Kabanata 11

1.3K 32 5
                                    


More

Kahit na pagod at kulang pa ako sa pahinga ay kailangan ko ng bumangon at maghanda ng kakainin ni Samuel. Kailangan ko na ring pumasok at baka matanggal na ako kung magtatagal pa ang leave ko. Nakakahiya na rin ako kay Ate Jovie.

Tulog pa si Samuel sa kanyang kwarto. Siguro dahil nagpuyat siya kagabi. Nagulat pa ako nang madatnan ko siya kagabi na nanonood ng telebisyon dito sa living room. Saka lang siya pumasok sa kanyang kwarto nang makita ako. Hindi man lang ako kinausap o kinumusta man lang. Naintindihan ko naman siya kahit papaano, malalim na rin kasi ang gabi at maaga pa ang pasok niya ngayon.

I cooked a simple breakfast. Naalala ko na ilang araw ko ring hindi siya napaghanda ng ganito. I assumed na galit siya sa akin. Well, palagi naman. Kailan ba siya hindi nagalit sa akin? Siguro ay pakikisamahan na lang namin ang isa't isa hanggang sa maisipan niyang kumuha na ng annulment papers. Bumuntonghininga ako, parang napagod na akong lumaban. Parang hindi naman kasi ako nananalo. Kahit na panindigan ko ang kasal na ito, walang silbi kung mismong asawa ko na ang tatalikod sa akin.

I prepared his breakfast and his lunchbox for his lunch. Pumunta na ako sa kanyang kwarto para gisingin siya. Hindi iyon naka-lock kaya pumasok na ako. Mahimbing pa rin siyang natutulog sa ibabaw ng kama. Pinatay ko na ang aircon at pinulot din ang mga nagkalat niyang maruruming damit. Ilang araw lang akong wala sa bahay ay ganito na kagulo.

"Samuel, gising na..." mahinahong bulong ko sa kanya. Baka kapag sinigawan ko ay magalit.

Gumising naman siya kaagad kaya hindi ko na kailangan pang ulitin ang paggising ko. Nag-iwas ako ng tingin nang lumihis ang kumot niya na tanging tumatakip sa hubad niyang katawan. Tumalikod ako at tinungo ang aparador para ihanda na ang kanyang uniporme at ang susuotin ko rin. Normal lang naman siguro sa amin ang hindi magkibuan. Hindi naman kasi normal ang setup namin.

"K-Kumain ka na. Nakahanda na ang kakainin mo sa mesa sa kusina," sabi ko sa kanya nang hindi pa rin siya nililingon dahil ayokong mahagip ng mga mata ko ang katawan niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang laki ng paghanga sa kanya ng mga dalagita sa eskwelahan kung saan siya nagtuturo. He is that hot teacher!

"Are you alright?" hindi ko inaasahang tanong niya.

Sandali akong natigilan at wala sa sariling napatingin sa kanya. This is the first time that he looked at me like that. There's sympathy and a hint of concern in his eyes. His face was soft too. Not his usual attitude toward me.

"I'm sorry for your lost. Hindi na ako nag-abalang magpakita dahil baka ayaw mo ako doon. I think my brother is right. It is not better for you that I am there," sabi niya at unti-unting lumapit sa akin.

May kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam na ganito ang nasa isip niya. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin niya ito sa akin. Ang buong akala ko ay wala siyang pakialam at matutuwa pa sa pagkamatay ni papa.

"Ang akala ko wala kang paki sa akin. I-I want you to be there," pag-amin ko.

"I'm sorry kung hindi ako nagpunta. Galit ako sayo at sa papa mo. Pero hindi gawa sa bato ang puso ko." He touched my cheek.

Kinilabutan ko at bahagyang napalayo sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya, pwede bang bumalik na lang siya sa dati? Iyong galit sa akin at hindi ako pinapansin.

At ibinigay naman kaagad sa akin ang hiling ko. Nawala na ang maamo niyang mukha at bumalik sa malamig at nakakatakot ang kanyang mga mata. Dapat ganyan na lang siya palagi.

"Are you falling in love with my brother?" seryosong tanong niya na ikinagulat ko.

"H-Ha?"

Mas lalong dumilim ang mukha niya. Umiling siya at inirapan ako. "Nevermind, maliligo muna ako bago kumain." He smirked.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now