Kabanata 12

1.2K 36 4
                                    


Hirap

Pinagsisihan ko na hindi ko sinulit ang pagiging mabuti sa akin ni Samuel. Ang mga ginawa niya sa akin kanina lang umaga ay parang panaginip pa rin at hindi na mauulit. Ang kasiyahan ko kanina lang ay biglang napalitan ng kalungkutan na nakalimutan ko kahit sa maikling panahon lang. Parang may kung ano matulis na bagay na paulit-ulit na tumutusok sa puso at nagpapahirap sa aking huminga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi habang tinatanaw si Samuel at Leia mula sa malayo. They look so happy  with each other. Kaya pala maganda ang mood ni Samuel dahil mukhang nagkabalikan na sila ni Leia. Hindi na ako magtataka kung isang araw na lang ay papipirmahin na niya ako ng annulment paper.

Ang akala ko pa naman ay magkakasabay kaming umuwi ngayon. May bisita pala siya. Mapait akong ngumiti at tumalikod na sa kanila. I guess I have to walk my way home. Wala rin naman akong pera na pamasahe. Mabuti at maaga akong pinapauwi ni Ate Jovie kaya hindi pa nakakatakot sa daan papunta sa liblib naming bahay. Pagkarating ko ay naglinis muna ako at balak maglaba ng kaunting damit. Maaga pa para magluto ng hapunan. Habang naghihiwalay ako ng mga damit ay natagpuan ko isang hindi kilalang underwear na pambabae. This is not mine.

Bumalik ang sakit sa puso ko nang mapagtanto na nandito si Leia ng mga panahong wala ako. Kaya pala... Hindi ako ang dahilan, hindi para sa akin ang mga kilos niya. Ang akala ko ay nagiging malambot na ang puso niya sa akin. May iba pala at hindi ako...

Umiiyak ako habang kinukusot ang mga damit niya at underwear. Wala akong magagawa kung may iba siyang babae dahil ito ang kapalit ng pagpapakasal ko sa kanya. Payag naman ako na may babae siya pero masakit pala, hindi ko alam.

Hanggang sa pagluluto ay hindi maalis sa isip ko kung ano ang mga ginawa nila dito sa bahay. Kung ipinagluto rin ba siya ni Leia? Malamang ay puro magagandang bagay na hindi ko mararanasan mula sa kanya kahit kailan.

Dumating siya saktong pagkalapag ko ng plato sa mesa. Nakangiti siya habang inaalis ang sapatos. Bumuntonghininga ako at pinilit ang sarili na ngumiti. He is in a good mood, ayokong sirain iyon dahil sa nararamdaman ko.

"Sakto ang dating mo. Katatapos ko lang magluto. Halika na, kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain," nakangiti kong sabi.

Tumango siya at magiliw na umupo sa kanyang pwesto. Nilagyan ko ng kanin ang kanyang plato at inabot ko rin sa kanya ang ulam. Hindi matanggal ang ngiti niya at ako naman ay pasulyap-sulyap lang sa kanya. Iniisip ko kung magtatanong ba ako sa kanya o hahayaan ko na lang na sabihin niya iyon sa akin? Sino naman ako para i-update niya sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi ba dapat ay masaya na rin ako kahit papaano dahil may epekto rin naman sa akin ang pagkakabalikan nila ni Leira. He's not that grumpy to me anymore. Pero natatakot ako na iwan na lang niya ako isang araw...

"Mukhang masaya ang araw mo ngayon, ha?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Alam ko naman kasi ang sagot kaya bakit nagtanong pa ako?

"Samuel..." seryosong tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako at napahinto sa pagkain. "Bakit?" Nagtaas siya ng kilay.

"P-Pwede bang...pwede bang manatili muna tayong kasal? Huwag muna tayong kumuha ng annulment," kinakabahang tanong ko. Malakas ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung tama bang itinanong ko iyon.

Hindi siya nagsalita at parang hinihintay pa ang susunod kong sasabihin. Sumubo muna ako ng pagkain at uminom ng tubig.

"N-Nagkabalikan na kayo ni Leia, hindi ba?" tanong ko ulit.

Halatang nagulat siya pero nanatili pa ring tahimik. Pinagpatuloy niya ang pagkain habang ako ay inisip nang mabuti ang susunod na sasabihin.

"Naisip ko lang na baka kumuha ka kaagad ng annulment papers. Huwag muna kasi wala pa akong mapupuntahan. Wala pa rin akong ipon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag naghiwalay tayo. Maitatabi ko naman na ang mga sasahurin ko dahil pag-aaralin na ako ni Sandro," sabi ko at tumingin sa kanya.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now