Kabanata 13

1.2K 37 6
                                    


Dessert

Hindi ko nahintay ang pag-uwi niya pero nagulat talaga na umuwi pa rin siya ang akala ko ay buong gabi na silang magkasama ni Leia. Iyon ang iniisip ko bago ako nakatulog. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang tahimik siyang kumakain ng umagahan. Nakabihis na siya ng kanyang uniporme at handa na sa pagpasok.

Gusto kong tanungin kung saan niya nakuha ang sugat niya sa kanyang kamay at ang pasa niya sa pisngi pero baka mag-away na naman kami. Mas mabuting hindi na lang kami magpansinan.

"Hindi ko kukunin ang lunchbox na iyan," sabi niya pagkatapos niyang kumain.

Tumikhim ako. "Hindi naman ito para sa iyo," sabi ko na halatang ikinagulat niya.

"Huwag mo akong lokohin." Umismid siya pero bumalik ang matalim na tingin sa akin.

"Ang sabi mo kagabi, hindi masarap ang luto ko. Naisip ko na baka tinatapon mo lang ang pinapabaon ko sayo, sayang naman. Kaya si Sandro na lang bibigyan ko dahil hindi niya gusto ang pagkain sa cafeteria," sabi ko at matapang na sinalubong ang tingin niya.

Nag-igting ang panga niya at makailang beses na huminga nang malalim. "Good, hindi ko naman kailangan ng kahit ano mula sa iyo," usal niya at mabilis na umalis.

Balik na naman kami sa dati. Kahit na pilit kong ignorahin ang sakit na ibinibigay niya sa akin ay naaalala ko iyon tuwing mag-isa lang ako. Hindi naman niya ako sinasaktan sa pisikal pero ang mga salita niya at ugaling pinapakita sa akin ay bumabaon sa puso na pakiramdam ko ay mas mahirap pang maghilom kesa sa mga pisikal na sugat.

Ang tanging nagpapagaan na lang ng loob ko ngayon ay si Sandro. Lagi akong excited tuwing naiisip na makikita ko ulit siya. Sana magustuhan niya ang hinanda kong tanghalian para sa kanya. Pansin ko kasi na hindi naman niya nauubos ang pagkain na dinadala ko sa kanya mula sa cafeteria. Baka mas gusto niya ng lutong-bahay. Hindi ko na lang iisipin si Samuel, si Leira na ang bahala sa kanya.

Kaya kahit naglakad ako patungo sa eskwelahan ay magaan ang loob ko. Maaga akong nakarating kaya naabutan ko pa ang huling parte ng flag ceremony ng mga bata. Si Sandro ay nagsasalita sa gitna ng stage at inaanusyo ang tungkol sa magaganap na Graduation Ball para sa mga Seniors na magtatapos ng high school. Tuwang-tuwa ang mga bata kaya panay ang palakpak nila kahit hindi pa naman natatapos magsalita ang kanilang principal.

"Teachers, head teachers, and school staff can also join to the party. Kapag hindi Grade 12 student, huwag ng pupunta. Maliwanag ba?" tanong niya sa mga bata na magiliw namang sumagot.

Natapos ang flag ceremony, gusto kong lapitan si Sandro pero kausap niya ang mga head teachers at ilang teacher, kasama na si Samuel. Ibibigay ko lang naman itong lunchbox at aalis na rin. Kumaway ako sa kanya nang magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya at nagpaalam sandali sa mga kasama. Nahagip ko pa ang masamang tingin ni Samuel. Anong problema niya?

"Good morning, Maggi," bati niya sa akin.

"Good morning. Uhm, dinalhan kita ng lunch. N-Napansin ko kasi na hindi mo gusto ang pagkain sa cafeteria kaya baka gusto mo ng iniluto sa bahay," sabi ko kahit na kinakabahan na baka hindi niya tanggapin.

Ngumiti siya at kinuha ang lunchbox. "Salamat, ito ang unang beses na may gumawa ng lunch na para sa akin talaga. You are so sweet, I wish you are mine," bulong niya.

Bumigat ang paghinga ako at parang sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi ako nakaimik at pinagmasdan lang siya, hinihintay ko na bawiin niya ang sinabi niya pero sensiridad lang ang nakita ko sa mga mata niya.

"S-Sandro..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Mas gaganahan akong kumain kung sasaluhan mo ako. Makikita ba kita mamayang lunch?" tanong niya at ngumiti ng matamis.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now