aid ang sarili sa harap ng phone niya.

"Pasensya ka na po talaga sa inasal ng alaga kong yun ah."

"Is she always like this?." Tanong niya.

"Nung una po medyo may pagkasutil. Medyo naging okay na nga siya nitong mga nakaraang araw eh. Ngayon lang ulit siya nag-astang ganun. This time nanakit pa. Pero I guess intindihin nalang natin dahil mahirap din yung condition nya."

"Matagal ka na ba rito?."

"Bago pa po, bakit?."

"That's why." Inom nya ng juice.

"Ano pong ibig nyong sabihin?."

"Wala ka man lang bang napapansing kakaiba sa kanya?."

"Well, yun nga pong condition niya. Yung pagiging asal bata."

"Naniniwala ka talagang may sakit siya? Haha."

"A-ano pong ibig nyong sabihin?."

"Wala. Nevermind. You know what, I gotta go. Wala naman talaga akong balak na pumunta dito because I know something like this would happen. Tinawagan lang ako ni Tita para tingnan ang kalagayan ng sutil kong pinsan. I guess sutil parin siya hanggang ngayon. Sige ah. By the way thank you sa merienda."

"H-hatid ko napo kayo sa labas."

..

Coleen's POV

Nakita ko mula sa terrace. Buti naman at umalis narin ang babaeng yun tsk. Napalingon si Cole at tiningnan ako. She looked disappointed.

Well, who cares?. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagkulong lang ako sa kwarto hanggang 5pm. Pagbaba ko ay naabutan ko si Mommy at si Cole na parang may seryosong pinag-uusapan.

Hindi ko alam kung ano yun. Ang alam ko lang hindi na bumalik si mommy simula ng araw na yun. Nag-aalala nako baka ano nang nangyari sa kanya.

Kasabay din nun ay may mas lalo akong ikinabahala. Pumunta si Cole dito dala ng mga gamit niya. Lalo na nung sinabi nya isang umaga habang inaayusan nya ko after kong maligo na,

"Simula ngayon dito na matutulog si Ate Cole para hindi na matakot ang baby sa monsters. Lagi mo nakong makakasama. Diba ang saya nun baby?."

What the--dito siya titira?! Hindi pwede. Mommmmy!

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now