Chapter 5

37K 1K 96
                                    

DALAWANG lingo na ang nakakalipas mula ng masakit na pinaalis si Sierra ni sungit. Pero hanggang ngayon ay natutulala parin siya sa nangyari sa araw na 'yon pagna-aalala niya ito.

Hindi na siya nasasktan sa pagpapaalis nito dahil nag-sorry naman ito. At dahil mabait siyang tao at mapagpatawag ay pinatawad niya ito.

At hindi iyon dahil sa marupok siya. Huh!

Pero pucha...

Hindi parin siya makarecover sa katotohanang mukhang alam na nitong may gusto siya dito.

Magandang alaala na sana ang haplos nito at halik na ikinasaya ng puso niya, pero nabura lahat ng 'yon ng makita ang cellphone niyang may bagong picture sa screensaver.

Huhuhu pinakialaman ni sungit ang cellphone ko.

Nagagalit siya at naiinis pero pucha! Nag-uumapaw ang kahihiyan sa sarili niya.

Gayunpaman ay hindi niya makuhang palitan ang larawan ni Kreston sa screen ng cellphone niya. At syempre mas lalong hindi kaya ng puso niya na i-delete ang mga litrato nito sa kabila ng ginawa nito.

Pucha! Ang yummy ng picture niya. Ang swerte niya mukhang siya lang ang may ganong picture ni sungit.

Pero nakakainis parin talaga!

Humilata si Sierra sa sofa sa sala niya.

It's Sunday, so she doesn't have to work and she did nothing all day but stay inside her apartment, or spend some time on her balcony. This has been her routine every time it's not working days of the week. And the reason for that is sungit.

Hindi niya kayang makita ito.

Nakakahiya!

Sayang talaga at hindi niya na mahanap yung business card ni Cairn. Tatawagan niya ito, sigurado siyang mai-entertain siya. Kaya lang hindi niya ito mahanap.

Sierra was feeling drowsy and planning to sleep when her doorbell rang.

Kumunot ang noo niya. Sino naman kaya 'to?

Tinatamad siyang tumayo at naglakad para buksan ang pintuan. Nang makita kung sino ang nasa labas ay napaungol na lang si Sierra sa disgusto. Inis parin siya sa babaeng ito dahil sa parusang nakuha niya ng tinakasan niya ito para dalawin ang itay niya.

Dahil sa pananakot nitong sasabihin kay sungit na may gusto siya sa binata ay wala siyang nagawa kundi tumakbo kasama ito ng tatlong araw.

Wala naman problema kung tumakbo siya para sa ehersisyo. Pero hootang babaeng 'to, 'di pa tumitilaok ang mga tandang ni itay eh nandito na sa apartment niya.

"Ano sa atin bitchy Katana?" Walang gana niyang tanong sa babae.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa tapos ay tinaasan ng isang kilay.

"You look like a bitch that haven't had a f-ck for years," komento nito at pumasok sa apartment niya.

Ang bruha! Binangga pa siya. Tsk. Tapyasin ko dibdib ng doktora na 'to eh ng wala ng maipagmalaki.

Sierra closed her door strongly but not enough to ruin it.

Umikot ang mata niya.

Pasalampak na naupo sa sofa niya ang doktora at tinapik ang katabing espasyo nito para doon siya paupuin. Tulad nito ay pasalampak din siyang naupo sa tabi nito.

"And?" Bagot niyang tanong. "BTW, FYI, kahit kailan ay hindi pa ako nakikipag sex," sagot niya sa komento nito.

Tinignan siya nito. "Oh... So, it's your expiration that made you look frumpish."

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon