Chapter 24

30K 775 119
                                    

SIERRA MOANED before parting from the kiss.

Kreston pulled her into a torrid kiss after parking his car at the Ravage bar's parking lot. It was a surprise move from him but nonetheless she still gave in and kissed him back.

"You ruined my lipstick," she pouted while looking at his lips with a lipstick stain.

Ngumisi ito at muling inabot ang labi niya para mabilis na halikan. "That's the point of the kiss," he pause, "aside from I can't get enough of your lips."

Inirapan niya ito at kumuha ng wet wipes sa bag niya para punasan ang labi ni Kreston at sa kanya narin. Matapos ay tumingin siya sa labas ng bintana at tinignan ang parking lot kung nandoon narin ba ang sasakyan ni Katana o ni Flame.

Nasa Ravage bar sila para sa napag-usapan nilang night out nila ni Cairn at Katana. And Sierra hopes that Flame will be here too so she could tease her endlessly until her nostrils fumes.

"Let's go, sungit. Looks like Katana is already inside," yaya niya sa binata ng makita ang pamilyar na sasakyan ng kaibigan.

Tumango ito at sabay na silang lumabas ng sasakyan. Natawa pa siya ng makita ang simangot nito dahil sa hindi niya na naman ito hinintay na pagbuksan siya ng pinto. Pero agad din iyon nawala nang binigyan niya ito ng mabilis na halik sa gilid ng labi nito.

Yumakap siya sa bewang nito at naka-akbay naman ang isang braso nito sa kanya habang papasok ng Ravage bar. Marami na ang tao ng pumasok sila pero dahil naka reserba ang pwesto para sa kanila ay hindi na nila kailangan mag-alala na hindi sila makakahanap ng lugar para sa kanila.

Gustong mapailing ni Sierra habang naglalakad patungo sa hagdan dahil sa mga babaeng napapatitig sa kasama niya. Kahit saan talaga ay humahatak ng atensyon itong si sungit. Ang gwapo naman kasi. Hindi rin nakatulong ang mukha nitong masungit, seryoso at misteryoso. Isama pa ang mata nitong parang tumatagos sa kaluluwa mo kung tumingin.

But too bad for these ladies.

Kreston is mine.

And Sierra is keeping him to herself as long as he still wants to stay besides her.

Ipinagpasalamat ni Sierra na walang nagtangkang humarang sa kanila ni Kreston o walang babae na nagtangkang kunin ang atensyon ng binata.

Well, who would try? When Kreston looked annoyed and serious. Para itong leon na handang umangil oras na may magtangkang lumapit.

"Sungit, enliven your face you looks like you're about to go to war," bulong niya sa binata habang paakyat sila ng hagdan patungong first floor.

Mahinang tumawa si Sierra nang hindi ito sumunod.

Kreston just groaned in annoyance before murmuring something under his breath which Sierra didn't understand because of the loud music. And she didn't bother to ask what it was 'cause she already saw Katana waving at them while Cairn was just quiet and serious.

"Be good sungit, okay?" Paalala niya sa binata.

Nagtagis lang ang bagang ni Kreston at hindi ito sumagot.

Mabigat siyang bumuntong-hininga at seryoso itong tinignan nang hindi ito sumagot.

"I'll be good, doudou," Kreston huffed. "Just don't be sweet with him."

Hindi na siya nakasagot dito dahil malapit na sila sa mesa kung nasaan sina Cairn at Katana.

Hinalikan niya sa pisngi si Katana. "Kanina pa kayo?"

"About half an hour," sagot nito saka tinanguan at ngumiti kay Kreston. "Good to see you here, boss."

"Yeah..." Hinapit ni Kreston ang bewang niya nang magtangka siyang lapitan si Cairn.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon