Chapter 3

700 61 9
                                    

Cole's POV

Parang mabubuang nako sa kakahanap. San na ba kasi yun? Tsk. Kahit kailan talaga pahamak yung batang yun. Speaking, san na naman yun nagsususuot?.

Mamaya na nga lang, kailangan ko pang hanapin ang singsing ni Attorney. Ang pagkakaalala ko kulay gold yun eh. Sinubukan ko ring hanapin sa labas ng bahay pero wala parin. This is completely hopeless. Bwisit bwisit bwisit.

Buzz buzz

Kinapa ko sa bulsa ang phone ko. May nagtext.

From: ZFOBM
How's work?.

Nagreply naman ako.

Exhausting.

Why? What happened?.

Yung alaga ko kasi eh.

Bakit? What did she do this time?.

Nawala nya ang wedding ring ng mommy nya at ngayon ay pinapahanap niya sakin.

Aba napakapilyo pala talaga ng batang yan. Basta yung usapan natin ah, pag pakiramdam mo masyado ka nang agrabyado magquit ka na.

Kaya ko pa naman eh.

Pasensya na at napilitan ka pang gawin yan.

Hey, don't blame yourself. Desisyon ko to. Ginusto ko. Sige na, kailangan ko pang magtrabaho.

Yung sa renta pala nabayaran ko na :)

Don't worry, babawi ako. See ya'.

Tuloy nako sa paghahanap pero wala parin hanggang sa nag 4pm na. Naabutan ko si Coleen sa kwarto niya. Di tulad ng pangkaraniwang na bata, hindi magulo sa gamit si Coleen.

Isa pang napapansin ko sa kanya ay perfectly aligned and fixed ang mga gamit niya, from her toys to her clothes kaya nga hindi ko na masyado kailangang maglipit ng mga kalat.

Focus lang siya sa pag-aalign ng mga butones sa bed niya.

"What are you doing baby?." Upo ko sa gilid.

"Just playing. So, Ate Cole find tweasure?." Nakangiti niyang tanong.

"Unfortunately, hindi. Don't you really remember kung san mo yun nilagay?."

"Nah ah."

"Pano yan? Mapapagalitan tayo ni mommy mo nyan."

"Mommy spank Coco huhuhu. Coco bad baby."

"Coco?."

"Ate Cole, Coco." Turo nya sa sarili.

"Aaaah nickname haha. Cute naman. Ang cute cute mo talagaaa." Pinch ko sa ilong niya.

"Ate Cole no, hand dirty. No no." Tanggal niya ng kamay ko.

"Arte naman nito. Nagwash nako no."

"Coco sleep, Ate Cole out." Sabi niya.

"Bakit? Ayaw mo ba si Ate Cole dito?."

"Coco can't sleep, Ate Cole here." She pouted.

"Eh baka hindi ka naman magsleep eh."

"Coco sleep, Ate Cole out." Pilit niya pa, kaya ayun lumabas nalang ako. Naglinis nalang ako hanggang 5pm. Andito na ang parents niya.

"How is she?." Tanong ni Dr. Trinidad. May kausap pa sa phone si Attorney Trinidad.

"Medyo okay naman po. Andun po sa taas tulog." Kaya umakyat na siya.

Sige po Mr. Galvez, makakaasa po kayo. Bye.

Baba niya ng phone nya, at dun ko nakita na yung kanina ko pang hinahanap na ring ay suot suot niya lang pala. Tsk I can't believe Coco just lied to me. Pinagtripan ako ng babaeng isip bata and hindi ko man lang yun nakita. Gusto kong magwala dahil sa sobrang inis. Ang tanga tanga ko. Kung pwede lang sanang gumanti.

Kalma Cole, hindi niya alam ang ginagawa niya. Inhale exhale.

"Are you okay?."

"O-opo Attorney."

"Sya nga pala,eto. Bibigyan na kita in advance. Okay na siguro yan?."

"O-opo. Sobra sobra na nga po to eh. Maraming salamat po Attorney."

"Naku, walang anuman yun. Para namang ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo eh. Bukas ulit ah."

"Opo. Sige po. Maraming salamat po talaga ma'am."

..

Coleen's POV

7pm. Kumakain kami ngayon ng dinner and kumakain na ako ngayon using my own hands. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging baby.

"Big girl na pala baby Coco namin eh, hindi na nagpapasubo. Alam mo hon, sabi ko sayo eh. Magaling yung batang yun."

"Well, I'm not against that naman. Gusto ko lang malaman, why is she doing this?. Because if it's about money hindi ako maniniwala."

"Baka gusto niya lang talagang kumita ng sarili niyang pera. Saka for experience narin. Who are we to judge her diba?. Besides, para namang gusto siya ni Coco."

Well, she's uto uto mommy. I could easily get her out of my sight kaya I'm tolerating her presence.

FF

Ate Cole's here.

Kakatapos lang niya akong paliguan. Sinusuklay niya nalang ang buhok ko ngayon.

"May piano ka pala baby, tumutugtog ka siguro dati no?. Kasi ako din eh." Sabi niya.

"Nobody asked." Irap ko. Nagulat ako, did I just said that out loud? Oops.

"What?."

"Coco wants cookies Ate Cole. Ate Cole bakes cookies for Coco, yey!." Ngiti ko sa kanya. Acting dumb is really hard you know.

"Okay baby. Wait. I'll be right back." Labas niya. Haaayst, s wakas nakahinga narin ako ng maluwag. Nilock ko nalang ang  pinto para di sya makapasok.

Kinuha ko na ang laptop ko na nakatago sa closet to check if there's some other transactions going on, at unfortunately meron nga. We're not quite sure kung ang ama parin ni Cole ang responsible dun. The President hates drugs, kaya madalas yun ang ginagawang priority. Marami naring namamatay dahil dun.

Kaya lang those criminals found a way to hack the system, to make those drugs undetectable in airport sensors or puffer machine para maexport nila ito to other countries without having a single suspicion and problem.

A mass spectrometer detects compounds on a molecular level and would only be limited by the efficiency of the collection from the air puffed to obtain a sample for analysis pero nahanapan parin nila ng paraan to avoid these from happening. I can't imagine how smart and stupid at the same time these criminals are.

Tok tok tok.

"Baby? Baby, please open the door. Ate Cole is here." Niligpit ko na agad ang laptop. Distorbo naman to oh. Tsk. I opened the door na.

"Why did you locked the door?."

"Because Coco is afraid of monsters. Monsters might eat Coco. Monsters are bad." Arte ko kunwari takot.

"Wawa naman baby. Takot ka ba?."

"Mm mm." Tango ko.

"Anyway, eto na ang cookies." Ang dami naman neto. So ayun kinain na nga namin. In fairness, masarap ah.

"Sarap no?."

Nag-thumbs up naman ako because don't talk when your mouth is full.

BABYSITTING A GENIUSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt