Exhausted Fantasy

4.1K 59 11
                                    


Samuel

"Ito na lang ang hinihingi ko sa iyo, Maggi." 

Napatingin ako kay Papa na nakayuko at nakatingin sa isang papel kung saan nakasulat ang mga utang na hindi na namin kayang bayaran pa.

Hindi ko akalaing aabot kami sa ganitong sitwasyon. Ang akala ko ay isang mala-fairytale na ang buhay ko. Hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang utang nila. Ni hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral.

Akala ko ay ayos lang ang lahat. Masaya kami. Papa is smoothly running our company, and our own business, and Mama is happy being a housewife, taking care of me and papa. Not until one day...

"Papa, nasaan si mama?" tanong ko pagkagaling ko sa school.

Hindi sumagot si Papa at nanatiling nakayuko. Umakyat ako papunta sa aking kwarto para makapagbihis pagkatapos ay pumunta ng kusina dahil baka nandoon si Mama.

Pero wala siya roon, wala ring nakahandang pagkain. Nasanay kasi ako na pagkauwi ko ay may nakahandang meryenda. Nakakapanibago ring maagang umuwi si papa galing sa trabaho. Ang normal niyang uwi ay malapit ng magmadaling-araw.

"Papa, nasaan si mama? Bakit ang aga niyong nakauwi?" tanong ko ulit.

"Wala na ang mama mo," mahina niyang sabi.

"Ha?"

Kumunot ang noo ko at kinuha ang papel na kanina niya pa hawak. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa nakasulat.

"Pa, bakit umalis si Mama? Hindi ito totoo, hindi niya tayo iiwan!" sabi ko habang pinipigilan ang luha.

"Iniwan na tayo ng mama mo! Hindi na siya babalik dahil nandoon na siya sa kandungan ng lalake niya!" sigaw ni Papa.

Umiling ako at hindi na mapigilan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. "Walang ibang lalake si mama, papa. Hindi niya iyon magagawa sa atin," sabi ko. Hindi ako naniniwala.

Ngumisi si papa at namataan ko ang galit sa mga mata niya. "Gumanti siya, Maggi. Gumanti siya sa akin. Ang akala ko ay ayos na kami. Ang buong akala ko ay napatawad na niya ako at nakalimutan na ang nagawa ko noon." Tumawa siya, isang tawa na may malalim pang pinanghuhugutan at hindi iyon kasiyahan.

"Papa, anong sinasabi niyo? Bakit naman gaganti sa iyo si mama? Bakit gaganti siya sa iyo at sumama sa ibang lalake?" Gulong-gulo na ako. Hindi ganito ang inaasahan ko sa pag-uwi ko.

Kanina lang ay iniisip ko pa na sobra silang matutuwa kung ipapakita ko ang mga nakuha kong grado sa para first semester ng aming klase. Tuwang-tuwa ako dahil alam kong magiging proud sila sa akin, lalo na si Papa.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now