Chapter 24

347 44 5
                                    

Cole's POV

7pm. Dinner. Kumakain kami ngayon sa isang karinderya. Walang gustong magsalita. They really thought I would believe them. There's no way na magagawa yun ni Mommy. How could they just judge her like that?. 

Well, expected naman talaga yun pag di mo kilala ang tao.

Pakiramdam ko kasi that someone out there is just framing mommy. 

..

Unknown's POV

"Isang softdrinks nga po ate. Pakiplastik nalang ho." Sabi ko sa nasa counter.

"Anong softdrinks?." Tanong nung babae. I think parang mas matanda lang sya sakin ng ilang taon. 

"Kahit ano po." Sabi ko.

"Ay naku, wala kaming tinitindang kahit ano dito." 

"Ikaw po?. Anong mairerecommend nyo?."

"Isang litrong coke, okay na yan?. Tapos lagay natin sa plastic bag."

"Ate talaga masyadong palabiro. Sige na, coke nalang. Yung maliit." sabi ko.

"Gaano kaliit?." Tanong nya. Haaays.

"Tubig na nga lang. Isang mineral water." Sabi ko.

"Ano ba talaga?." Sabi niya tila naiirita na.

"Tubig. Isang litro." 

"Tsk, oh ayan." Abot sakin ng isang litrong tubig. Inabot ko naman sa kanya ang card ko.

"Pambihira, wala kaming gamit para dito."

"Wala akong cash eh." Sabi ko.

"Ah so di ka magbabayad edi akin na yan." Bawi nya ng tubig pero may biglang lumapit na babae sakin na short hair. Hmm may itsura sya ah.

"Sama mo na yung kanya samin te." Sabi nung girl.

"T-thank you." Sabi ko.

"No prob--" Nagulat nalang ako nang bigla syang nahimatay. Buti nalang nasalo ko siya.  Kaso yung mga kasama nya rin ata ganun din yung nangyari. Parepareho silang walang malay.

Pero mas nagulat kaming lahat nang may humintong sasakyan sa harap ng karinderya at biglang pumasok ang mga armadong lalaki at isa isa kaming tinutukan ng baril.

"Walang kikilos ng masama!." Sabi nung parang lider nila.

"Kunin to." Sabi pa nya sabay turo dun sa babaeng akap akap ko.

"T-teka lang--"

"Bibitawan mo o pasasabugin ko bungo mo?." Sabi nung lalaking nakatutok sakin kaya wala nakong nagawa. 

Dinala nila lahat ng mga babaeng walang malay at agad nalang umalis na parang wala lang nangyari. Pero di nako nagdalawang isip na tumawag ng police. Tandang tanda ko naman yung plate number ng van na sinasakyan nila because of my photographic memory kaya ayun.

..

Cole's POV

Nagising ako sa isang unfamiliar na kwarto. Anong ginagawa ko dito?. Bigla kong naalala yung kanina, nawalan nalang kami ng malay matapos naming kumain tsk. 

Bumangon ako at sinubukang buksan ang pinto at bintana pero di ko ito mabuksan. Anong nangyayari?. Asan ba talaga to?.

So naghanap ako sa mga cabinets na andito pati na rin yung sa CR ng magagamit ko to get out of here. 

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now