Chapter 6

649 62 13
                                    

Cole's POV

Andito ngayon ako sa kwarto, kasama si Coco. Bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot dahil sa pag-alis ng Daddy niya. Naglalaro siya ngayon ng legos habang unti unting pumapatak ang mga luha niya. Kaya lumapit ako sa kanya at niyakap lang siya, and she hugged me back. Dun na sya parang tuluyan nang naiyak. I rubbed her back to make her feel comforted.

FLASHBACK

"..You never really cared about me, you never really cared about mom! It's your fault why she left us, it's your fault why we're miserable!. Pinaalis mo siya at pinagsisisihan kong I'm stuck with you now!." For the first time, napagbuhatan niya ko ng kamay. Nagulat rin siya sa nagawa niya.

"I-I'm sorry."

"You're not." I stubbornly said at dinala na ang mga gamit ko palabas.

"Cole! Come back here! Cole!." Pero di ko parin sya pinakinggan.

I rode my bike at pumunta na sa pinakapinagkakatiwalaan kong tao. Wala siyang magulang, mag-isa niyang binubuhay ang sarili niya kaya nakatira siya sa isang apartment. Agad niya naman akong pinagbuksan at pinapasok.

EOFB

Nakatulog na si Coco dahil sa kakaiyak, minsan ganito rin ako.

Pinahiga ko muna siya pero habang inaayos ko ang position niya sa kama ay parang may nakapa akong kakaiba sa bulsa ng unicorn suit niya, kaya pinasok ko ang kamay ko sa bulsa at laking gulat ko nang mahawakan ko ang bataan. Butas pala ang bulsa nya tsk.

Pero may nakapa pa akong zipper sa loob ng suit niya at parang may secret pocket ito. I tried to open it ng dahan dahan pero bigla nalang akong hinila ni Coco palapit sa kanya at pinatong ang binti niya sa likod ko, so I'm basically on top of her now with our faces and lips closer to each other. I tried to get out of that awkward situation by slowly taking her leg off me and making my arms stood straight para makabangon ako at success naman pewh.

I then went to the bathroom to wash my hand thoroughly. Tsk. Pasaway na bata.

KINABUKASAN

Malungkot parin siya. Sinusubuan ko nalang siya ngayon sa pagkain. Ako pa ngang nagpapanguya sa kanya ng pagkain niya, nakatunganga lang kasi sya at wala din siya sa mood na maglaro at manood ng cartoons. I tried my best to cheer her up pero sobrang lungkot niya parin.

Andito ngayon kami sa kwarto. Nakahiga lang sya habang yakap yakap ang stuffed toy niyang unicorn, nakatitig parin siya ceiling. Tinabihan ko nalang siya at dun siya napalingon sakin. Humirap siya ngayon sakin with that same worried baby look.

"Alam mo baby, don't be sad na. Babalik naman si Daddy mo eh. Saka diba strong ang mga daddies?. Kung san man sya ngayon, I know na kayang kaya nya ang mga monsters." I said fixing her hair. Seryoso parin siyang nakatingin sakin kaya bumangon ako.

"Mabuti nga ang Daddy mo hero. Ang Daddy ko kasi monster." Sabi ko. Bumangon narin siya at tiningnan ako.

"Napakabad niya. He only thinks for himself. He's selfish and stubborn."

"Do you hate him?."

"I don't know. Maybe. He tried to control and criticize my every move. Even this thing in here. (Pointing my heart) He kept on telling me how  and what to feel. Hanggang sa napagod nako. You won't understand kasi bata ka pa. Pero among all the things that you'd ever experience in this lifetime, falling in love is the best."

..

Coleen's POV

No. I don't think so. Because everything that falls ends up broken. You have no idea what you're talking about.

"You don't seem to agree with me baby ah. Hmm. Are you thinking ba na everything that falls ends up broken?.." wait, how did she--

"Kasi yan din yung inisip ko when I had my first heartbreak. You know a falling star is a piece of rock from space. People study about them to have a glance towards the secrets of the universe. Spending years looking at that same rock. People treat them like valuable masterpieces once they're in the ground. Sometimes, you have to fall so someone could see and appreciate you even if it means being vulnerable. Some of them won't care, but the right one will. Geez, nagiging cheesy nako. Tsk. Who am I kidding? Di mo rin naman pala maiintindihan. Basta, don't worry too much. Magiging okay din ang lahat."

Okay, maybe she's not as stupid as I thought she is.

9pm. Maagang natulog si Mommy. Dahil narin siguro sa sobrang lungkot ng pag-alis ni Daddy.

Pinapalipad ko na ngayon ang DC1 ko papasok sa apartment na tinutuluyan ni Cole. I used my computer keyboard bilang controller na para bang naglalaro lang ako ng computer games. Success naman itong nakapasok ng hindi napapansin ni Cole. Mag-isa lang siya ngayon sa kwarto niya habang nagbabasa siya ng libro.

Naghanap ako ng lugar at  anggulo saan pwedeng magstandby ang camera, at nakita ko nga ito sa bookshelves niya. Tanging ang lampshade lang sa side table ng bed ni Cole ang nakabukas kaya medyo madilim.

May microphone din akong ininstall sa DC1 na supersensitive kaya maririnig ang kung ano mang pag-uusapan ni Cole at nung kasabwat niya kahit sa phone.

Naghihintay nalang ako ngayon ng ganap nang biglang may pumasok sa room. Hindi ko makita ang mukha kasi nakatalikod siya sa camera at nakasuot pa siya ng hoodie.

"Sa wakas andito ka na." Masayang sabi ni Cole. Ito na siguro yung boyfriend niya so live in pala sila. Nagulat nalang ako when he started crawling on top of Cole's long legs and sat on her lap. Well, this is interesting. Nagtitigan sila saglit. Cole smiled.

"Akala ko lasing ka na naman eh." Sabi pa ni Cole. The next thing I knew they're already locking lips. Oh my innocent eyes.  Hindi ako makapaniwala na ganito pala ka aggressive si Cole. She pulled the latter's neck, unzipping the jacket at tinanggal na ito. Wait, it's a girl?!. S-seryoso ba to?.

Nagsisimula na silang hubaran ang isa't isa kaya pinatay ko nalang agad ang DC1. Ibang krimen ata ang nawitness ko. Pinagpapawisan pako mula ulo hanggang talampakan. What the heck just happened?.

BABYSITTING A GENIUSWhere stories live. Discover now