Kabanata 25

1.4K 26 0
                                    


Opposite

"You promised that you will say something to me once we were already home. What is that?"

Oo nga pala. Tinabi ko ang beanie na binili niya para sa baby namin sa loob ng cabinet at hinarap siya. Hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan, kailangan ko munang makaharap namin si manang para mayroon akong ebidensya. Ayokong mapuno ng pagdududa ang isipan ni Samuel. Mahal niya ako pero alam kong hindi pa rin buo ang tiwala niya sa akin. I need solid proofs that Sandro raped me. Until that video is existing, no one will believe me. I need to talk once again with manang and this time, with Samuel.

Bumuntonghininga ako at magsasalita na sana nang tumunong ang kanyang cellphone. Nagpaalam siya para sagutin ang tawag. Ako naman ay hinanda ang sarili para sa magiging reaksyon niya. If manang can explain it very to Samuel, hindi ko na dapat pang ipag-alala ang video na iyon. If he knew that I was drugged that time, he will never believe to Sandro. Pwede pa namin siyang isumbong sa mga awtoridad na gumagamit siya ng ilegal na droga.

That will be my plan. Kapag nalaman na ni Sandro na ayos na kami, siguradong hindi siya magdadalawang-isip na sirain naman kami. He loves to see Samuel suffer emotionally and physically. But, I will stop him. Sa kagustuhan niyang bumagay sa mundo ni Samuel ay kinain na siya ng kanyang ilusyon. I can't believe that I trusted myself to him. Sumagi pa sa isip ko noon na kung hindi magiging kami ni Samuel ay pagbibigyan ko siya. Hinayaan ko pa siyang makuha ang puso ko, hinayaan ko pang siya ang maging unang halik ko. I can't believe that I am very ready to betray my husband and stain our marriage just for that monster.

Bumalik si Samuel at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Sumunod naman ako kahit nakakunot ang aking noo.

"I guess we can talk about that some other time. For now," bumuntonghininga siya at tumingin ulit sa cellphone. "We need to attend a funeral," sabi niya at marahang hinila ang kamay ko palabas ng aming kwarto.

Funeral? Sino ang namatay?

Pinasakay niya ako ng kotse. Parang labag pa sa loob niya ang gagawin namin. Mas lalo akong nagtaka nang mapansing pamilyar ang daang tinatahak ng sasakyan at hindi ito papunta sa mansyon ng kanyang mga magulang. Napatingin ako sa kanya. Umiigting ang panga niya at mariing nakahawak sa steering wheel ang kamay.

"S-Samuel, saan tayo pupunta? Sino iyong tumawag kanina?" kinakabahang tanong ko.

"Si mommy ang tumawag. Siya rin ang nagsabi na kailangan nating pumunta bilang respeto. Ayoko sana pero..." Umiling-iling siya at huminga nang malalim.

"Sino ba ang namatay?" nag-aalangan kong tanong.

"She didn't tell, kaya wala talaga akong choice. I just hope it's Sandro," sabi niya at ngumisi.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate ng mansyon ni Sandro. Nanginig ako at parang nanigas ang lahat ng ugat ko sa katawan. Huling punta ko rito ay sinumpa kong hindi na ulit tutungtong kung saan ako nilapastangan ng hayop na Sandro na iyon! Sana nga siya ang namatay! He deserve to be in hell! I will never forgive him.

"Come on, Mignonette. Sandali lang tayo at aalis din kaagad, pangako. You don't have to worry. I'm here," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Umiling ako. Ayoko! Hindi! Ayokong pumasok diyan!

"S-Samuel, dito na lang ako. Ayokong pumasok. Hihintayin na lang kita rito," sabi ko at nanunubig na ang mga mata.

Tumingin siya sa kamay kong nanginginig at hinawakan iyon. "What is happening, Mignonette? Namumutla ka, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"

Umiling ako at muling rumagasa sa aking isipan kung ano ang nangyari nang araw na iyon. Pilit ko nang binabaon sa limot ang mga dahil tuwing naalala ko ay nanghihina ako. Parang sinira ng mga iyon ang mga maganda kong alaala.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now