Chapter 13

621 54 8
                                    

Mrs. Trinidad's POV

"I'm fine. Kaya ko na ang sarili ko. Doctor ako, remember?." Sabi ng asawa ko, si Conrado.

"Kahit na. Ano ba kasing ginagawa mo sa kuta ng mga terorista?. Eh dapat andito ka lang sa kampo. Ikaw dapat ang nag-aalaga sa mga sugatang sundalo, hindi tong ikaw ang inaalagaan nila." Nabaril kasi siya bandang tagiliran at injured pa ang kanang binti nya dahil sa pagkakahulog sa bangin para takasan ang mga humahabol sa kanilang terorista.

"Nakuwento ko na nga diba?. May isang injured at kritikal na ang kalagayan na sinubukan nilang balikan at iligtas ang buhay sa battle field. Alangan namang hayaan ko lang mamatay yun?. Eh yun nga pinunta ko rito."

"Ang akin lang naman ay dapat nag-iingat ka parin."

"Saka parang may nakita ako dun. Hindi lang ako sigurado kung sya mismo yung nakita ko. At least may lead tayo na yung mga teroristang yun nga ang mga pumapatay sa brutal na paraan. May lider sila at sa tingin ko yung taong yun yun."

"Si Mr. Somera ba?."

..

Coleen's POV

Nanonood ako Peppa pig sa tv habang kumakain ng popcorn. Si Cole naman busy sa paglilinis ng bahay. Sobrang awkward ng atmosphere namin ngayon di ko keri but I always find myself glancing at her every once in a while.

Naglaba narin siya ng mga damit namin. Nakakahiya ngang siya pa ang naglalaba ng mga underwears ko, yung iba may tagos pa kaya lumapit nako sa kanya at,

"Ate Cole, Coco want to wearn wash undwies."

"Hindi na baby, kaya na ni Ate Cole to."

"No. Coco help." Sabay hila ko ng panty ko hawak hawak nya.

"Baby, wag nang makulit. Maglaro ka nalang dun."

"Coco, help." Pilit ko pa na kunwari maiiyak na. Pumayag naman sya kahit labag sa loob nya. Umupo nako sa maliit na upuan sa tabi nya.

"Basta wag kang magulo ah. Sige, ganito. Gayahin mo lang ginagawa ko."

"Like this?."

"Oo. Ganyan nga.."

At ayun natulungan ko nga syang maglaba, sa totoo lang di talaga ako marunong. Mas mabuti nato kaysa sa pagtuturo nya sakin ng ABC at 123 tsk. At saka at least di na kami gaanong awkward ngayon.

6:30pm. Nagluluto parin ata si Cole sa baba for dinner. Andito naman ako sa room ko. Dinala ko phone ko rito in case na tumawag si Ate Alice. Nilagay ko ito sa isang shoe box at itinago sa ilalim ng bed para madali kong ma access.

Pumasok na si Cole.

"Baby dinner's ready." Patayo nako nang biglang nagvibrate phone ko. Sht.

"Baby, naririnig mo yun?." Oh no.

"Nope. Tara Ate Cole, let's eat." Tulak ko sa kanya nagpumilit parin syang icheck kung ano yung tumutunog. Bwisit naman oh. Ba't ayaw tumigil ng pagvibrate.

Bigla syang yumuko. I think it's down there. Turo nya sa ilalim ng kama kaya mas lalo akong kinabahan.

Nagmadali akong umupo sa kama at hinarangan ang shoe box ng mga paa ko pero panay vibrate parin eto. Ate Alice naman oh, mapapahamak ako. Tsk. Please tumigil ka na.

"Baby, ano ba?. Umalis ka dyan."

"No."

"Pwede ba itabi mo yang binti mo."

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now