Kabanata 1

1.9K 42 3
                                    


Miserable

Bumuntonghininga ako at binagsak ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod ako dahil sa buong araw na paghahanap ng trabaho. Natanggap ako bilang isang kahera sa isang cafeteria sa loob ng isang secondary school. Mapait akong napangiti. Ang pangarap kong maging isang accountant at magtrabaho sa isang kompanya o banko ay tuluyan nang nagunaw. Tuwing naiisip ko iyon ay naluluha na lang ako, sobrang sayang ng lahat.

It is not really a bad idea to get married with Samuel. Kilala ko na siya kahit noong bata pa ako, in fact, I admire him. He is the Suma Cum Laude of their batch. He is handsome and very gentleman. And I know, na sobra siyang magagalit dahil sa sapilitang kasal na ito. Ang alam ko ay wala pa sa isip niyang magpakasal dahil nagbabalak pa siyang mag-aral hanggang makuha niya ang doctorate degree.

"Siguradong magiging malupit siya sa akin," sabi ko sa aking sarili.

Nang makaipon na ulit ako ng lakas ay tumungo na ako sa kusina upang magluto ng pagkain namin ni papa. Masama raw ang pakiramdam niya at hindi rin naman siya marunong magluto. Itlog na naman at tuyo ang uulamin namin ngayon dahil wala na kaming pera. Ang bahay namin ay hawak na rin ng bangko at binigyan na lang kami ng isang buwan para makahanap ng bagong lilipatan. Nagbenta na rin ako ng mga iba kong gamit para may panggastos kami habang hindi pa nagaganap ang kasunduan ng pamilya nila Samuel at ni papa.

Napatakbo ako papuntang sala ng bahay nang sunod-sunod na umubo si papa. Kinuha ko rin ang gamot niya at isang baso ng maligamgam na tubig. Nakaupo na siya sa sofa habang umuubo at nakahawak sa may bandang dibdib.

"Papa, nakalimutan niyo na namang uminom ng gamot. Alam niyong aatakihin talaga kayo ng asthma kapag nakaligtaan niyo," sabi ko sa kanya at inabot ang dalawang tableta ng gamot.

"Wala rin namang silbi ang mga iyan. It will not cure my disease. I will never be okay at sobra akong nag-aalala. I can't leave you like this, not in the situation like this.  Ayokong iwan ka na dala-dala ang utang na wala ka namang kinalaman," sabi niya at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi.

Iniwas niya ang tingin sa akin at walang-imik na ininom ang gamot na binigay ko.

"Uubusin ko na lang ang mga ito at huwag ka nang bibili ulit. Save the money for your necessities. Huwag mo na akong alalahanin. I will make sure that you will be alright before I leave."

"Papa! Huwag kang magsalita ng ganyan. Huwag kang magsalita na iiwan mo rin ako kagaya ng ginawa ni mama. Akala ko ba iba ka sa kanya? Anong pinagkaiba niyo kung iiwan mo rin ako. Papa, ayokong mag-isa," sabi ko at niyakap siya.

Now, I understand. I truly understand why he is forcing me to marry Samuel. He is insuring me for the future. Maybe he knew that he will leave me soon.

"I just can't deny it, Maggi. Alam kong kahit anong oras, maiiwan kita. Ayokong nakikitang nahihirapan ka. Ako ang papa mo, ako dapat ang nagtataguyod sa iyo. Marami akong pagkakamali, pinagsisihan ko na iyon at alam kong hindi ko na maibabalik ang panahon. Kaya, anak ko, patawarin mo si Papa," sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Papa."

Mali siya, hindi dapat sa lahat ng oras ay aasa ang anak sa magulang. Hindi naman sila de-makina na walang kapaguran. Minsan, kailangan rin nila ng pahinga at konting tulong. Kung iniisip ng anak na wala siyang obligasyon sa kanyang magulang ay isa iyong malaking pagkakamali. Bilang anak, obligasyon niyang maging mabuti at marespetong anak. Kahit man lang sa bagay na iyon ay gumaan ang mabigat na buhay ng mga magulang.

Kaya, gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay maramdaman ni papa na mahalaga siya sa akin. Ang buong akala ko ay naipapakita ko na iyon sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti. Hindi ko man lang masabi sa kanila na mahal ko sila dahil nahihiya ako. Ngayon, wala na akong pagkakatong masabi iyon kay Mama, si Papa na lang ang kasama ko at mukhang iiwan pa niya ako.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now