Chapter 3

36.8K 1K 98
                                    

PAGKALAPAG NG bag ni Sierra ay agad siyang pumasok sa pantry na konektado sa opisina ng boss niya para gawan ito ng kape. Matapos ay dinala niya ito kay Riot na agad niyang nakita na busy na sa trabaho pagkabukas niya pa lang ng pinto.

"Coffee boss," aniya at inilapag sa mesa nito ang kape.

"Thanks. And tell me my appointments today," anito na hindi nagtataas ng tingin sa binabasang dokumento.

"Sandali lang boss kunin ko lang sa mesa ko," paalam niya at agad na lumabas ng opisina nito.

Nang makabalik siya ay agad niyang binasa ang schedule nito. Matapos niyang basahin ay nag take note naman si Sierra sa mga utos nito at mga taong gusto nitong tawagan niya at iba pa.

Ipinakansela din nito ang isang meeting dahil nag set ng meeting ang isang kapatid nito at syempre pinipili lagi ng boss niya ang mga kapatid nito. Bilib nga si Sierra sa binibigay na importansya ng boss niya para sa mga kapatid nito.

Halos isang oras din ang itinagal niya sa opisina ng boss niya bago siya nakabalik sa mesa niya. Agad niyang tinawagan ang lahat ng dapat tawagan kaya nang lumabas ang boss niya para sa unang meeting nito ay handa na siya.

Mabilis lang din natapos ang meeting nila sa isang kliyente at nang matapos ay tamang tama lunch break.

"Kabute sa Donćic tayo mag lunch."

"Boss bakit do'n pa? May malapit naman dito," reklamo ni Sierra.

Sa resort pa 'yon iikot pa sila, nasa Crown main sila. Dito matatagpuan ang mall, business offices, casino, hotels, condominiums at iba pa.

This is like the town of Crown Island. The only difference from this one to the other town here in the Philippines is, everything here is well organized, beautifully decorated, and of course, prestigious. You could see skyscrapers and other medium buildings around.

No vendors or people are living in the street. And only those who work here can live here. Others that don't want to live inside the island could travel every day. May free transportation naman para sa mga nagtatrabaho dito pero hindi dito nakatira.

There's also one nursery, grade, secondary, and university. And believe it or not, it is a famous one. Not only because it is here in the Island, but most of the students of that school are from wealthy families. Coming from different countries around the world.

May mga hindi naman mayaman pero 'yon ay galing sa bahay-ampunan ni Ruckus. Ang iba naman ay mga anak ng nagtatrabaho dito na maswerte dahil covered na ng Crown ang expenses sa pagpapaaral.

"Because I want there," suplado nitong sagot.

"Tinotopak ka na naman ba boss at gusto mo magsayang ng oras?" Tanong niya habang sinusundan ito patungo sa parking lot.

"Kinda," tipid na sagot nito at pinindot ang remote para sa sasakyan nito.

Umingos na lang si Sierra at tumungo sa kabilang parte ng kotse nito para sumakay. Pagkasakay nila ay agad na pinasibad ng boss niya ang sasakyan nito at si Sierra naman ay inabala na lang ang sarili sa panonood sa labas.

At nang madaanan nila ang bangko kung saan madalas na pumapasok araw araw si sungit ay todo tingin siya. Baka kasi makita niya si sungit.

"Don't bother yourself looking for kuya. He's out of the Island."

Parang nahapo siya sa sinabi ng boss niya. Nakalimutan niya lumabas pala ng isla si sungit. Hay...

Bumalik sa pagkakasandal si Sierra nang may maalala na itanong sa boss niya.

"Boss sino si doudou?"

Nakita niya ang pagtagpo ng kilay nito bago siya sinulyapan. She could see he is confused.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon