Kabanata 18

1.3K 31 5
                                    


Gabi

Simula ng araw na iyon ay tinodo ko na ang pag-iwas kay Sandro. Hindi pwede ang nararamdaman ko, nagiging maayos na kami ni Samuel. He wants to work things out for us, ayokong sirain iyon. Bigla akong nakaramdam ng hilo habang nakatayo ako tapat ng mesa sa cafeteria. Napahawak ako sa upuan at dahan-dahang umupo. Umaasim din ang sikmura ko at hindi ako makahinga nang maayos. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko tuwing malapit nang mag-lunch. Marahil ay dahil na rin sa pagta-trabaho ng sagad para maibaling ang atensyon ko at hindi masyadong pansinin si Sandro.

"Maggi, ayos ka lang?" tanong ni Ate Jovie at hinaplos ang likod ko.

Tumingala ako pero mas lalo lang akong nahilo. Yumuko ulit ako sa mesa at sinubukang ikalma ang sarili.

"Namumutla ka! Ikukuha kita ng tubig. Gusto mo bang ipadala kita sa clinic?" tanong ni Ate Jovie at inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Iinumin ko na sana iyon nang bigla akong maduwal. Mabilis akong tumakbo sa CR para doon sumuka. Ano bang nakain ko at ganito ang nararamdaman sa mga nakalipas na araw?

"Maggi, Diyos ko! Ano bang nararamdaman mong bata ka? Nausog ba kita?" tanong niya at hinawakan ang tenga ko. "Hindi naman malalamig ang tenga mo. Baka may nakain ka lang na hindi maganda." Inalalayan niya akong makaupo ulit at inabot muli ang baso sa akin.

Naubos ko ang tubig at nakahinga na ng maluwag. Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast o kahit kumain man lang ng biscuits. Nagmamadali kasi si Samuel kanina dahil may seminar siyang pupuntahan kaya mas inuna ko siya. Mamaya pang hapon o gabi ang uwi niya.

"Hindi pa ho ako kumakain, eh. Kaya siguro bumabaliktad na ang sikmura ko," sabi ko na lang.

Nakahinga naman nang maluwag si Ate Jovie at akmang kukuhanan na sana ako ng pagkain nang pumasok si Sandro.

"Cancel ko na ang order for lunch-- Maggi!" Mabilis niya akong nilapitan at hinaplos ang mukha ko. "Ang putla mo. Anong nangyari?" tanong niya.

Iniwas ako ang mukha ko. "Ayos lang ako. Medyo nahilo lang ako kanina," sagot ko at iniwas ang tingin sa kanya.

Bumuntonghininga siya at pilit na hinanap ang mga mata ko. "Akala mo ba na hindi ko nahahalata iniiwasan mo ako? Maggi, why?" tanong niya gamit ang malungkot na tono.

"Sandro, hindi naman sa ganoon. Ayoko lang na mag-away pa kami ni Samuel. Hindi mo ba nakikita na maayos na kami? Hindi na niya ako inaaway, para na kaming normal na mag-asawa. Gusto na niyang bigyan ng pagkakataon ang kasal namin. Kung makikita niya na lumalapit ako sa iyo, iisipin niya hindi ako seryoso sa kanya. That I am just taking for granted our marriage. Please, ayokong mangyari iyon," sagot ko at iniwas pa ang sarili sa kanya.

Tumango siya. "I'm sorry for messing up with you, Maggi. Alam ko naman na hindi ka magiging akin because you love my brother. Everyone loves him, I will always be the second best. Lahat ng mga magagandang bagay ay napupunta sa kanya ng walang kahirap-hirap. My father was very proud of him when he graduated as Suma Cum Laude, wala akong nakuhang ganoong karangalan nang magtapos ako. Kaya sinikap tapusin ang doctorate degree ko at maging isang principal para kahit papaano ay maranasan ko namang ipagmalaki ng aking ama pero hindi pa rin iyon nangyari. Even our grandparents favored him. Even you." Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. Kusang umangat ang kamay ko para punasan iyon.

Ngumiti siya pero lumuluha pa rin ang mga mata. I know that he is holding too much grief in his heart. Hindi ko kailanman siya nakitang may kasamang kaibigan, well, except doon sa humalik sa kanyang ex-girlfriend niya, hindi ko siya nakitang may kasamang barkada. Hindi katulad ni Samuel.

"I am still your friend, Sandro." Hinawakan ko ang kamay niya.

"But you are avoiding me. Don't pity me, please. Kung sinasabi mo lang iyan dahil naaawa ka sa akin, I don't want anyone to pity me. I can stand on my own." Binawi niya ang kanyang kamay.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now