Kabanata 22

1.2K 33 0
                                    

Daddy

Mabuti na lang at mura lang ang singil ni Dr. Deity sa mga kabayan niya kaya may sumobra pa sa ibinigay ni Samuel, idagdag ko na rin ang ipon ko galing sa pagtatrabaho para makabili ng mga vitamins na nireseta niya. Napakaluwag ng dibdib ko ngayon at parang liwanag ng paligid. Masayang-masaya ako ngayon dahil magkaka-anak na kami ni Samuel. Makakapagsimula na kami ng pamilya. Hindi na niya ako pwedeng iwan. The baby needs him and I need him too. Iniisip ko pa lang kung anong klaseng ama si Samuel ay tuwang-tuwa na ako.

Dahil malapit lang ang clinic sa palengke at botika ay naglakad na lang ako papunta roon. Naisipan ko na rin na bumili ng isang maliit at kulay puting baby bottle para isurpresa si Samuel. I hope he will get the clue. Bumili rin ako ng isang sobrang liit na cake dahil nakita kong ube flavor iyon. Bigla akong naglaway.

"Ma'am Maggi?"

Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses ng kung sino man ang tumawag sa akin. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. Lumapit siya sa akin at alangan ang ngiti niya. Naibaba ko ang tingin ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Manang, k-kumusta po?" kinakabahang tanong ko.

Marami siyang dalang mga gulay at kung ano-ano pa. Hindi ko akalain na ganito pa rin siya kalakas kahit na ang tanda na niyang tignan.

"May gusto akong sabihin sa inyo. Hindi na ako makatulog nang maayos simula noong araw na unang pumunta ka sa mansyon ni Sir Sandro. Alam kong may balak siyang hindi maganda sa iyo dahil bago ang araw na iyon ay palagi siyang galit. Madalas pa niyang minumura si Sir Samuel. May tanong ako sa inyo, pagkatapos niyo bang inumin ang wine na ibinigay niya sa inyo ay may naramdaman kayong kakaiba?" Tumingin-tingin siya paligid. Maingat at mahina ang bawat salita niya.

Tumango ako. "Opo, parang nawala ako sa sarili ko at nag-iinit ang buong katawan ko." Nanginig ako dahil bumuhos na naman ang mga alaalang iyon. "P-Pinagsamantalahan niya ako, manang. S-Sa kwarto, h-hindi ko iyon gusto. Maniwala kayo sa akin." Tumulo ang luha ko at nakaramdam na naman ng pandidiro sa katawan.

Hinila niya ako sa mas tahimik na parte ng palengke kung saan kakaunting tao lang ang dumadaan.

"Huwag kang mag-alala. Naniniwala ako sa iyo. Unang kita ko sa mukha mo ay alam kong buo ang tiwala mo kay Sir Sandro, nakita na rin kita noon sa isang litrato na hawak-hawak palagi noon ni Sir Sandro bago pa siya malipat na principal sa eskwelahan kung saan nagtatrabaho ang kapatid niya. Kaya imposibleng papayag ka sa ginawa niya. Iyong wine na ininom mo, may inilagay siya roon. Nahagip ng mga mata ko habang hinahanda ang cake," sabi niya at bumuntong-hininga.

Napasinghap ako at napahawak sa puson ko. So, matagal na pa lang may plano si Sandro. Anong balak niya? Bakit niya ginagawa ito?

"Si Sir Sandro, hindi lang siya yumayaman dahil sa pagiging principal. Matagal na akong nagtatrabaho sa kanya kaya may alam ako kahit papaano. May isang hinala lang ako kung ano ang inilagay niya sa inumin mo. Droga..."

Napatakip ako sa bibig ko para mapigilang mapasinghap nang malakas. Kaagad na dumaan sa isip ko ang mga sinabi ni Samuel, hindi ko kilala si Sandro. Wala pa nga akong nalalaman sa kanya. Hindi tunay ang Sandro na ipinakita niya sa akin noon. Kinuha niya lang ang loob ko para magawa niya ang plano niya. Para masaktan niya si Samuel.

"S-Salamat po. Pero bakit niyo sinasabi sa akin ito?" Nagtataka ako, hindi ba dapat ay kakampi siya ni Sandro?

"Gusto kong humingi ng tulong. Tulungan niyo ako ni Sir Samuel na makaalis na kay Sir Sandro," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ho? May ginawa rin ba siya sa inyo?"

Umiling siya. "Hindi niya ako hahayaang umalis na sa kanya dahil sa marami na akong nalalaman. Pinagbantaan niya akong na kung susubukan ko mang tumakas ay ipapapatay niya ako. Gusto ko nang bumalik sa probinsya ko at magpahinga na pero hindi siya pumayag. Ang sabi pa niya ay mamamatay na ako sa pagtatrabaho sa kanya at kapag naging makakalimutin at sabi-sabi na ay puputulan niya ako ng dila. Natatakot na ako. Hindi ko akalain na magiging isang halimaw ang dating mabuting taong nakilala ko," sabi niya at napaluha.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now