Chapter 13

34.4K 938 38
                                    

SIERRA STARED at Kreston's phone.

She was surprised that he nonchalantly handed his phone to her like he doesn't care if she goes through it and checked everything inside.

However, it may made her heart swell with joy it was not enough to erase her annoyance and pain.

Inilapag niya ang cellphone nito at nag-umpisang kumain. Dahil sa mag-isa lang siya at sobrang gutom na siya ay lamon ang ginawa niya. Huh! Masarap kumain ng walang iniisip na pwedeng mamuna sa paraan ng pagkain niya.

Matapos kumain ay iika-ika niyang niligpit ang pinagkainan at dala ang cellphone ni Kreston ay tinungo niya ang kwarto para maglinis ng katawan at magpalit ng damit.

After physically, mentally, and emotionally tiring hours Sierra is exhausted. She just wants to lie and sleep. So that's what she did.

When Sierra woke up it was already dark outside. Instead of getting up she stayed on the bed and watch TV then she remembered Kreston's phone.

Inabot niya ito at ilang sandaling tinitigan.

Maybe she should take a look too just like what he did with her phone. And who knows if this is really his personal phone. This could be just his other phone.

Biting her lips, Sierra tapped the phone screen two times to bring it alight. At napaawang ang labi niya sa picture ng lock screen nito.

"What..."

Sierra was speechless. Her heart hammered inside her chest from joy, surprise, and anticipation.

Kreston's image lock screen is her picture.

"Wow..."

Nang makabawi siya sa sorpresang bumungad sa kanya ay si-nwipe niya ang screen para buksan iyon. Nakita niyang may mensahe ito galing sa isang messaging app.

At tulad ng lock screen ang home screen image na naka set ay larawan niya na naman— ibang picture nga lang.

Hindi napansin ni Sierra na nakangiti na pala siya habang nakatitig sa cellphone nito. Sunod niyang ginawa ay ang tignan ang gallery ni Kreston. At mas lalong hindi matahimik ang tibok ng puso niya dahil sa mga nakita. Ang dami niyang picture doon!

Pucha! Saan nakuha ni sungit ang mga 'to?

Nagpatuloy si Sierra sa pagtingin sa mga larawan na naroon. Nakita niya rin ang ibang larawan ni Kreston kasama ang mga kapatid nito.

Pati hubad na larawan nito, well, hindi naman totally hubad pero walang pang-itaas na damit.

Pucha! Pandesal!

Sayang... wala ang cellphone niya. Gusto niya 'to lahat sa cellphone niya.

Nang magsawa sa pagtingin sa mga larawan ay inilapag ni Sierra ang cellphone ni Kreston habang nag-iisip kung bakit marami itong larawan niya.

Napangiti si Sierra sa isiping baka crush din siya ni sungit. At tulad niya nangongolekta din ito ng picture niya. Ang nakapagtataka lang wala naman siyang naka public na picture, at karamihan ng picture na naroon ay siya lang ang may kopya.

Narinig niyang nag-ingay ang cellphone ni Kreston at nang muli niya itong tignan ay nakita niyang mukhang patuloy sa pagcha-chat ang kung sino man sa messaging app na meron si Kreston.

Ibinalik niya iyon at tumayo.

Wala siyang balak basahin ang mga chat o ang mga mensahe na para kay sungit.






"GAGO ka Krest, akala ko ba blow off some steam eh bakit parang gusto mo lang mambugbog." Reklamo ni Grim habang binebendahan ang kamay nitong nasugatan.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon