Kabanata 19

1.2K 30 2
                                    


Huli

Muli kong pinunasan ang mga luha ko pero patuloy lang din iyon sa pag-agos. Hinawakan ko ang nanginginig kong kamay at kahit na isang linggo na ang nakakalipas simula nang pagsamantalahan ako ni Sandro ay parang kahapon lang nangyari ang kawalang-hiyaan niyang iyon. Parang ramdam ko pa rin ang mga nakakadiri niyang halik at haplos. At tuwing naaalala ko kung paano niya ako takutin para lang maulit pa ng isang beses ang ginawa niya sa akin at ang pananahimik ko ay mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya at napapaluha na lang dahil alam kong wala rin akong magagawa.

Sa kagustuhan kong umiwas na lang sa kanya ng tuluyan ay nag-resign na ako sa trabaho ko at hindi na lumabas ng bahay. Pinipigilan ko ang umiyak kapag nakaharap si Samuel dahil ayokong magtanong siya. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan niya ako kapag sinabi ko sa kanya ang ginawa sa akin ng kapatid niya. Sa mga litrato at video pa lang na kinuha ni Sandro habang ginagawa niya ang kahayupan na iyon ay iisipin ni Samuel na gustong-gusto ko iyon. Mali! Hindi ko iyon ginusto! Hindi ako iyon! Hindi ko magagawa iyon! Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ni Sandro kung bakit naging ganoon ang katawan ko.

Niyakap ko nang mahigpit ang unan ni Samuel at inamoy ang bango niya. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanya. Mahal na mahal ko si Samuel. Hindi ko maintindihan kung kailan nagiging maayos na kami ay saka naman nangyari ito. Gusto ko lang naman maging masaya. Wala ba akong karapatan?

Alam kong may mali rin ako dahil pinagkatiwala ko ng husto ang sarili ko kay Sandro. Nahulog ako sa bitag niya kasi ang buong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko siya. Ang akala ko ay kaibigan ko siya. Pero hayop siya! He raped me! Pinagsamantalahan niya ako!

Hindi ko namalayang nakutulog ako, yakap ang unan ni Samuel. Nagising ako dahil sa marahanang paghaplos ng isang kamay sa pisngi. Kaagad akong napadilat at napalayo sa gulat. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at nginig ang buong katawan ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang si Samuel iyon.

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Pinalupot naman niya ang kanyang bisig sa akin. Napasinghap ako nang maalalang hindi pa pala ako nakaluto ng hapunan.

"S-Samuel, sorry. Hindi pa pala ako nakaluto," sabi ko at bahagyang itinulak siya.

Hinila niya ulit ako papalapit sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti sa akin.

"Mabuti nga at hindi ka nagluto. Gusto kong kumain tayo sa labas ngayon. Ilang araw ka na ring hindi lumalabas ng bahay. Lagi pang malungkot ang mga mata mo, alam kong may problema ka at kung ayaw mo pang sabihin iyon sa akin ay ayos lang. Kailangan mo munang magpahangin sa labas para gumaan ang loob mo," sabi niya at sinapo ang pisngi ko.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at marahan kong pinataka ng halik ang labi niya. At least, alam niyang may dinaramdam ako at natutuwa ako sa pagrespeto niya sa akin.

"Salamat. You don't have to do this. Kagagaling mo lang sa trabaho at pagod ka pa--"

Pinutol niya kaagad ang sinasabi ko. "But I want to do this for my wife. My Mignonette," sabi niya at ikiniskis ang ilong sa akin.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa kanya. "Sayo lang ako, Samuel. Ayoko sa iba. Gusto ko ay dito lang ako sa mga bisig mo. Huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari." Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.

"Hindi naman ako aalis, kasal ako sayo. Gusto ko na ring panindigan ang kasal natin kagaya mo," sabi niya kaya napatingala ako sa kanya.

Tumagilid ang ulo ko at pinagmasdan siya. "Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ano nangyari pagkatapos ng pag-aaway namin noon ni Leia?"

Bumuntonghininga siya. "Realization struck me at that moment. Back then, takot akong pumasok sa isang seryosong relasyon dahil natatakot akong baka maging hadlang lang iyon sa mga gusto kong maabot sa buhay ko. Kaya ilang beses kong dinasal na kung bibiyan man Niya ako ng babaeng mamahalin ko, sana ay kaya akong intindihin at magiging buo ang tiwala sa akin. Iyong kayang-kayang ipaglaban ang relasyon namin kahit mahirap kasi takot akong masaktan at kayang-kaya kong tumalikod kapag masydo ng masakit. Then, He gave me you. I didn't realize that before. My prayers were already answered pero hindi man lang akong nagpasalamat. Pinahirapan pa kita. I'm so sorry," seryosong sabi niya at hinalikan ako nang mariin.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now