Chapter 10

35.5K 1K 91
                                    

PAGKALABAS ng shower ay nagpunas ng katawan si Sierra. Matapos ay isinuot niya ang denim short na pinarisan niya ng fitted tank top.

Lumabas siya ng bathroom at nagsuklay ng buhok. Tiningnan niya ang mukha sa salamin at napatango-tango. Mukhang hindi siya stress.

After one week of working as Kreston's secretary, Sierra could already handle the work. She's already used to his schedules. So far it isn't so tiresome and stressful. Kung papipiliin nga siya parang mas magandang maging boss si sungit kesa kay topakin.

Mas konti kasi ang trabaho niya dito at walang mga biglaang meeting or pagkakakansela ng schedule na madalas mangyari kay Riot. Kaya nga topakin itinawag niya doon dahil pagsinumpong ito at ayaw makipag meeting ay kanselado lahat. Tsk.

Matapos mag suklay ay nagmamadaling lumabas si Sierra ng silid niya. Alam niyang nakahanda na ang pagkain at siguradong masarap na naman 'yon. Nang dumating sa hapag ay nabigla siyang naroon ang mga kaibigan ni sungit.

"Magandang gabi sa inyo," bati niya sa lahat ng naroon bago naupo sa kanan ni sungit na may bakanteng upuan.

"Evening milady," sabay sabay na balik na bati ng mga ito.

Binalingan ni Sierra si Kreston na hindi nagsalita. "Good evening, boss," nakangiti niyang bati rito.

"What's good in the evening, Sierra?" bored tanong nito.

"The delicious food that tito Nolan will serve," mabilis na sagot niya. "'Wag ka masungit sa hapag boss, nakakasira ng panlasa 'yan."

Tinaasan lang siya nito ng kilay at hindi sumagot. Kaya ibinaling na lang ni Sierra ang atensyon sa mga kaibigan nito. Lima ang naroon at ito ang madalas niyang makitang kasama ni Kreston.

"Ano okasyon bakit andito kayong lahat?" naitanong niya.

"We live here, milady," Equinox replied.

She get to know him when he accompanied Knox a week ago to pick her up in her apartment.

Sierra's eyes widened. "As in, kayong lahat?"

Tumango ang mga ito.

"Pati ikaw dito parin nakatira?" tanong niya kay Holmer na naging kapalit niya bilang sekretarya ni Riot.

"Yes, milady."

"Why do you ask, milady?" Knox inquired.

Nagkibit ng balikat si Sierra. "Curios lang." Binalingan niya si Kreston. "Sungit ang bait mo naman para ampunin ang mga damulag na 'to."

Tumaas ang gilid ng labi ni Kreston at tumingin sa kanya. "I didn't adopt them, Sierra. They forced their selves here."

Ibinalik ni Sierra ang tingin sa limang kaibigan ni sungit. "Ganoon kayo ka-poor at uhm... Ka walang-hiya?

Nakita niya ang pagngiwi at ang masamang tingin na ibinigay ng mga ito kay Kreston.

"That is not true, milady," Blake refute while looking at Kreston sharply.

"Eh, ano?"

"Milord can't live without us, that is the truth," Knox answered proudly.

"You can go fuck yourself Knox," Kreston answered dryly.

Mabilis na tinampal niya ang braso nitong nasa mesa at pinandilatan ito. "Huwag ka magsalita ng bad words, sungit."

"Says the lady that told milord to jack the fuck off," Greed commented, voice void of any emotion.

Nagtawanan ang mga lalaki maliban kay Kreston na masamang tiningnan si Greed. Napalabi naman si Sierra at napayuko.

"Ginalit kasi ako ni sungit kaya ko lang naman nasabi 'yon," she explained.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon