Kabanata 9

1.2K 35 7
                                    

Like you

"Papa will not get any better, right?" I asked Sandro while looking at my papa who was lying on the hospital bed.

"He will be, don't worry too much. Baka ikaw naman ang magkasakit," he said then touched my shoulder.

Ayokong isipin na bibigay na nga talaga ang katawan ni papa ano mang oras pero parang ganoon na kasi ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ilang atake pa ang makakaya niyang lampasan gayung siya na mismo ang nagsasabi hindi niya kaya.

"Papa, if you want to go, ayos lang. Huwag mo nang ipilit kung hindi mo na talaga kaya. Don't think of me anymore," sabi ko habang nakatingin sa kanya. He was, too, just staring at me with tears in his eyes.

"I'm so sorry, Maggi. T-This is not the life that I am dreaming for you. I failed to be a father to you. Ngayon ikaw pa ang papasan ng mga pagkakamali ko. H-Hindi dapat ganito ang buhay mo. Dapat masaya ka, I know how miserable you are right now. I can't leave you like this." He cried in front of me.

I promised to myself that I won't cry anymore especially, in front of him. Dapat makita niya na ayos lang ako. Na ayos lang kung iiwan na niya ako. Siguro, ako rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin siya.

"I will be alright, papa. Malaki na ako, hindi na ako ang Baby Maggi mo na laging nadadapa. Kayang ko nang tumayong mag-isa ngayon. Gusto pa kitang makasama nang matagal pero hindi ko naman kaya na makita kang nahihirapan. Lalo lang akong nasasaktan, let go if you want to, Papa. Your baby Maggi will be okay. I love you and thank you." I kissed her forehead.

He stayed for a few hours more before he finally decided to sleep forever. I didn't cry while the doctor and nurses are removing the machines that kept him alive for a few hours.

"Goodbye, papa. Have a safe flight to heaven. I love you," I said before they bring his dead body to the morgue.

One of the nurses gave me a death certificate to fill-up. Nakangiti pa ako habang nanghihiram ng ballpen at hindi ko alam kung bakit. Sa lahat ng namatayan ako pa ang mukhang masaya. Pero kasi, taliwas sa pinapakita ko sa mga tao ang tunay na nararamdaman ko. Mag-isa lang ako dito at walang ibang gagawa ng mga bagay na ito kung hindi ako. Wala akong oras para magmukmok. Kailangan mailabas si papa kaagad dito para mabigyan siya ng maayos na burol bago kuhanin ng bangko ang bahay namin.

Nang mag-isa na lang ako na nakaupo sa isa sa mga upuan sa hallway. Bigla akong nanginig at hindi na makapagsulat nang maayos. Parang naubos lahat ng lakas ko at hindi na ako makagalaw nang maayos. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko, itinabi ko muna ang papel dahil baka mabasa iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit, ngayong wala akong ibang kasama. Ngayon ko naramdaman na mag-isa na lang talaga ako.

"Papa, I'm sorry. Papa." Mahina ang mga hikbi ko dahil ayokong may makarinig sa akin.

"Papa, sorry. Wala akong magawa. Pangako, I will try to be happy. Hahanapin ko din si mama." Tinakpan ko ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay rinig na sa buong ospital ang pag-iyak ko.

"Maggi!"

Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko ang boses na iyon. Tumakbo siya sa mahabang pasilyo hanggang sa makalapit sa akin. He sat beside me then embraced me.

"I'm sorry, I wasn't here earlier," sabi niya habang hinahaplos ang likuran ko.

Umiling ako. "W-Wala ka namang obligasyon sa akin, hindi mo ako kailangang samahan palagi. Hindi naman talaga ako dapat iiyak kaso, masakit pa rin pala kahit tinaggap mo na. Kahit hinanda mo na ang sarili mo sa mangyayari, sobrang sakit pa rin pala." Hindi na yata ako matatapos kakaiyak.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now