Kabanata 7

1.2K 37 2
                                    


Sandro

Hindi ko alam kung ilang araw ba ang pagliban na ginawa ni Samuel sa paaralan. Pinadalhan ko na rin si Ate Jovie ng mensahe na hindi rin ako makakapasok ng ilang araw. Mabuti na lang at pumayag siya kung hindi ay mahihirapan na naman akong maghanap ng trabaho.

Walang pag-uusap ang naganap sa amin ni Samuel sa buong araw na iyon. Lalabas lang siya ng kanyang kwarto kapag nagugutom o kaya naman ay tatawagin ko siya para kumain. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang mga pwede kong gawin sa bahay na ito. Gusto kong pakialamanan ang mga gamit sa likod para malinis kaso baka hindi niya gustong malinisan. Mag-aaway lang kami.

Nang gabing iyon ay kinailangan ko pa siyang tawagin dahil hindi siya bumaba para maghapunan. Kailangan ko ring humingi ng pera sa kanya para makabili ng mga stocks. Ubos na ang mga karne sa refrigerator at wala na kaming kakainin bukas. Kailangan ring bumili ng mga gamit sa banyo at panlaba na rin.

"Samuel," tawag ko pagkatapos ng ilang katok.

Pinihit ko ang doorknob, nakabukas iyon kaya naman pumasok na ako. Nakapatay ang ilaw sa loob at malamig ang buong paligid dahil sa nakasinding aircon. Nakasindi rin ang ilaw sa banyo nitong kwarto kaya naisip ko na baka nandoon si Samuel. Aalis na sana ako nang mamatay ang ilaw doon at bumukas ang pinto. Lumabas si Samuel sa banyo na tanging tuwalya lang ang takip sa ibabang bahagi ng katawan. Nag-iwas ako ng tingin.

Ang ilaw na nanggagaling sa maliit na lamp sa tabi ng kanyang kama ang dahilan kung bakit kitang-kita ko kung gaano kaganda ang katawan niya at ang mga maswerteng patak ng tubig na dumadaloy sa bawat bitak nito. Kita ko rin ang pagkunot ng kanyang noo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang pinupunasan ng maliit na tuwalya ang basang buhok.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "Nakahanda na ang hapunan, kung gustong kumain ay nandoon lang iyon sa kusina. Pumasok na ako dahil nakabukas ang pinto," sabi ko habang hindi makatingin sa kanya.

"Hmm." Tumigil siya sa pagpupunas at mabagal na lumapit sa akin.

Napalunok ako at lalabas na sana pero naunahan niya ako sa pinto. Kinando niya iyon at ako naman ay napasandal na lang sa pinto. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil alam ko na naman kung ano ang mangyayari.

"I have a different appetite for now," sabi niya at nilapit ang mukha sa gilid ng aking leeg.

Mariin akong napapikit nang marahang dumampi ang kanyang malambot na labi sa aking leeg. Wala sa sariling napahawak ako sa kanyang hubad na dibdib, bahagya siyang napalayo sa akin.

"H-Hindi pa ako naliligo, Samuel." Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa sinabi kong palusot.

Ngumisi siya. "Gusto mo bang paliguan kita?" tanong niya na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan.

Napasinghap ako at mabilis na umiling. "Hindi, k-kaya kong maligong mag-isa. L-Lalabas na ako," sabi ko pero hindi niya ako hinayaang makalabas ng kwarto.

"Bakit ayaw mo? Mag-asawa naman tayo at walang kaso iyon," napapaos na sabi niya at muling hinalikan ang leeg ko. "And besides, you smell so good, you don't need to take a bath."

Napapikit na lang ako nang maramdaman kong sumuot na ang kanyang kamay sa aking pang-itaas. Ang haplos niya ay pataas hanggang marating ang aking dibdib.

Napatili ako nang buhatin niya ako at marahas na binagsak sa kanyang kama. Nakalas na rin ng tuwalya na nasa kanyang bewang kaya kitang-kita ko na ang kabuuan niya ngayon. Alam ko na kung magiging matigas ako sa kanya ngayon ay masasaktan ako. I should let him do this to me, right? Asawa naman niya ako. Pero bakit sa pakiramdam ko ay sobrang mali.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now