Chapter 34

26.1K 715 31
                                    

HINDI ALAM ni Sierra kung ano pa ang pwede niyang gawin para mapagaan ang loob ni Kreston maliban sa samahan ito.

It’s been three days and Cairn is still unresponsive. And the longer he stays that way, the more miserable Kreston look. And Sierra can't help but blame herself. If only she could turn back time. Hindi sana siya aalis ng isla. Sana hindi na lang siya lumabas ng isla. Hindi sana siya nakidnap. Wala sanang dapat iligtas si Cairn.

And the burden of the guilt she has became even more difficult to lift when she saw how broken Flame was. Hindi ito masyadong kumakain at walang kinakausap.

Imbis na pumasok sa loob ng silid na konektado sa ICU kung nasaan si Cairn, tumalikod si Sierra at umalis.

Naiiyak siya at ilang araw na rin niyang itinatago ang lungkot at bigat ng loob niya sa mga nangyari. At ang makita si Kreston na malungkot at miserable habang nakatingin kay Cairn ay sobrang nagpapasakit sa puso niya. At alam niyang nasa loob din si Flame.

Muli siyang lumabas ng hospital at nagpunta ng baywalk malapit lang din sa hospital. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili bago siya humarap kay Kreston. Kung iiyak siya sa harapan nito ay hindi iyon makakatulong dito.

A weak crybaby is the last thing he needs right now.

Pinunasan niya ang luha na pumatak sa mukha niya at ilang ulit na bumuntot ng hininga at pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

"Cry. Holding your tears will not make you feel any better."

Napatingin si Sierra sa nagsalita.

It was Node.

"Here." Inabot nito sa kanya ang isang panyo.

Kinuha iyon ni Sierra at pinunasan ang pisngi niya tapos ay napatitig siya sa binatang nakatingin lang sa dagat ng walang emosyon.

"I'm sorry for blaming you. It was stupid of me to say that," anito at tumingin sa kanya.

"But you were right about it..." Malungkot na  sagot niya.

Node sighed, shaking his head. "I was not. What I told was stupid Miss Aragon. And if Cairn could talk he surely would cussed me for blaming you. Please, forget what I said. I can see you're blaming yourself but it's not right. You were also a victim. And I'm sorry, for my words added to that feeling you have right now."

"Sana ganon lang kadali iyon," Sierra whispered dismally.

Namulsa ito. "I don't know what else to say to make you feel better and think differently. I suck at advising people. So—" Node paused then tsked. "Good luck maybe."

"Salamat." Sierra smiled lightly before Node left her alone.

Ilang sandali pa siyang nanatili roon bago niya naisipang bumalik ng hospital. Pero inayos niya muna ang mukha sa sasakyan noua bago siya pumasok ng hospital.

Bumunot muna siya ng malalim na hininga bago binuksan ang pintuan at pumasok.

Naabutan niyang naroon ang mga doctor ni Cairn at kausap si Kreston. Hindi siya napansin ng mga ito dahil sa seryoso at tutok ang mga ito sa usapan kaya't nanatili na muna siyang nakatayo sa tabi ng pintuan.

Ilang minuto na siguro siyang nakatayo roon ng mapansin siya ni Kreston. Agad na kumunot ang noo nito nang makita siya at pinatigil sa pagsasalita si Leaf, isa sa mga doktor ni Cairn na kaibigan din ng binata.

Lumapit ito sa kanya habang kunot parin ang noo.

"I've been waiting for you, doudou," anito at niyakap siya at hinalikan sa labi. "Are you okay?"

Sierra smiled. "Ayos lang sungit. May pinuntahan lang sandali kaya natagalan ako."

Tumango ito at marahan siyang hinila palapit sa mga doctor na kausap nito.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon